HER POV
Malambot.Sobrang lambot ng kamang hinihigaan ko ngayon na ipinagtataka ko kasi hindi naman ganito kalambot ang higaan ko dahil sa pagpag na may manipis na sapit lang naman ako natutulog.
"hmm" daing ko ng makaramdam ako ng hilo ng sinubukan kong tumayo at idilat ang aking mga mata. "Huh? Na'san ako?" napatigil ako sa pag-upo ng mabungaran ang kwartong kinaroroonan ko.
"Wow!" Napasinghap ako ng makita ang kwartong kinaroroonan ko.
Napakalaki nito kung ikukumpara ko sa apartment na tinitirhan ko, moderno ang desenyo nito at mahahalata mo agad sa isang tingin na lahat ng gamit dito ay mamahalalin. Mula sa makikintab na chandelier hanggang sa mala kristal na sahig na nakakahiyang tapakan. Napansin ko ang tatlong pinto mula sa kama na kina-hihigaan ko.
Unti-unti akong tumayo ng maramdaman kong hindi na ako masyadong nahihilo at lumapit sa unang pintong pinakamalapit sa akin, binuksan ko ito at bumungad sakin ang isang magarbong banyo kumpleto ito sa kagamitan mula sa isang malaking bathtub, malaking salamin, marmol na lababo at puting sink,may shower 'rin ito na may clear glass na pinto.
Muling bumlik ang tingin ko sa salamin at napansing suot ko na parin ang damit ko kahapon. "A-anong bang nangyayari?" naguguluhan man pinilit kong alalahanin ang mga nangyari kahapon. Walang talaga akong maalala kung anong nangyari sakin at kung bakit ako napadpad dito. Teka, may kumidnap ba sa'kin? Pa'no ba ako napunta rito? Nag-akyat bahay ba ako?
Napatigil ako sa pag-kausap sa sarili ko ng may narinig akong lalaking boses sa labas ng banyo. Natatakot 'man ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng banyo para silipin kung sino ang taong 'yun.
"Darling, you're awake. How's your sleep?"
Nagulat ako at napa-atras ng masilayan ang lalaking nag-aabang sa labas ng banyo. Naka-ngiti ito sa'kin na para bang kanina pa ako inaantay na lumabas ng banyo.
Tuluyan na akong lumabas ng banyo at maingat na isinara ito. Nagtungo ako malapit sa isa pang pinto malayo dito. Napa-kunot ang noo nito habang naka-tingin sa'kin.
"Sino ka? Bakit ako nandito?" nagpalinga-linga ako sa buong kwarto upang mag-hanap ng pwedeng panlaban kung sakali 'mang atakihin ako ng lalaking 'to.
"I am sorry darling; I know you're confused but first why don't we have a breakfast then I'll explain what happened okay?" kalmado ang boses niya at hindi ito nagtangkang lumapit sa'kin.
"Hindi." Matigas kong sabi dito at kinuha ang vase sa ibabaw ng lamesa ng humakbang ito palapit sa'kin.
"Huwag kang lalapit!" sigaw ko dito na nagpatigil sakanyang humakbang muli.
"Okay! O-okay darling, hindi na. Dito lang ako." sabi nito habang naka-taas ang mga kamay na para bang sumusuko.
Muntik naman akong mapa-tawa dahil medyo may accent ang tagalog nito. Foreigner ang lolo niyo. Kay gwapong nilalang pero mukhang kidnapper ang issue.
"Sino ka at anong ginagawa ko dito?"
"I- ahm. I-i'm-fuck!" napa-kunot naman ang noo ko dito ng napahilamos ito ng mukhang at nagsusumamong tumingin sa'kin.
"Darling, can I just answer that later? Can we just eat our breakfast first?" nahihirapang sabi nito sa'kin na parang bang hindi niya na alam ang gagawin niya.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa'kin pero napatanggo na lang ako dito. Teka? Bakit parang ang lambot ko pagdating dito? Hindi ko naman 'to jowa. Baka nga potential kidnapper pa 'to eh. Sayang, ang gwapo pa naman.
![](https://img.wattpad.com/cover/280771392-288-k577419.jpg)
BINABASA MO ANG
Cherish by the Alpha
WerewolfFormer Title: Dominic Annica Dahlia Reyes a kind and soft hearted girl that works at Seasons for years and an orphan ever since she was a baby. A girl that gets the attention of a certain Alpha who was claiming her as his and will change her life fo...