Chapter 8

162 14 0
                                    

"Thank you Lord." bulong ko dahil naka pasa ako, binigay na kasi sa'min ngayon ang resulta ng exam namin nung isang araw. Awa naman ng Diyos ay naka pasa ako, 48/50 lahat na yun ng subject. Ang mali ko lang dun ay sa solving sa Math, pero okay lang pasa naman.

Hate ko talaga ang math bata pa lang ako, na sabi ko nga noon sa sarili ko na dapat bukod-bukod ang mga taong may balak mag engineer o basta related sa math para di ako damay at para yun lang din ang mag aaral ng math. Pero syempre joke lang hehe.

Tatlong araw na rin ang lumipas mula nung mag movie marathon kami ni Danver sa bahay. At hanggang ngayon ay naka buntot sya sa'kin, sabi na rin iyon ni Mom dahil ayaw na nya daw maulit ang nangyari sa Grocery.

Wala naman akong nagawa dahil naunahan na akong um-oo ni Danver, tss.

Nag init din ang pisngi ko ng maalala ko ang nangyari ng gabing yon.

Hindi ko namalayan na naka tulog na pala ako habang naka yakap sa kanya.

Takot talaga ako eh, tsaka hindi ko kayang manood ng horror.

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong parang lumulutang ako, napag tanto ko nalang na buhat nya pala ako dahil sa medyo pamilyar nyang amoy.

Pinanatili ko lang na naka pikit ang mata ko at pina kiramdaman ang mga gagawin nya.

Hindi naman nya siguro ako re-rapin no? Pero imposible, wala sa kanya yun.

At sa hindi malamang dahilan ay mag tiwala na ako sa kanya simula ng may muntik ng mangsaksak sa'kin sa Grocery.

"Nasaan po ang kwarto nya?" tanong nito sa kausap. Pikit pa rin ang mga mata ko kaya hindi ko alam kung sinong kausap nya.

"Nako, naka tulog na pala ang alaga ko. S'ya hijo tatawagan ko ang driver namin at sya nalamang ang pag dadalhin ko sa sikid nya, lumalalim na rin kasi ang gabi hijo baka hanapin ka na sa inyo." rinig kong saad ni Nanay Selya. Sya pala ang kausap nito.

Naramdaman kong lalong humigpit ang pag kakadala sa akin ni Danver at maya-maya pa ay nag salita.

"It's ok Nay Selya, ako na po ang mag hahatid sa kanya. Tsaka baka t-tulog na po ang driver nyo. Kahit dyan na po sa Sofa ako matulog, nag sisimula na po kasing umambon."

"Ay oo nga pala, ay sige nan'doon sa ikatlong pinto doon ang kwarto nya."

Hindi na sumagot si Danver at nag simula nang humakbang sa hagdan.

"Sono l'unico che dovrebbe portarti." inis nitong bulong nito.

Minumura nya ba'ko?

Naramdaman ko nalang ang pag lapat ng likod ko sa malambot na kama at kumutan nya ako.

"Mukha kang maamo at mabait pag tulog, pero pag gising ka ubod mo ng sungit, taray at lamig. Kasing lamig mo na yata ang yelo eh." tumatawang sabi nya habang hinahaplos ang buhok ko.

Abat--- sumosobra na tong makulit na 'to ah!

"Good night." saad nito at humalik sa noo ko, bago ko narinig ang pag bukas at sara ng pinto ko.

Agad kong inimulat ang mata ko at nag init ang pisngi dahil sa ginawa nya.

"What was that?!" bulong ko at hinawakan ang parte ng noo ko kung saan lumapat ang malalambot nyang labi.

KINAUMAGAHAN ay maaga akong nagising dahil sa alarm clock ko na automatic nang naka set ang 6:00 dahil nasanay na ako. Nakalimutan ko din naman na tanggalin iyon.

Kaya pag gising ko ay masakit ang ulo ko.

"Oh hija, gising kana pala. Nako hindi mo naabutang umuwi si Sir Danver. Sayang nga ang timpla kong Hot chocolate doon, kaya ikaw nalang ang umubos." tumango lang ako at sumunod kay Nanay Selya.

"Hoy! May sakit kaba? Ang pula ng mukha mo oh." untag  sa'kin ni Rica at sinundot-sundot pa ang pisngi ko, Hinipo nya rin ang noo ko. "Wala naman ah, anong nararamdaman mo?" tanong nito at inilahad sa'kin ang tubig.

Agad kong kinagat ang dila ko dahil hindi ko alam ang dahilan ng pag iinit ng pisngi ko. Ano ba'to?

"Wala naman. Oh Nia! Pasensya na Hindi kita napansin." tipid kong ngiti sa kanya.

Kaibigan namin sya ni Rica, galing sya sa kabilang section classmate ni Kio. Lagi syang na bu-bully dahil sa ayos nya. Nerd kasi sya at tagihawatin, kaya ganun nalang ang pag kutya sa kanya ng mga estudyante dito sa N.U.

"Ok lang 'yon. Ah nga'pala, maya punta tayong Loricios 6pm libre ko. Tutal lahat tayo ay pasa." nakangiting aniya at iwinagayway pa ang maliit nyang wallet.

Natawa ako ng mahina dahil sa ka cute-an nya.

"G." sabi ni Rica habang winawagayway din ang test paper nya.

"Hmm." tango ko at iwinagayway ang kamay. Natawa silang dalawa at inihatid ni Rica si Nia sa kabilang section. Lenia Corpuz, anak ng isang Business Man na may ari ng tatlong isla. Pero dapat daw apat pero hindi pa daw nakukuha ang isa.

Naalala ko tuloy si Daddy.

Agad kong ipinaling ang ulo ko dahil naalala ko na naman sya.

Alas-dos ang uwian namin ngayon kaya may time pa akong bumisita kila Daddy.

Pag dating ko doon ay agad kong ibinaba ang isang pumpon ng bulaklak sa puntod nila Daddy at umupo.

"Hi Sir!" bati ni Danver, kasama ko sya dahil makulit sya. Noong una ayokong isama ang kutong 'to pero mapilit talaga kaya pumayag nalang ako.

"Manahimik ka, ako ang anak ikaw pa ang unang nag salita." sarkastiko kong saad at inirapan sya.

"Sungit." ungot na aniya at inilabas ang nasa plastic na adobo, ginataang puso, kanin, gummy bears, mga nips at mallows.

Yung dalawang putahe ay luto ko dahil nga nag aaral na ko ng mga natutunan ko, at yung mga candies naman ay para kay Ashley.

"Dad," panimula ko at inilabas ang test paper ko. "Naka pasa po ako. Matutupad na yung dream natin, Dad." mangiyak-ngiyak kong saad.

"Break na rin po kami ni K-kio. Wala po eh, nangbabae Dad. Hindi pa po ako sapat eh." parang batang sumbong ko at pinupunasan ang mga luhang dumaraan sa pisngi ko.

"Jerk." bulong ni Danver, pero hindi ko na ito pinansin at sinimulang tiklupin ang test paper. Na i-pa-Xerox ko na din yung tunay kong test paper kaya malaya akong iwan ito dito.

"Pero Dad, nag sisimula na po akong mag move-on. Ayoko po ng ganon Dad eh."

"Bene." rinig kong bulong na naman ng katabi ko.

"D-dad, sana na'ndito ka. Para maipag tanggol mo ako sa lalaking yon." aniko at pinunasan na naman ang luha ko.

Napa tingin ako sa gilid ko nang may makita akong gray na panyo doon, pag angat ko ng tingin ay nakita kong naka tayo si Danver at ibinibigay ang panyo sa'kin.

Nang hindi ko ito kuhanin ay lumuhod sya at sya mismo ang nag punas ng luha ko sa pisngi at baba.

"Miss ko na kayo Daddy." saad ko at bumuntong hininga, pinipigilan na humagulhol. "I-ikaw Ashley alagaan m-mo si Daddy huh? At Dad pag makulit yan hanger-in mo huh?" tawa ko na unti-unting nauwi sa hagulhol.

"Miss ko na po kayo." may naramdaman akong bisig na yumakap sa'kin mula tagiliran at isinubsob ang mukha ko sa dibdib nya.

_____
Don't forget to vote and comment baVies!🖤

Bene(Good)

Sono l'unico che dovrebbe portarti, tsk(I'm the only one who should bring you, tsk.)

Make Her Smile [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon