Chapter 5

187 14 0
                                    

"Tabi nga." hawi ko rito ng makuha ang naiwan kong gamit.

"Ang sungit mo talaga 'no? Wala man' lang thank you? Pero ok lang, gusto kitang maging friend eh." aniya at mas lumawak pa ang ngiti.

"Ano bang kailangan mo?"

"Ikaw, i mean gusto kitang maging kaibigan." aniya at kumindat.

Yuck!

Ano bang ginagawa nito dito? Hindi naman mukhang janitor, hindi din naman sya mukhang panday ng building.

"Ayoko, ayaw kitang maging kaibigan." ani ko at nilampasan sya.

"Bakit? Pangit ba ako?" aniya at sumabay sakin ng pag lalakad papuntang elevator.

"Umalis kana nga ma le-late na ako eh." inis kong singhal sa kanya.

"Hatid kita, want mo?" aniya bago marahang tumawa.

"Ano ba! Ma le-late na nga ako eh, bumalik ka na nga kung saang lupalop ka ng mundo nanggaling." marahan ko syang itinulak pero dahil lalaki sya hindi sya naka alis sa pwesto nya sa tabi ko, ang kulit.

"Ang sungit mo talaga." naiiling na saad nya bago nauna sakin papuntang office ni Mommy.

"Hoy lalaki, anong kailangan mo sa opisina ng Nanay ko?!" agad ko syang hinabol nang akmang bubuksan nya ang pinto.

"You'll see." aniya at binuksan ang pinto.

Napa buntong hininga nalang ako bago sumunod sa kanya.

"Mr. Garcia, nice meeting you." naka ngiting ani Mom.

Napa taas ang kilay ko at tumingin kay Mommy. Mag ka kilala talaga sila ng makulit na to huh? Tss.

"Uhh sweetie, this is Danver Garcia, one of my business partner." pakilala nya, at nang bumaling ang tingin ko sa lalaking kaharap ko ay isang nang ni-ningning na asul na mga mata ang sumalubong saakin.

"And Mr. Garcia, this is my lovely Daughter."

"Hi." maikli at cold kong bati sa kanya bago irapan.

"Mom, papasok na po ako." paalam ko bago humalik sa pisngi nya.

"Ok, take care huh?" tumango lang ako bago dumiretso sa pinto.

Hindi ko na pinansin ang Danver na yun, ma le-late na talaga ako eh.

Tsaka paki ko ba sa kanya, sa totoo lang sa tuwing nakaka kita ako ng mga lalaki na iisip ko na sex lang habol nila sa mga babae. Kahit wala naman silang masamang intensyon, pero hindi ko lang talaga mapigilan. Tsaka masisisi ba nila ako?

"Hey Hillary, sabay na tayo." aniya at pumantay sa akin ng pag lalakad.

Hindi ako sumagot at nag patuloy lang ng pag lalakad at dumiretso sa sasakyan.

Pag bukas ko nito ay agad akong pumasok, pero pag ka sara ko ng pinto ay may boses akong narinig.

"Hoy, snobber ka ah?!" habol nitong sigaw pero sinabihan ko na agad si Mang Rey na ma le-late na ako sa school, kaya agad itong pinaandar.

Pag dating ko sa room ay sumakto lang ako, nasa faculty pa raw ang adviser namin kaya naka hinga ako ng maluwag.

Pag upo ko ay agad kong kinuha ang gamit ko at tahimik na pinag masdan ang buong classroom, wala room pa rin.

"Anong mukha yan?" natatawang tanong ni Rica. "Huy, ang ang pangit naman ng gising mo." aniya at kinalabit ako.

Naka tulala lang kasi ako at walang emosyon na tinitingnan ang mga kaklase ko na papagawi ang tingin sa akin.

Naiisip ko na naman kasi ang mga ka walang hiyaan ni Kio, hindi ko maitatanggi na mahal ko pa rin sya kahit na niloko nya ako. Pero kahit na mahal ko sya, hindi na ako babalik sa kanya na maging kami ulit at ibibigay ko ang gusto nya. Ano s'ya hilo?

Sa ngayon ang iniisip ko ay ang pag tupad ko ng pangarap ko at ang mga advice ni Mommy.

At sinisigurado ko sa sarili ko na hindi na muna ako papasok sa isang relasyon.

Yung pag mamahal ko naman kay Kio ay hahayaan ko nalang, kusa naman yung matatanggal eh. Alam ko din na araw-araw kaming mag kikita dito, pero hindi yun ang dahilan para mag paka marupok na naman ako.

At yung mga ala-ala naman namin ay ilalagay ko sa isang parte ng puso ko, na mananatiling ala-ala na lamang.

"Hoy De Castro!?" napa pitlag ako ng biglang sumigaw si Rica at sinamaan ako ng tingin.

"What?" walang buhay kong sagot.

"What's wrong with you? Kanina pa kita tinatawag pero parang nasa Venus ang utak mo?"

"Later, I'll tell you. For now, let's prepare for the quiz." aniko at ibinaling ang atensyon sa note ko.

Tumango lamg sya bago ngumuso at nag basa na rin ng note.

'You can do it Hillary! You can cry but you can't be easy to get, specially when Kio is the topic.'








"LET'S GO na Hillary!" hila sa'kin ni Rica pa puntang canteen.

"Chismosa." bulong ko at nag pahila nalang sa'kin.

Kanina nya pa kasi ako kinukulit na mag kwento sa kanya dahil mula first and second subject namin ay lutang ako. Pero kahit ganon ay nalampasan ko naman ang klase ng dalawang terror na professor.

"Before we eat, talk first." aniya bago inilapag ang binili nya para sa aming dalawa.

Napahinga muna ako ng malalim at nang akmang mag sasalita na ako nang may nahagip ang mata ko na dalawang bultong nag susubuan ng pag kain.

Napaiwas agad ako at nginitian si Rica, pero ang ngiting iyon ay nauwi sa ngiwi.

"Ay gago." bulong nito at pinag palit ang pwesto namin, sya na ngayon ang naka harap sa table nila Kio at ako naman ang naka talikod.

"Puwede naman nating pag usapan nal-"

"No," i cut her off. "It's ok, I'm...I'm starting to move on." naka ngiti kong saad.

Ilang buwan palang kamimg mag kaibigan pero kilalang-kilala na nya ako. Kahit na saglit na silent treatment lang ang magawa ko nag tatanong na agad sya.

Kilala talaga kasi nila ako na isa sa mga active o masayahing babae, kaya ganun sila mag tanong pag tahimik ako.

Bawal bang ipahinga ang bibig at laway? Tsk

Kahit na bago palang kami nag hiwalay ay sinusubukan ko na.

Matapos komg mai-kuwento ang mga naganap sa amin ay ilang sunod-sunod na mura ang pinakawalan nya sa bibig nya.

"Pukingina! pigilan mo'ko, pigilan mo'ko!" gigil na aniya at mahigpit na hawak ang kutsara.

"Calm down, let's eat." aniko at sumubo na.

Tangina may red flag pala ang gagong yon.

_____
Don't forget to vote and comments<3

Make Her Smile [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon