Chapter 06

96 16 14
                                    

⚠️⚠️⚠️ WARNING ⚠️⚠️⚠️

This chapter contains explicit languages and mentions of unforgivable crimes that may trigger one's anxiety. If you are not comfortable with such topics, please skip reading this.

READ AT YOUR OWN RISK.

──⊹⊱✫⊰⊹──

You can read Destiny Lauchengco's story on my friend's Wattpad account.

Unchained Destiny by Velvet_Summers

──⊹⊱✫⊰⊹──

"Pabayaan niyo kaming umalis o tatadtarin ko ng bala ang utak ng babaeng ito?"

Nangilabot ang buong katawan ni Dei nang marinig niya ang sinabi ng kaniyang hostage taker. She was also mentally kicking herself! Wala naman kasi siyang iabng dapat sisihin ngayon kundi ang sarili niya dahil siya itong naglakas-loob na sumama sa manhunt operation na dapat ay sina Kngith at Xander lamang ang pupunta.

'Nagmamagaling ka kasi, self!' untag ng isipan niya.

Ilang beses niyang iniwasang mapahamak ngunit siya pa yata ang nagdadala sa kaniyang sarili sa kapahamakan. Kung hindi lang niya kailangan ang proteksyon ng Morville MetroPol ay hindi rin siya sasang-ayon sa inalok sa kaniya ni Xander.

Nakatutok rin ang mga baril nina Knight, Xander, at iba pang mga pulis sa lalaking nang-ho-hostage kay Dei. "Just let them go para ma-i-let go na rin ako, please..." pagsusumamo ni Dei dala ng kaba niya sa nangyayari sa kaniya.

Ngumisi si Knight na siyang nasa harapan nina Dei. "Pasensyahan tayo, pero hindi ako si Elsa para kumanta ng Let It Go."

Dei's eyes widened upon seeing Knight held the gun tighter and closer to his eye, targetting his prey. Parang nag-slow motion ang buhay ng dalaga sa mga sandaling iyon at nawala lahat ng tunog sa kaniyang kapaligiran. Iisa lamang ag sigurado niya - Knight fired his gun and did not even flinched.

Napasigaw na lamang si Dei lalo na nag maramdaman niya ang malapot at mainit na likidong tumalsik sa kaniyang pisngi. "SAN PEDRO, WALA PA SA BUCKET LIST KO ANG MAKILALA KO KAYO!"

Nanginginig si Dei habang naririnig ang malakas na hiyaw ng lalaking natamaan ng bala ni Knight. He fell on the ground while covering the wound of his hand. Pumalibot naman kaagad ang mga pulis sa mga magnanakaw na iyon. Mariing tinakpan ng dalaga ang kaniyang mga tainga habang ipinagdarasal ang kaniyang buhay na tumagal pa.

Pinosasan ni Knight ang suspek saka niya inutusan ang ang mga kasamahan upang dalhin ang mga ito sa presinto. Lumapit siya kay Dei na nanginginig pa rin. Gano'n rin si Xander na bakas ang pag-aalala sa dalaga.

"Dei, you're safe!" Maamong banggit ni Xander sa kaniya.

Saka lamang nagtaas ng tingin si Dei nang marinig ang boses ni Xander. Ngumiti ito sa gawi ng dalaga na halos naiiyak na sa sobrang kaba at takot.

"Sa susunod, h'wag ka nang sumama para hindi masira ang operasyon..."

Hindi natapos ni Knight ang kung ano mang sasabihin dahil sa lakas ng sampal na natanggap niya mula kay Dei. Ramdam niyang bumakat ang palad ng dalaga at ang pag-init ng kaniyang kaliwang pisngi kasama ng paghapdi nito.

"I know you don't like me." She told Knight, her fists are clenched. "Pero hindi sapat na dahilan 'yon para hayaan mo akong mamatay!" Dugtong nito saka sumakay sa kotse.

Knight and DeiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon