Lumipas ang dalawang linggo at ngayon ay busy ang lahat.
Dalawang linggo na ding delay ang Ball nang dahil sa mga Garcia. Ang unang dahilan ay nag ka problema ang isa sa mga Business partner nila at ang pangalawa naman ay dahil isasabay na rin daw ang pag babalik ng fiancé ni Denver.
For me naman ay ayos lang, kasi busy kaming lahat. That's why sa isang araw na raw iyon gaganapin at sure na daw iyon.
Good to know.
Next-next week din ay graduation na namin kaya yung mga janitor dito ay todo linis. Kami naman na mga estudyante ay naatasan mag decorate sa stage at sa gate.
Pati mga Teacher's ay busy din, kinakabahan tuloy ako kung masasama ako sa Honors.
Ginawa ko kasi talaga ang best ko para kahit pa-paano ay maging proud si Dad sa'kin kahit nasa kabilang buhay na siya.
"Sinigang po, tsaka isang rice." nandito kami ngayon sa Canteen at umo-order ng tanghalian.
"Ako rin Ate." pahabol ni Nia sa tabi ko.
"Ako po isang Menudo at Tortang talong." order naman ni Rica at ikinuha kami ng tig-iisang straw para sa pineapple juice.
Humanap na ako ng table at pumunta na roon. Mabuti nalang maluwag pa, kakaunti pa ang mga naputang Estudyante.
"Nakaka gutom!" naka ngusong reklamo ni Rica.
Kakatapos lang kasi namin mag lagay ng letters sa stage at nag lagay ng logo ng school sa table ng Principal. Inimbitahan din nila ang mga kagawad ng Barangay. Sila Kapitan at Mayor kasama din.
Matapos din namin kumain ay dumiretso na kami sa room namin at nag pamigay ng mga notes.
Dun kasi ilalagay sa note na yun ang mga gustong sabihin at ibibigay sa professor bago kami tatawagin isa-isa sa stage sa Graduation.
Ang lakas din ng trip ng Teacher namin at nag gano'n pa. Pero mukhang masaya naman dahil lahat ng kaklase ko ay naki lahok at walang killjoy.
Tig-ta-tatlong small notes kami at lahat yon ay kasing size ng 1/4 paper. Lahat daw yun ay sulatan.
Pwede namin isusulat lahat ng gusto naming sabihin. Like mag thank you sa teacher, umamin sa crush at sabihin ang mga gustong sabihin sa friend mong plastic at backstabber.
Yes, our teacher is kinda straight forward and her mouth has no filter. That's why i like her attitude.
Kaya nasasabihan kami ng ibang professor na pumapasok dito, na disiplinado daw kami.
Maiingay man kami o ang iba kong kaklase ay hindi naman daw pahuhuli sa mga school activities at ang araw-araw na gawain dito sa room.
Simple lang ang isusulat ko. Ang unang note ay para kay Lord kasi noong panahong down na down ako ay hindi nya ako hinayaan, ang pangalawa naman ay para sa Family ko, at ang pang huli ay para sa mga Teacher's at Friend ko.
Matapos kong isulat ang mga gusto kong sabihin ay agad ko itong isinilid sa bag ko at saka lumabas.
Good thing kasi walang professor ngayong pahapon kaya pwede kaming umuwi ng maaga.
"Oy!" biglang napa tigil ang mga paa ko ng maka rinig ako ng pamilyar na boses.
Dalawang linggo din kasi kaming hindi nag kita dahil parehas kaming busy.
Medyo iniiwasan ko rin sya kaya nga umabot ng dalawang linggo eh.
At yung banat nya sa'kin ng gabing yon. Ayokong isipin dahil ayokong magets. Pero dahil naiisip ko ang lalaking to at yung mga mabubulaklak niyang salita, na gets ko ang banat nya.
BINABASA MO ANG
Make Her Smile [COMPLETED]
Любовные романыBabaeng magiging mailap sa tao lalo na sa mga lalaki. Ayaw niya rin makipag relasyon dahil natatakot sya na mag pa ulit-ulit ang sakit na naramdaman nya sa una niyang inibig. Highest Rank #4 Hillary #4 Danver #7 Sorry Started: 8/10/2021 Finished: 1...