Chapter 05

94 18 16
                                    

⚠️⚠️⚠️ WARNING ⚠️⚠️⚠️

This chapter contains explicit languages and mentions of unforgivable crimes that may trigger one's anxiety. If you are not comfortable with such topics, please skip reading this.

READ AT YOUR OWN RISK.

──⊹⊱✫⊰⊹──

MADILIM ang gabi at napakatahimik ng kapaligiran. Tanging tahol ng aso mula sa kabilang kanto lamang ang maririnig. Sabagay, sino ba naman ang mag-iingay kapag dis-oras na ng gabi?

Pumasok nang tuluyan si Dei sa kaniyang maliit na apartment at ganoon na lamang ang pamimilog ng kaniyang mga mata nang masaksihan kung gaano kagulo ang kaniyang kagamitan pagkabukas niya ng ilaw.

She reached for her phone inside her bag to call the police, ngunit bago pa man siyang makatawag ay may pumulupot nang manipis na tela sa kaniyang leeg. Unti-unti siyang nawawalan ng hininga dahil sa ginagawang pananakal sa kaniya. She can see her reflection right from her window glass. Malas lamang niya at nakasuot ng maskara ang taong sumasakal sa kaniya at unti-unti na ring lumalabo ang paningin niya. It was a man who's trying to murder her!

Nagpupumiglas ito upang makawala mula sa taong nais siyang patayin!

Hinalungkat niya ang kaniyang fountain pen sa kaniyang bag saka isinaksak iyon sa tagiliran ng taong nais siyang patayin gamit ang kaniyang natitirang lakas. Lumuwag ng bahagya ang pagkakasakal sa kaniya sa mga sandaling iyon. She took that as an opportunity to escape.

Halos nahihilo pa siya dahil sa suffocation ngunit mas nanaig sa kaniya ang layuning makatakas. "T-TULONG!" sigaw niya habang kinakatok ang mga pintuan ng kaniyang mga katabing units sa kanilang condominium building, hanggang sa marating niya ang pinakahuling unit, na siya ring nagbukas ng kaniyang pintuan.

She lost consciousness after that. She was not able to see who opened the door for her but she's thankful. Because of that person, she is still alive.

──⊹⊱✫⊰⊹──

NAPABALIKWAS si Dei mula sa pagkakahiga. Dinalaw na naman siya ng kaniyang near-to-death experience sa kaniyang panaginip. Nilibot niya ang kaniyang paningin. Her peach-coloured bedroom wall was the first thing she saw. Mula sa kaniyang kaliwa ay may malaking tinted glass at kitang-kita mula rito ang bubong ng Morville Police Station. She somehow felt at ease.

Bumangon ito ng tuluyan. Simula kasi nang gabing iyon ay hindi na siya nagpapatay ng ilaw. Takot na siya sa dilim. Pakiramdam niya'y susugurin siyang muli ng lalaking iyon at tuluyan na siyang patayin. Kung ano man ang rason kung bakit siya nais kitilan ng buhay nang gabing iyon ay isa pa ring misteryo sa kaniya magpahanggang ngayon.

Lumabas ito sa kaniyang kuwarto. The unit that Noctem provided her on the third floor is decent and with complete amenities. Maliit lamang ito at tamang-tama para sa isang tao. She have a small kitchen with dining, and enough space for her living area.

Napatingin siya sa relong nakasabit sa kaniyang pader. "Ala una pa lang." banggit niya sa kawalan habang kinukuha ang remote ng kaniyang maliit na telebisyon upang buhayin iyon. Inilapag niya ang baso ng tubig sa coffee table na gawa sa kahoy at sinubukang ipikit nang muli ang kaniyang mga mata.

"Another corpse was found in the city but the Morville MetroPol are silent on their investigation which worries the citizens."

She exhaled and was about to turn the television off when the siren of the police car was heard from below and the flashing lights can be seen from where she is. Nakarinig siya ng isang malakas na pagbukas ng pinutan mula sa katabing unit nito.

Knight and DeiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon