"Nakarating kana ba rito?" tanong niya habang inilalagay sa pagitan namin ang binili niyang burgers at waffles.
Naka upo kami ngayon rito sa bench na tanaw na tanaw ang dagat. Ma-fog pa rin ang paligid at medyo malamig pa rin.
Dalawang oras lang ang binyahe namin dahil hindi masiyadong traffic.
"Oo, pero mga dalawang beses lang. Kasi mula no'ng mamatay si Daddy, hindi na kami ulit pumunta rito. Siguro seven to nine years old, gano'n." sumubo ako ng waffle at muling nag salita.
"Dati isinasakay niya ako sa batok niya or let's say pinapangko niya ako. Tapos si Mommy naman naka alalay lang habang bit-bit ang pag kain namin." ewan ko ba kung bakit kompotable akong mag kwento sa kaniya ng buhay ko noong buhay pa si Daddy. Ang gulo ko rin.
"Sumasakay din kami sa kabayo at nag pi-pick-nick kami sa damuhan. Ang huling pangako noon si Daddy sa 'kin ay sasakay kami sa sky ranch, i mean lahat ng mga sakayan roon sasakyan namin. Pero hindi na iyon natupad dahil nga...ayon haha..." pilit akong tumawa at kumagat ulit ng waffle at sinundan ng kape.
Bumili kasi siya kanina sa Starbucks at sabi din niya, imbes na softdrinks ang gawin naming panulak ay kape nalang daw dahil ang aga pa para sa softdrinks.
"Gusto mo sakyan natin lahat ng rides diyan?" seryosong tanong niya habang ngumunguya ng burger.
Nagulat ako sa tanong niya dahilan para maibaling ko sa kaniya ang tingin ko. "Di na kailangan..." pero takte, deep inside gusto ko. Nakakahiya din naman kasi sa kaniya eh, kaya tumanggi ako.
"P-pero pwede mo ba akong s-samahan?" nag aalangang tanong niya.
"Sure, saan?" aniko at pinunasan ang gilid ng labi ko dahil medyo nabasa ito dahil sa pag inom ng ko kape.
"Sa pag sakay ng mga rides...n-natatakot kasi a-ako...yeah alam kong dapat huwag na akong sumakay, p-pero gusto ko mag karoon ng experience." aniya at tumungo.
I forced my self to hide my smile, pero hindi ko iyon naitago at wala sa sariling hinaplos ang buhok niya na ikinagulat njya.
Cutie...
"Uhh...k-kung ayaw mo doon nalang tayo sa may railings." itinuro niya ang railings na halos kita na ang ibaba at ang dagat dahil sa ganda ng tanawin roon.
"Sige...sasamahan kita." aniko at hinila siya sa may entrance ng sky ranch. Exited na rin ako dahil makakasakay na ako rito. Hindi ko iyon sinabi sa kaniya at patagong ngumiti.
"Dalawa po." aniko at binigay sa nag o-operate ang ticket namin. Si Danver naman ay parang bata na nag papahila sa akin at mariing naka titig sa akin.
Parang timang!
Ang una naming sinakyan ay Sky eye(Ferris-wheel) maganda iyon at pag pataas ka ng pataas ay kita mo na ang lahat.
"Careful." he said and guide me inside the ferris-wheel.
Kita ko ang pamumutla ng kaniyang labi at lamig ng kaniyang kamay. Hawak niya kasi ako sa kamay at hinayaan ko lang iyon dahil ramdam ko talaga ang takot niya.
"Open your eyes..." marahan kong saad sa kaniya, kanina pa kasi siya naka pikit mula pa lang pag andar nito.
Umiling siya at mas hinawakan ang kaliwang kamay ko.
Natawa ako ng mahina at marahang kinuha ang cellphone ko sa shoulder bag at kinuhanan niya ng litrato. Hindi niya iyon narinig kaya mas dinamihan ko pa ang kuha. Kinuhanan ko rin ang nasa ibabang tanawin.
"Open your eyes Danver, hindi mo mararamdaman ang salitang 'experience' kung hindi mo susubukan." aniko.
Nangangalahati na ang ikot nitong ferris-wheel at dahil malaki ito ay sakto lamang ang bilis at bagal ng takbo nito.
Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang pag kunot ng noo niya, halatang nag aalangan pang bukasan ang mata.
Napa ngiti ako dahil sa nakikita ko sa mga mata niya ang pag kamangha na may takot.
"A-ang ganda nga." aniya at marahang tumingin sa ibaba. Natawa ako dahil sa kaniyang pag kabigla, nasa mataas na kami at talagang kitang-kita na ang mga puno, dagat, kainan, at mga sasakyan.
Nang makababa kami sa ferris-wheel ay hindi niya tinatanggal ang pag kakahawak sa kamay ko.
Hinayaan ko lang siya dahil ramdam ko naman talaga ang takot niya.
"Ayos ka lang?" tanong ko matapos uminom ng tubig.
Tumango lang siya at nag iwas ng tingin, halata pa rin ang pamumutla ng labi niya at panlalamig ng kamay niya.
"N-nahihiya ako s-sayo." napailing nalang ako dahil sa sinabi niya. Dapat nga ako ang nahihiya sa iyo dahil sa nangyari kanina!
"T-tara na nga! Next naman natin y-yung kotse." dali-dali kong kinuha ang tubig ko at nauna na sa kaniyang mag lakad. Ang susunod naman ay yung kotseng mag babanggaan o i-da-drive mo.
ALAS-SINKO na kami naka uwi at talaga namang pagod na pagod kami, dumaan pa kami sa twin lakes para mag pictures at success naman.
"Salamat nga pala sa...experience." aniya, naka tigil kami ngayon sa tapat ng bahay namin at nasa loob pa rin kami ng sasakyan.
"Wala 'yon, basta nag enjoy tayo." aniko at inayos ang paper bag na hawak ko.
"So...a-about this morning-"
"S-sige na lalabas na 'ko, u-umuwi kana rin." dali-dali akong lumabas at mabilis na pumasok sa gate.
Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi na ako lumingon.
Nakakahiya kasi!
Nang maalala ko ang nangyari kaninang umaga ay naramdaman ko na naman ang pag init ng pisngi ko.
"Hi, Mom. Good Evening. " inialis ko muna sa isip ko ang mga nangyari kanina at ibinaling ang pansin kay Mommy.
"Hey sweetie, kumain kana?"
"Already done, My. Uhmm... Bukas nga po pala ay papasok ako ng maaga sa restaurant para po maagang maka tapos." aniko at iniabot sa kaniya ang dala kong mga prutas. Mga sariwa pa ito at masasarap talaga.
Pumasok na ako sa kwarto at nag palit ng plain black pajama at polka-dots na white sando.
Humiga na ako at napatingin sa bracelet na binili niya sa'kin, silver ito at may pangalan ko na naka sulat sa black na pendant nito.
Simple pero nagustuhan ko, wala sa sariling napa ngiti ako habang hawak ang bracelet.
I'm happy...
_____
Don't forget to vote and comment baVies
BINABASA MO ANG
Make Her Smile [COMPLETED]
RomanceBabaeng magiging mailap sa tao lalo na sa mga lalaki. Ayaw niya rin makipag relasyon dahil natatakot sya na mag pa ulit-ulit ang sakit na naramdaman nya sa una niyang inibig. Highest Rank #4 Hillary #4 Danver #7 Sorry Started: 8/10/2021 Finished: 1...