Chapter 31

162 14 16
                                    

Umaga pa lang ay naka tanggap na ako ng message galing kay Danver.

Nag dadalawang-isip ako kung pupunta ba ako sa sinabi niyang address o hindi.

Tatlong araw na rin kasi ang naka lipas mula nang malaman kong nag bunga ang nangyari sa 'min.

Gusto kong sabihin sa kaniya pero nag aalala ako, ang daming pumapasok na katanungan sa utak ko at hindi ko alam kung kailan ako magiging handa.

Matagal ko na rin siyang iniwasan dahil nahihiya ako sa ginawa kong pang-aakit sa kaniya!

May kaunti nang umbok ang tiyan ko at sa tuwing hinahawakan ko ito ay ibang saya ang nararamdaman ko.

Bumangon na ako at dumiretso sa cr. Balak ko na din mag tapat kay Mommy, mag kasama lang kami rito sa bahay pero pakiramdam ko ang layo-layo ko sa kaniya dahil sa sikreto ko.

Naka uwi na rin kasi siya matapos no'ng bakasyon nila sa Boracay, kasabay ang pamilya ni Danver.

Nag suot ako ng White over size shirt at black na pantalon, mula kasi ng may nakikita ng umbok sa tiyan ko ay hindi na ako nag susuot ng mga fitted na damit. Kahit naman maliit pa lang o dugo pa lang ang baby ko iniingatan ko na siya.

Simple lang ang ayos ko dahil sa opisina lang naman ako, maliban nalang pag inayos na ang stove.

"Good morning, My." i kissed her cheeks and smiled.

Handa na 'ko...

"Good morning too Sweetie, bakit ang aga mo 'atang paalis?" she asked.

"I'm going to my restaurant po, my assistant said that our stove is kinda delicate." i said and walk towards our dining table.

"Uhh...My, may sasabihin po ako sa 'yo." aniko at umupo sa tapat niya.

Kumunot naman ang noo niya bago uminom ng kape niya.

"What is it?"

I nervously looked at her eyes and cleared my throat.

"Promise me, na hindi ka po muna mag tatanong? Hahayaan mo mo po muna akong mag explain?" sunod-sunod kong tanong.

"Jusko naman anak, kinabahan naman ako eh. Huwag ka ngang ganiyan." naka lukot na mukhang ani Mommy. "Oh siya sige, sabihin mo na, makikinig si Mommy." she smiled at me sweetly.

Huminga muna ako ng pag ka lalim-lalim bago pinag saklop ang mga kamay ko.

"B-buntis po ako..." narinig ko ang pag singhap niya.

"M-my, s-sorry po kung tinago ko agad. N-natakot po kasi ako no'ng u-una." naka tungong aniko.

"Bakit hindi mo man lang ako pinag katiwalaan?" naiiyak na aniya.

I understand her.

"M-my sorry po..."

Bumuntong hininga muna siya  bago lumapit sa akin at niyakap ako, naka upo pa rin ako kaya naka yakap ako sa bewang niya.

Sa ginawa niyang iyon ay napa iyak na ako ng tuluyan at hinigpitan ang yakap sa kaniya.

"Sinong Ama?" kalmadong tanong tanong niya habang hinahaplos anh buhok ko.

"A-actually po, o-one night stand po ang nangyari sa amin," umalis ako sa pag kakayakap sa kaniya at tiningala siya. "S-sa boracay po, no'ng nag kayayaan ang mga empleyado ng m-mga G-Garcia."

"Jusko, Ryan ang anak mo..." rinig kong bulong niya, nag pipigil mainis. "So, Sino nga ang Ama?"

Tumikhim ako at umiwas ng tingin sa kaniya.

Make Her Smile [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon