Chapter 03

106 22 18
                                        

KANINA pang masama ang titig ni Knight sa gawi ng dalagang prenteng nakaupo sa tapat ng mesa ni Alexander Montecillo, o mas kilala bilang Xander, isa sa pinakamagaling na crime scene investigator sa Morville MetroPol. Maraming patong-patong na case files sa gilid ng mesa nito na inilabas niya mula sa isang kahon.

"So..." panimula ng dalaga habang ibinababa ang kaniyang suot ng dark tinted shades. Nakatingin ito kay Xander. "Sinasabi niyo sa akin na gusto niyo akong kunin as a profiler? Private investigator, ganern?" pang-uusisa niya.

Xander smirked towards the girl. Her way of talking and the terms she's using brings amusement. Ang buong akala niya'y seryoso itong tao dahil sa linya ng trabaho niya. Napatingin siya sa gawi ni Knight bago sagutin ang tanong ng dalaga at kitang-kita niya ang pag-iling ng binata. "Yup." Simpleng sagot niya na siyang ikinaikot ng mata ng kasamahan niya at inayos na lamang ang mga case files na nasa lamesa nito.

Inginuso ni Dei ang gawi ni Knight. "Eh, ayos lang ba 'yon sa partner n'yo? Mukhang 'di n'ya bet ang beauty ko!"

Kunot-noong napatingin si Knight sa gawi ng dalaga. "Sa wakas may sinabi ka ring tama!" Pagkasaad niya nito ay agad niyang inilabas ang ilang kagamitan mula sa kahong nasa tabi niya.

Kaagad na nagngitngit si Dei sa narinig niya. She was murmuring words only she could hear. Inirapan niyang tuluyan si Knight at bumaling ng muli kay Xander. She placed her hands on top of his desk and asked, "may bayad naman ang pagiging profiler ko, 'di ba?"

Malawak ang mga ngiti nito habang pumupungay-pungay ang kaniyang mga mata. Halos mabulunan naman si Xander sa sarili niyang laway at pilit lang na ngumiti sa gawi ng dalaga. Mula sa likuran ay si Knight ang sumagot sa kaniya.

"Kung sa tingin mo'y milyon-milyon ang kinikita ng mga kapulisan, wala na sanang pulis na nagpapakahirap hulihin ang mga kriminal pagkatapos ng isa o dalawang kaso."

Nanlaki ang mga mata ni Dei sa narinig. He made perfect sense and she was already aware of it. Umasa lang talaga siya na malaki ang ibibigay sa kaniya sa pagiging isang private profiler.

Isang pilit na ngiti ang iginawad niya ang tumayo ng tuluyan. Inayos nito ang sarili saka seryosong humarap kay Xander na napatigil sa lahat ng kaniyang ginagawa. "It was nice chatting with you, Mr. Montecillo. But I think I don't qualify for the job position. Mauuna na ako at marami pa akong clients!"

Pumalakpak si Knight sa sinabi ni Dei at sumandal sa kaniyang upuan. Iminwestra niya ang kinaroroonan ng pintuan, "Bukas ang pinto."

Aakbang na sanang paalis si Dei palabas ng opisina ng dalawa nang magsalita si Xander. "Noctem Apartments." There was a hesitation on Dei's part in taking another step towards the door. "Maaari kang tumira sa Noctem Apartments habang nasa team ka namin. Free of charges iyon."

Literal na napaikot si Dei upang haraping muli si Xander. Naglakad ito pabalik sa kaniyang lamesa at namewang. "Noctem Apartments? 'Yong very secured, private, at mukhang mamahaling apartment sa taas ng Noctem Library?" Nagniningning ang mga mata nito habang itinatanong.

Unti-unting tumango si Xander at nangisi nang humakbang pang muli si Dei tungo sa kaniya. "We may not offer you a lump sum amount of money but we can offer you free lodging with protection."

Dei was smiling widely and was about to respond when a knock on a door came to interrupt their discussion. Binuksan iyon ni Knight at pinatuloy ang isang may katandaan ng lalaki na tila wala pang tulog. Iniaabot nito ang isang puting folder na may nakasulat na Case File sa harapan.

Knight took it from him and opened the folder. He saw photos of a middle-aged woman soaked in both water and blood. He read the written report that came from the Violent Crimes Unit and looked at him quizzically. "Sabi ni Chief Viloria baka linked ito sa serial killing cases na hahawakan ninyo kaya inililipat ang kasong ito sa inyo."

