MARCUS & LEO

1.6K 34 2
                                    

HER POV

Nagising ako ng maramdamang may mabigat na nakapatong sa bewang ko, pilit ko itong tinatanggal pero sa tuwing babalakin ko mas lalo itong humigpit sa pagpulupot. Napanguso ako dahil sa higpit ng pagkakayakap nito sa bewang ko. 

Nilingon ko ang taong yun at mabungaran ko ang gwapong mukha ng taong dumukot sakin.

Minsan napapa-isip ako kung anong dahilan ng pagdukot niya sakin, bukod sa wala akong pera wala rin naman akong atraso sa kahit kanino. 

"You're mine."

Biglang kong naramdaman ang pagtayo ng buhok ko sa batok ng maalala ko yung katagang iyon, paulit-ulit niya iyong sinasabi sakin simula ng magising ako dito sa bahay niya. Sa totoo lang pakiramdam ko talaga may mali, marami siyang tinatago at balak ko yung alamin lahat, kailangan ko lang makuha ang tiwala niya.

Napabalik ako sa wisyo ng maramdaman kong lumuwag na ang pagkakapulupot ng braso niya sa bewang ko. Dahan-dahan ko itong inialis at ng magtagumpay ako ay nagmamadali akong tumayo, kinapa-kapa niya ang pwesto kanina kaya inilagay ko ang unan ko doon. Kinuha niya naman ito at inamoy, nakahinga ako ng maluwag dahil don. "Adik ba 'to?" mahina akong natawa dahil dito.

Pumasok na ako ng CR at ginawa ang dapat kong gawin pagkatapos naghugas ng kamay at naghilamos ng mukha. Nang lumabas ako nakitang kong mahimbing pa ang tulog ni Dominic, nakayakap parin ito sa unan ko at mahinang humihilik.

Napagpasyahan kong lumabas na ng kwarto papunta sa kusina plano kong ipagluto si Dominic ng agahan para narin sa ilang araw na pagluluto niya sakin. Dahil alam ko na rin ang papunta doon hindi na ako naligaw. Grabe naman kasi ang ang laki ng mansion na 'to paminsan-minsan ay naliligaw parin ako pero palagi naman akong nakikita ni Dominic.

Sabi ni Dominic ipapasyal niya daw ako nito kapag natapos na ang renovation sa kabilang bahagi ng mansion niya. Minsan nalulula na ako sa bahay na ito, malaki ito daig pa ang isang mall.

"Hindi ba siya nalulungkot na mag-isa lang siya dito." Bulong ko habang pinagma-masdan ang kabuohan ng mg mansyon.

Tumingin ako sa ref niya at nakakamangha na ang dami niyang stock na pagkain, kumuha ako ng apat na itlog,ham at hotdog. Kumuha na rin ako ng orange juice para sakin dahil hindi naman ako nagkakape. Ang sarap tumira dito hindi mo proproblemahin ang pagkain kasi parang may magic yung ref niya hindi nauubusan.

Unang ko ng iprinito yung itlog scramble lang dahil mapansin ko nitong mga nakaraang araw hindi nagluluto si Dominic ng sunny side up matapos yun ay sabay ko ng prinito ang ham at hotdog. Sa kabilang kawali naman ang nagisa ako ng bawang para sa fried rice.

Patapos na sana ako ng biglang may pumulupot na braso sa bewang ko ng lingunin ko ito nakita kong si Dominic ito at mahahalata mong bagong gising lang ito dahil sa magulo pa ang buhok nito.

"Morning Darling" siniksik niya naman ang ulo niya sa may banda leeg ko at naramdaman kong hinalikan niya yun.

"M-morning too Dominic." Pinatay ko ang stove at humarap sakanya "Maupo ka na tapos na ako para makakain na tayo" Umiling ito at bigla akong binuhat at inupo sa isang stool sa kitchen island.

"You sit down my sweet darling, I got it from here." Magrereklamo sana ako ng inilapit niya ang mukha niya sakin at hinalikan ang noo ko, kaya para na namang kamatis ang mga pisngi ko.

"Ayokong napapagod ang darling ko, sit down and relax sweetheart" sabay kindat sakin mas lalong pumula ang pisngi ko dahil doon. Iiiiiih ang landi mo talaga.

Tahimik akong naghihintay habang siya naman ay nagsalin ng orange juice sa baso at inilagay ito sa harap ko "drink up first darling" tumango ako at nagpasalamat, matapos niyang mailapag lahat ng niluto ko nagtimpla siya ng kape niya at naupo na sa harap ko "Darling" napatingin ako sakanya "hmm?" tugon ko sakanya "I would like to ask you something" Sabi nito sabay hinawakan niya ang kamay ko "Ano Yun?"

"Do you remember the two guys who came here last night?" tanong nito mukang nagdadalawa isip pa itong sabihin Yun. Tumango ako at huminto sa pagkain at hinitay kung ano pa ang sasabihin niya. "They would like to meet you my darling."

" Huh? Pero bakit?" Naguguluhan ako maiintindihan ko pang ayaw nila akong makita dahil ayaw nilang madamay sa gulong pinasok ni Dominic pero ang makilala ako? Hindi naman siguro ako importanteng tao para don.

"They want to apologize my sweet. They both scare you the first and second time you've met, they also want to properly introduce their selves to you" sabi nito, tumango na lang ako ulit bilang pagsang-ayon.

"Sige, ayos lang naman sakin yun, saka mga kaibigan mo naman sila at bahay mo ito kaya may say ka din sa pagpunta nila."

"Thank you darling, and no, this not only my home but yours too." Naalala kong dito nga muna pala ako tutuloy ng dalawang linggo at pagkatapos n'on babalik na ulit ako sa bahay ko.

Pagkatapos naming kumain muli kaming naglakad lakad sa garden hanggang tanghali, siya na rin ang nagluto ng lunch namin. Hanggang sa sumapit na ang gabi nagpumilit ako na ako na ang magluluto dahil wala na rin siyang magawa ay tinawagan niya na lamang ang mga kaibigan niya para pumunta dito.

"Everything's alright darling? Need help?" Nakasilip ito sa hamba ng kusina, umiling naman ako at ngumiti "Tapos na ako dito Dominic, padating na ba ang mga kaibigan mo?" Tanong ko dito habang nag aayos na ako ng mga platong gagamitin.

"They are already in the living room darling" sagot nito at tumulong na din sa pag aayos ng mesa. "Huh? Bakit di mo sinabi? Kanina pa ba sila naghahantay?" Dahil sa do'n mas binilisan ko na ang kilos ko, tumawa naman ito ng bahagya "I want you to take you time darling, and it's still early they can wait a little more time to eat." Sabi nito at lumapit sakin upang yakapin ako "You did a great job darling; this all look good and smell nice." Yumakap din a ko sakanya at nagpasalamat.

"Tawagin mo na sila para nakapag umpisa na tayong kumain" tumango naman ito at hinalikan ako sa pisngi na naging sanhi ng pagpula nito. Ito talaga ang hilig humalik at gustong-gusto ko naman.

Maya-maya pa dumating na siya kasama ang dalawa niyang kaibigan. Hindi mapagkakaila na may itsura rin ang mga ito.

"Hi Luna, ako pala si Marcus Scott second in command ni Alpha"sabi ng blonde na lalaki at may kulay blue na mga mata.

Nagtataka namang inabot ko ang kamay  nito para makipag kamay " Hindi Luna ang pangalan ko, Annica." Lumaki naman ang mata nito at bumaling kay Dominic. Aba baka napagkamalan ako ng mga ito kaya ako nakipnapped ah.

Tumikhim naman si Dominic at lumapit sakin inilagay niya ang kanyang isang braso sa likod ko "Don't mind what he said darling, masyado lang siyang naguguluhan ngayon, alam mo na galing sa trabaho, hahaha... diba Marcus?" Pilit siyang tumawa at may nanlalaki ang matang nakatingin kay Marcus "O-oo nga pagod lang ako masyado little Miss... Hehehe" pilit din ang tawa niya na aakalain mong nahuli siyang may masamang ginawa.

Tumango naman ako at bumalik sa isa pang lalaki "I'm Leo Lee Madam" sabay abot ng kamay niya "Please Annica na lang ang itawag niyo sakin." Si Leo naman ay parang isang sikat na idol sa korea ang itsura singkit ito,itim ang mata, matangkad din pero mas matangkad pa din si Dominic, maputi din ito at itim din ang buhok tulad ng kay Dominic.

"Let's eat now."

Cherish by the AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon