⚠️⚠️TRIGGER WARNING:⚠️⚠️
This chapter contains a sensitive about kidnapping and sexual abuse that may trigger one's anxiety.
THIS IS A CRIME FICTION and if you are not comfortable in reading such topics, kindly skip this chapter. I need to write such information for the story to progress.
──⊹⊱✫⊰⊹──
"Isang nagbabagang balita! Nakatanggap diumano ng isang death threat ang multi-millionaire na si Destiny Lauchengco kani-kanina lamang at ayon sa mga ilang empleyado, tila may kinalaman raw ito sa kaso ni Lena Madrigal."
Mabilis na pinaharurot ni Dei ang sasakyan nang marinig ang balitang iyon habang nag-uusap sila ni Xander kanina. Hanggang ngayon ay umaalingawngaw sa isipan niya ang balitang iyon at patuloy ang pagkabog ng dibdib niya. Mahigpit niyang hinawakan ang manibela at binilisan pa ang takbo, ni hindi inaalintana kung lalagpas ito sa maximum speed limit. Ang importante'y makarating siya sa patutunguhan niya.
"Dei, baka hindi ka papasukin!" Xander warned her as she approached the front door.
It is being guarded by security, and reporters from several TV and radio stations are attempting to obtain an exclusive story about the tragedy. After all, it's not everyday that something unusual happens at Lauchengco Investments and Holdings.
Hindi nakinig ang dalaga, ang tanging nakita niya ay ang pinned Police I.D. ni Xander. Hinablot niya ito mula sa binata at ibinalandra sa Head of Security. Bago pa man makita ang mukha na nasa I.D. picture ay agad rin niya itong tinanggal. "Kasama kami sa mga nag-iimbestiga sa kaso. Nasaan si Ms. Lauchengco?" ma-awtoridad nitong tanong.
Nag-aalangan ma'y sumagot pa rin ito, ibinulong nito kay Dei kung nasaan ang nagmamay-ari ng kumpanya. "Nasa twentieth floor."
Kaagad na tinahak ni Dei ang elevator at pinindot ang number 20 at hinintay na marating ang palapag na iyon. Ito ang unang pagkakataon na nakita ni Xander kung gaano kabalisa ang dalaga at bago pa man nila matungtong ang naturang destinasyon ay hinawakan niya ang kanang braso ng dalaga upang mapatingin ito sa kaniya. "Dei, ano'ng nangyayari?"
Napatitig ito sa kasamang binata. Alam niya sa sarili niyang mapagkakatiwalaan naman si Xander ngunit may kung ano'ng pumipigil sa kaniya upang idetalye ang mga nalalaman niya. "Look, I'm only trying to help. Pero hindi kita matutulungan kung bulag ako sa mga nangyayari."
Dei took a deep breath, and before she could say anything in response, the elevator door opened as they reached their destination. Hinila niya si Xander papalabas nang magsimulang pumasok ang mga empleyado dahil isa-isa na silang pinaaalis sa palapag na iyon. Tumigil sila sa isang sulok kung saan walang makakarinig sa kanila. "Destiny's in danger." Panimula niya. "Mahirap itong paniwalaan dahil siya ang tinuturong primary suspect pero maniwala ka... inosente siya sa kaso ni Lena Madrigal."
Before Xander could ask another question, they heard a familiar voice screaming not far from where they were standing. "DON'T TOUCH ME! GET OUT!" Kasunod ng paghiyaw ng dalaga ay isang tunog ng nabasag na kristal mula sa loob ng conference room ang narinig nila. Marahas na bumukas ang pinto at isang natatarantang Destiny Lauchengco ang nasilayan nila.
Destiny wears a white corporate suit, exuding elegance. Crisp lines and minimalist design define the ensemble, projecting professionalism with a touch of sophistication. Her long hair tied in a bun and her nude shade of make-up highlighted her natural beauty.
"DON'T FOLLOW, SIGGY! OR I SWEAR TO GOD, THIS IS THE LAST TIME YOU WILL LAY YOUR EYES ON ME!" Pagbabanta nito sa binatang parang tatlong araw nang hindi nakakatulog ng maayos. The man looked stressed!
BINABASA MO ANG
Knight and Dei
ActionMorville City Crimes: Knight and Dei Two skilled agents with one mission: to solve the case behind the murder of Lena and prove the innocence of their prime suspect. But how will they solve the case when they can't get along from the beginning? ◢◤◢◤...