Tumango si Knight at nagpasalamat rito bago tuluyang umalis ang lalaki. Isinara niya ang pintuan at nilapitan siya kaagad ni Xander. Katabi nito ay si Dei na nakiki-usyoso. Halos tumayo lahat ng balahibo niya nang makita ang larawan ng bangkay.

Bago pa man mailipat ni Knight sa kabilang pahina ang case file ay isinara niya ito nang mapansin ang pagu-usyoso ni Dei. "This is a private police matter. Bawal ang chismosa!"

Pasagot na si Dei nang hinawakan ni Knight ang bibig niya. Siniko naman siya ni Xander para pigilan siya sa kaniyang ginagawa ngunit hindi natinag ang binata.

Pinitik ni Dei ang kamay ni Knight ng paulit-ulit kaya siya binitiwan nito. Naramdaman nito ang cellphone niyang nag-vibrate kaya naman dinukot niya ito mula sa kaniyang bulsa upang basahin ang mensaheng natanggap niya.

A photo of a sophisticated and beautiful woman who is reported as a primary suspect in the case welcomed Xander and Knight upon opening the next page of the case report. "Masyado siyang maganda para maging mamamatay tao." tanging komento ni Xander na siyang inismiran ni Knight.

"Hindi porket maganda, eh, hindi na kayang pumatay ng iba!" pangongontra ni Knight. Isinara niyang muli ang case file saka humarap sa dalagang mag tine-text. Kinuha nito ang cellphone at inilapit ang mukha sa dalaga habang inaabot niya ang nakumpiska nito kay Xander.

"Nakapag-desisyon ka na ba kung tatanggapin mo ang offer ni Xander? O baka gusto mo nang lumayas para maumpisahan na namin ang aming imbestigasyon?"

Lahat ng paninikong nanggagaling kay Xander ay hindi pinansin ni Knight. Alam niya ang pagnanais nitong kunin si Dei bilang kanilang profiler ngunit duda kaagad ito sa dalaga. To him, she is nothing but a con artist trying to milk money from her clients.

Dei was contemplating whether to accept the offer or not. Kung ipagpapatuloy niya ang kaniyang nakagawian ay mas malaki ang perang makukuha niya ngunit kakailanganin niyang lumipat muli ng tirahan. Paano ba naman? Isa sa mga asawa ng naging kliyente niya ay pinagtangkaan siyang patayin.

Kung tatanggapin naman niya ang offer ni Xander bilang parte ng kanilang binubuong team ay magkakaroon siya ng titirahan kung saan mahigpit ang seguridad.

"Mukhang ayaw mo, ah." Knight smirked like he was winning. He's been getting on her nerves and she wants to get back at him. Mas inilapit ng binata ang mukha niya kay Dei kaya naman itinulak niya ito gamit ang kaniyang kanang hintuturo.

"Distansya, por pabor!" ngitngit ni Dei bago niya hinarap si Xander nang nakangiti. She offered him a small piece of paper and said, "here's my bank account. Diyan niyo na lang ipadala sa akin ang bayad ko as your..." she turned to Knight who grimaced at her, "...profiler!".

"Wow! This is great!" pagbati ni Xander kay Dei.

"Pwede na ba akong lumipat sa Noctem Apartments ngayon mismo?"

"Pw--"

"Hindi!" the smile plastered on Dei's face flattened upon hearing Knight's response. "Wala ka pang napapatunayan! We will meet the suspect of this murder case right now with a plan to put her to jail." She looked surprised. "Ngayon, kung talagang magaling ka at karapat-dapat ka bilang profiler ng team na ito, kakayanin mong malaman kung ang suspect ba na nasa report na ito..." itinaas niya ang nakasarang folder saka ngumisi, "...ay ang totoong pumatay sa biktima o hindi. Kung tama ang deductions mo, you can move in. Deal?" inilahad nito ang kaniyang kamay sa dalaga.

Bumuga ng hininga si Dei at nakipagkamay kay Knight. Buong tapang niya itong hinarap bago mariing sumagot, "Deal!"

──⊹⊱✫⊰⊹──

End of Chapter 03.

End of Chapter 03

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Knight and DeiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon