Chapter 07

121 18 8
                                    

⚠️⚠️⚠️ WARNING ⚠️⚠️⚠️

This chapter contains explicit languages and mentions of unforgivable crimes that may trigger one's anxiety. If you are not comfortable with such topics, please skip reading this.

READ AT YOUR OWN RISK.

──⊹⊱✫⊰⊹──

Magkasalubong ang mga kilay ni Knight habang kunwaring binabasa ang huling case report mula sa kaso ni Lena Madrigal. Nakikita man niya ang bawat titik ay hindi naman iyon rumerehistro sa kaniyang utak. Palihim niyang tinititigan ang bakanteng upuan na pangdalawahan malapit sa mesa ni Xander, upuan kung saan madalas tumambay si Dei upang makiusisa sa kasong hawak nila.

Malakas ang buntong hininga na kaniyang pinakawalan at ibinalik sa unang pahina ang kaniyang binabasa at doon naman huminto sa pagtitipa ng police report si Xander mula sa kaniyang desktop. "Humingi ka na lang kasi ng tawad." Saad nito sa kawalan, dahilan upang mapaangat ng ulo si Knight.

Ngumiti si Xander sa kaniya at agad namang umiwas ng tingin itong si Knight, mas lalong kumunot ang noo. "Bakit ako hihingi ng tawad? Iniligtas ko na nga ang buhay ng pakialamerang 'yon!" giit naman niya.

Napahalakhak si Xander sa tinuran ng kasamahan. "Kaysa naman balisa ka riyan kakaisip sa kaniya."

"At bakit ko naman iisipin si Dei?" inis na tanong nito habang padabog nitong ibinaba ang hawak niyang case report sa mesa at tumingin kay Xander na ngayon ay malawak ang pagkakangiti, tila nang-aasar pa.

"Wala naman akong binanggit na pangalan, ah." Knight took a deep breath as if it was giving him back all the patience he lost. "May defensive." pagpapatuloy na pang-aasar ni Xander sa kaniya bago bumalik sa kanilang ginagawa.

Napapikit ng mariin si Knight, pinaalalahanan ang kaniyang sarili na kailangan niyang mag-focus sa kaso at hindi sa mga walang kahulugang mga bagay. Naniniwala siyang kaya nilang resolbahin ang kaso nang wala si Dei, na isa lamang con-artist sa kaniyang paningin. He browsed through the case report and stared at the photo from the CCTV footage. Kaagad nitong binuhay ang kaniyang desktop upang hanapin ang digital version ng case report at hindi naman siya nahirapan.

He zoomed the photo but it was pixelated. He opened an application used by the task force for image searching and got a match. It was a tattoo of a snake's head with its mouth wide open and the tongue was sliding towards the left side.

Hinanap niya kung may record sila tungkol sa tattoo na iyon at ang tanging nakita lamang niya ay ilang criminal records ng mga taong may ganoon ding tattoo. "Viperion..." he highlighted the name of their gang with that tattoo.

Kinuha niya ang kaniyang work phone at tinawagan ang kaniyang hinihinalang suspect sa pagkamatay ni Lena Madrigal -- si Destiny Lauchengco. Ilang ring bago may sumagot, "Hello?" halos mapatingin si Knight sa numerong tinawagan niya dahil lalaki ang sumagot.

"Hinahanap ko si Destiny Lauchengco. This is Detective Knight dela Vega." ma-awtoridad niyang sambit. Narinig naman nito ang boses ng dalagang hinahanap mula sa background, tinatanong kung sino ang tumatawag. "Can you pass the phone to her?"

Habang hinihintay niyang kausapin siya ng dalaga ay inihahanda na niya ang imahe ng tattoo upang i-send iyon sa dalaga. Connected kasi ang work email nito sa kaniyang work phone kaya madali lamang niyang nakuha ang larawan across all his devices.

"She can hear you. Speak." Imbes na ipasa ng binata ang cellphone kay Destiny ay ni-loudspeaker lamang nito ang tawag.

"We found out that there's an involvement of a gang on Lena Madrigal's case. I sent you the image of the tattoo. Let me know if it looks familiar."

Knight and DeiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon