⚠️‼️⚠️ WARNING: ⚠️‼️⚠️
This chapter includes R-18 (matured & disturbing) scenes not suitable for minors and close-minded readers.
Read at your own risk.
──⊹⊱✫⊰⊹──
DETECTIVE Knight dela Vega leaned against the velvet rope, observing the glamorous crowd swirling around him at the grand fashion party. Ang marangyang ballroom hall ay pinalamutian ng mga nakakasilaw na ilaw at mga magarang disenyo, na nagsisilbing backdrop para sa isang magarbong pagtitipon ng mga celebrity at fashion icons mula sa bansa. It was a night of sophistication and elegance, but beneath the glitz and glamour, a dark secret lurked.
Nagkagulo ang mga tao kanina nang makarinig sila ng isang kahindik-hindik na sigaw mula sa isang pribadong kuwarto. Malapit iyon sa hallway, papasok sa ballroom hall. The crowd parted as Knight and Xander entered the scene, revealing the lifeless body of a young model lying in her own pool of blood on the white carpeted floor. Samu't saring bulung-bulungan ang maririnig mula sa mga bisita habang ang ilang organisers naman ay sinusubukang awatin ang mga reporters na makakuha ng litrato.
Beneath the dimmed lights, Knight knelt beside the fallen model, his gloved hands carefully examining the body. Ang magandang mukha ng dalaga ay nabahiran ng takot. Her dark, smokey eye makeup had smudged, betraying the struggle she had endured before facing her untimely demise. At napansin ni Knight ang isang banayad na pasa sa kanyang leeg, na nagpapahiwatig ng pagkakasakal bilang sanhi ng kaniyang kamatayan.
Sumenyas ito sa mga medics na nakaantabay upang dalhin na ang bangkay ng modelo. Nilalagyan na rin ng crime scene barricade tapes ang lugar at pinalabas na ang karamihan sa mga guests. Ang tanging natira na laman ang ang main organisers at nakilala niya kaagad ang isa rito – si Valentina.
Knight approached her with caution, his typically stoic demeanour showing a hint of tenderness. "Valentina," Knight began gently, "Naiintindihan kong ito'y isang nakababahalang sitwasyon ngunit kailangan ko ang iyong buong kooperasyon."
Hindi makatingin ng deretso si Valentina sa kaniya. Halatang nawala ang pagkalasing nito at bakas sa mukha niya ang pagkabalisa. Isang linggo na ang lumipas simula nang mahuli nila ang nagnakaw sa boutique niya at ngayon nama'y sangkot ang pangalan niya sa isang krimen. She drank the last drop of red wine in her glass, still not making any eye contact.
"May naaalala ka ba na maaaring makatulong sa amin na malutas ang pagpatay na ito?" Tanong ni Knight.
"Wala akong alam," mahinang sagot ni Valentina habang nakatingin sa mga medics na nasa labas at ipinapasok ang bangkay sa loob ng ambulansya bago niya sinalubong ang mga titig ni Knight. "Trabaho niyo'ng mag-imbestiga hindi mangusisa."
Napabuntong-hininga na lamang si Knight. He could see her internal struggle, torn between her desire to protect herself and her need for justice. "And that's precisely what I am doing. Nagtatanong ako upang matuklasan kung ano ang nanyari," sa kabila ng inis na naramdaman ay pinilit pa rin niyang pakalmahin ang sarili lalo na't kailangan niya ang kooperasyon ni Valentina. "Ikaw ang main organiser ng event na ito at makatutulong ang kahit na ano'ng nalalaman mo upang matuklasan namin ang nangyari. Any small detail you can provide might..."
"Uulitin ko..." matulis ang mga matang ibinigay ni Valentina sa kaniya at bakas sa mukha nito ang pagkairita. "Wala akong alam." Naglakad na ito palayo at hindi na binigyan pa ng pagkakataon ang binata upang makapagtanong pang muli.
Naihilamos na lamang ni Knight ang palad sa sarili niyang mukha. Karamihan sa guests ay nakuhanan na nila ng pahayag at lahat sila ay halos iisa ang sinasabi, they were all drunk and having fun. Ang iba pa nga raw sa kanila ay nag-book ng kuwarto to fulfil their carnal desires.
BINABASA MO ANG
Knight and Dei
AzioneMorville City Crimes: Knight and Dei Two skilled agents with one mission: to solve the case behind the murder of Lena and prove the innocence of their prime suspect. But how will they solve the case when they can't get along from the beginning? ◢◤◢◤...