Chapter 1

377 15 7
                                    

"My, papasok na po ako." paalam ko kay Mommy. Nag hahanda sya saakin ng mga sweets para daw pag nag quiz kami ay hindi ako antukin.

Limang minuto lang naman kasi ang byahe papuntang University. Graduating na kami next-next month. Bale dalawang buwan nalang ay ga-graduate na kami, at culinary ang kinuha Kong course.

Nigel University, pag mamay ari ng kaibigan ni Mommy.

Hilig ni Daddy, at kahit noong bata pa ako ay lagi nya akong dinadala sa kusina at papaupoin sa upoan para daw makita ko kung paano sya mag luto. Pati narin pag nag tatampo o mag kagalit sila ni Mommy lagi nyang pinapag bake at pinapag luto si Mommy ng mga paborito nya.

Kaya dahil sa mga natutunan ko ay iyon na din nag naging hilig ko. At isa pa sa pamamagitan ng pag luluto ay na mi-miss ko si Daddy at kahit kailan ay hindi ko iyon ma kakalimutan.

Napatingin ako sa bitbit kong lunch box, isa ito sa mga paborito ko na laging ni luluto saakin ni Daddy noon, Adobo.

Napailing na lang ako sa mga ala-alang naalala noong nabubuhay pa sya.

I miss you Daddy!

"Ok sweetie, take care huh. H'wag kang uuwi ng hindi ka sabay si Kio o ang driver natin." tumango lang ako at humalik sa pisngi nya bago tumakbo pasakay ng kotse. May family driver din kasi kami.

Legal kami ni Kio both side, at sa isang linggo ay mag ta-tatlong taon na kami. Isang beses pa lang sila nag bo-bonding at iyon ay noong ipinakilala ko si Kio kay Mommy.

Niyayakag ko naman si Kio pero lagi syang busy, siguro sa isang linggo nalang pag nag 3rd Anniversary kami.

Ano kayang magandang iregalo ko sa kanya?

Alam din nya na wala na akong Ama, pero hindi ko kinuwento sa kanya ang buong ditalye. Dahil minsan ayoko nang balikan ang ala-ala ni Daddy.

Hindi din lingid sa kaalaman ko na nag iba ang ugali ko noong namatay si Daddy. Ang hirap lang para sakin na mawalan ng Ama at ang bata ko pa noon. Dati nung bata ako ang dami kong pangarap para sa kanila ni Mommy, pero nawala na lang ng parang bula pag kagising ko isang umaga.

Yung tipong pag bukas mo palang ng mata mo Kinabukasan yun agad na balita ang nabungaran mo.

Tapos 14 years na ang naka lipas wala pa ring makuhang suspect kung bakit sya namatay. At sa kasamaang palad ay nakunan din si Mommy dahil sa pag iisip nya ng kung ano-ano, noong una nalayo talaga ang loob ko kay Mom. Dahil bukod sa sinasabi nila na pag may nawala may dadating, kaya hindi na ako naniwala doon, dahil parehas silang nawala.

Sorry sya ng sorry nun Kaya kalaunan ay natanggap ko na rin, at ipinaliwanag saakin ni Mommy na lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may dahilan.

Pinangalanan din ni Mommy na Ashley ang ipapangalan sa kapatid ko. Hindi namin alam kung babae ba yun o lalaki kaya pinangalanan nalang nya ng pwede sa babae at pwede sa lalaki na pangalan.

Mag katabi din ang puntod nila ni Daddy sa sementeryo at tuwing sabado at linggo ay dumadalaw kami doon ni Mommy. Dahil iyon lang ang free time namin.

Gustohin man namin na araw araw ay hindi pwede.

Daddy, Ashley, i-guide nyo kami lagi ni Mommy ha. Love you both!

Nang mag Collage ako ay doon ko nakilala si Kio, mabait sya at caring. Maraming nagsasabi sakin na babaero daw si Kio bago ako makilala. Pero naniniwala ako na nag bago na sya at hindi na sya uulit.

Naniniwala din ako na sya na ang makakasama ko habang buhay.

Kilala nya na ako, at ganun din ako sa kanya. Pati pag nag tatampo ako sa kanya alam nya, mga paborito kong pag kain o desserts alam nya din.

Make Her Smile [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon