GREY EYES

3.7K 71 3
                                        

HER POV

"Annica kunin mo yung order sa table 4 tapos pakilinis na din yung table 7 maraming pang customer kaya bilis bilisan ang paggalaw."

Agad naman akong tumalima ng marinig ko lahat ng pinaguutos ng manager namin actually ako lang pala ang kumikilos dito dahil dalawa lang naman kaming waitress dito. Yung isan ay nakikipag kwentuhan pa sa ibang customer.

Kinuha ko ang notepad ko at ballpen sa bulsa ng ng apron ko at mabilis na lumakad sa table 4 para mag-take ng order.

"Good morning gentlemen, Welcome to Seasons what are your orders for today?"

Naramdaman ko ang matatalas na tingin sa gawi ko pero hindi ko ito binigyang pansin at tinuon na lamang ang tingin sa notepad ko.

"We want a four double burger patty one without pickles fries on the side with coke please."

Nagmamadali ko naman itong sinulat at inangat ang tinigin ko para irepeat order ito.

" 4 double- "

Napahinto ako sa pagsasalita ng mapagmasdan ko ang tatlong lalaki sa harap lahat sila ay gwapo at mahahalata mong may ibang lahi dahil narin sa kulay ng mata at balat nila nakaupo man mapapansin mong matatangkad din ito dahil kahit nakatayo na ako sa harap nila nalagpasan parin nila ang taas ko.

Nakita kong ngumisi ang masasabi kong pinaka naka-agaw ng pansin ko dahil sa mata nitong kulay abo, ang matangos nitong ilong, siguro nasa lagpas 6-foot ito at may pagkamoreno din ito. Hindi ko matukoy ang nangyayari pero hindi ko mai-alis ang tingin ko sa mga mata niya at ganun din naman siya sa'kin.

Tumikhim ako at pilit na ibinaling ang tingin ko pabalik sa notepad ko.

"Ahm, I will just repeat your order sir four double burger patties one without pickles side with fries, and a coke? Is that all sirs?"

Hindi na ako muling nagtaas ng tingin kahit pagkatapos kong i-confirm ang order nila dumeretso na ako sa kitchen at ibinigay ang order sa head chef namin pagkatpos n'on lumabas ako ulit para linisin ang table 7 dahil na'rin sa dumadagsa na ang mga customer.

Ramdam ko parin ang tingin ng mga lalaki sa table 4 palihim rin ako sumusulyap sa table nila at mu'kang nagkakaroon sila ng masinsinang pag-uusap base narin sa mga ekspresyon ng kanilang mga mukha. Hindi ko na lamang ito pinansin at pinagpatuloy na lamang ang paglilinis. Pagkatapos ng ilang minuto ay tinawag na ako ng head chef namin dahil ready na ang order nila.

Nahihirap man ay nailapag ko naman ng maayos sa kani-kanilang harapan ang mga order nila.

" Here's your order sirs, thank you for waiting."

Tumikhim ako ulit ng mapansin na nakatitig na naman sila sakin na para bang kukunin nila ako anumang oras, biglang tumaas ang buhok ko sa batok ng sumagi sa isipan ko iyon. Ano ba Annica praning ka na. Kastigo ko sa sarili.

" If you need anything else just call me or the other waitress, please enjoy your meal!"

Papaalis na sana ako ng marinig ko magsalita ang lalaking naka-agaw ng pansin ko kaya naman napatingin ako ulit sa mapang-akit nitong mga mata.

"If you only knew, darling."

Hindi man malinaw ang pagkakarinig ko dahil pabulong lang ito hindi ko na lang ito binigyang pansin at nagpatuloy sa aking trabaho. Maya-maya pa ay tinawag ako ulit ng aking manager at pina-linis ang lamesa kung saan naka-upo ang apat na lalake kanina.

Habang nililigpit ko ang mga plato at mga baso nito ay na-agaw ng aking pansin ang isang tissue paper na naka-ipit sa isang plato. Dahan-dahan ko itong binuksan at binasa ang nakasulat dito.

" You're so beautiful darling, I will see you again soon."

- D. L

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng mabasa ko ang mga katagang yun. Nanlalamig ang kamay ko at nanginginig din ito. Bumalik lang ako sa wisyo ng marinig ang sigaw ng manager ko na kanina pa pala ako tinatawag.

Sa buong oras ko sa trabaho ay hindi mawaglit sa isip ko ang sulat na nabasa ko. Sa isip-isip ko baka isa lang itong panloloko upang matakot ako pero sa kabilang parte ng utak ko alam kong totoo ito at 'yun ang mas nakaka-takot.

Ala-syete na ng maisara ko ang Seasons dahil sa ako ang toka sa closing ngayon. Sinugurado ko na naka-patay na ang mga stove at nabunot na ang mga appliances pati na rin ang patayin ang mga ilaw bago ko ito tuluyang isara.

Dahil na'rin sa madilim na minabuti ko ng magmadali para maabutan ang byahe ng bus. Hindi masyadong matao at sakayan dito kaya matumal ang may dumaan na sasakyan.

Malapit na ako sa may sakayan ng may naramdaman akong sumusunod saakin, may kaba 'man ay mas minabuti ko naring huwag ipahalata na alam kong sinusundan ako. Pero akala ko hihinto na sila kapag ginawa ko yun ngunit mas lalo pa yata silang naging kampante na akala nila wala akong kaalam-alam.

Mas binilisan ko pa ang lakad ko kaya mu'kang nakahalata na sila na alam ko na sinusundan nila ako. Dahil do'n mas lalo ako kinabahan dahil naririnig ko na ang mga hakbang nila papalapit sa akin kaya dali-dali na akong tumakbo at ng masilayan ko na ako patawid sa may sakayan bigla may humatak sakin at tinakpan ang aking bibig gamit ang isa nitong kamay.

" It's okay Darling, it's just me. You're safe with me Angel."

Bulong nito sa aking tainga, bigla tumibok ang puso ko sa kaba ng mabosesan ko ang taong may hawak sakin kaya pilit akong nagpupumiglas sa hawak nito ang tinatanggal ang hawak nito sa'kin bibig. Pero dahil malakas ito ay hindi ko matanggal ang kamay niya sa'kin bibig kaya bigla ko itong kinagat.

"Ahhh! FUCK!"

Sigaw nito at tinignan ang parte ng kamay niya na kinagat ko. Dahil dito ay natanggal ang kamay nito sa bibig ko pati na'rin ang pagkaka-hawak nito sa bewang. Takot akong napatingin dito at ng mapansin niya ako ay biglang naging malambot ang ekspresyon nito.

"I-i-i'm so sorry darling. I didn't mean to shout." 

Unti-unti akong umatras papalayo dito. Ang mga luha ko ay nagbabadyang tumulo at naglalabo na'rin ang mga mata ko dahil dito. 

"I'm really sorry darling, but I need to do this." sabi nito habang papalapit sa'kin.

Agad-agad akong tumakbo pero di pa 'man ako nakaka-layo ay nahawakan ako ulit nito pero ang mas ikinabahala ko ay ng makita kong may hawak na itong panyong puti at hindi ko na kailangang hulaan kung ano 'yon. Walang sabi-sabing inilagay niya ito sa ilong ko, pinilit kong huwag huminga at mukhang napansin niya 'yon kaya naman idiniin niya ito lalo sa ilong ko.

" It's okay breath darling, breath. I promise it's going to be alright." naramdaman ko ang marahang paghaplos nito sa mga pisngi na para bang tinutuyo ang mga luhang pumapatak galing sa mga mata ko.

"I'm sorry, darling. Please forgive me." bulong niya sa'kin.

Nagpansin niyang unti- unti na akong nawawalan ng hininga alam kong nagtagumapay na siya sa plano niya dahil hindi ko napansin na naamoy ko na ang pampatulog galing sa panyo.

" That's it darling breath for me, it's going to be okay. I'm gonna take care of you."

'Yun ang mga huling kataga na narinig ko at tuluyan na ako hinila ng dilim.

Cherish by the AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon