Chapter 25

157 15 21
                                    

Dalawang buwan na ang nakalipas simula no'ng gabing may nag banta sa akin. Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pag babantay sa amin ng mga body guard ni Danver.

Simula rin noon ay nag resign na ako sa restaurant ni Sir Jacob dahil nga sa mga nangyayari roon.

[Gaga! Sana sinabihan mo ako para mabigwasan ko ng malala!] inis na saad ni Rica sa kabilang linya.

Simula ng mag punta siya sa Qatar ay nga-ngayon lang kami nakapag usap, dahil naging mahirap daw roon ang signal.

Kinu-kuwento ko kasi sa kaniya ang mga naging ganap ko sa buhay mula no'ng umalis siya.

[Where's Nia?] she asked and i stopped when i heard her name.

Ang totoo niyan hindi ko rin alam, dahil mula no'ng manggaling sila rito ni Rica sa bahay ay pa text-text nalang ang komukasyon namin. Ang dahilan niya ay lagi siyang busy. Pero hindi ko siya masisisi dahil may in-a-apply na raw siyang trabaho. Hanggang ngayon wala pa rin siyang paramdam.

[She's working] dahilan ko at nag ayos ng puyod.

Ayokong mag bintang dahil hindi ako sigurado. May tiwala rin ako sa kaniya.

[Hmm, nga pala kamusta na kayo ng lover boy mo?]

Kumunot ang noo ko dahil alam kong si Danver ang tinitukoy niya.

[Lol] sabi ko nalang at bumaba para kumuha ng tubig. Alas-dose na ng tanghali ngayon at mga bandang 1:30 ay pupunta akong restaurant.

[Rica...may sarili na akong restaurant!] masayang sigaw ko at inilagay ang baso sa tray.

[Owemji ka! Congrats!] she exclaimed and i started talking about my success in life.

Matapos ko kasing mag resign ay nag hanap agad ako ng lupa para mapag tayuan ko ng restaurant. And luckily malapit ang lupang iyon sa isang garden na dayuhin ng mga tao, lalo na ng isang pamilya o mag jowa.

Sumuporta naman si Mommy sa akin kaya naging madali para sa akin iyon.

"I gotta go." paalam ko kay Mommy at humalik sa pisngi niya bago umalis.

I named my restaurant as 'Food Town' unang bukas pa lamang noon ay maganda na ang benta. Pero hindi ko pa nasisimulan na mag luto ng sariling akin.

"Good afternoon po." bati ng isang empleyado ko.

Tumango ako sa kanya at nginitian. Dumiretso agad ako sa opisina ko at nag palit ng damit bago nag tungo sa kitchen.

"Ok let us start, marami na akong nakikita sa may garden na tao. Baka mag tungo sila rito pagkatapos nilang mamasyal." i said and took some carrots and tomatoes.

Mahilig pa naman minsan ang mga taga rito na mag meryenda.

"Chef, may nag hahanap po sa inyo sa labas." ani ng guwardiya.

Chef...ang sarap pakinggan, ang sarap sa tainga. Akala ko dati hanggang tawag lang ako kay Sir Jacob ng 'Chef' iyon pala balang araw maririnig ko rin iyon na sa akin mismo itatawag.

Lumabas ako at nakita ko si Danver na naka tayo ay inaayos ang shades nya.

"Hi Bambina!" masiglang bati niya at lumapit sa akin.

Napatitig ako sa kaniya at sa ayos niya. Hindi ko alam pero, simula ng dumating siya sa buhay ko naging roller-coaster na. Naging magulo, ginulo niya ang buhay ko.

Minsan hinahanap ko ang presensya niya, minsan naman inis na inis ako sa kaniya. Ewan ko...ang gulo...

Pero kahit ganoon ay thankful ako kasi dumating siya sa buhay ko.

Malala kana talaga Hillary

"What are you doing here?" aniko at pinagpag ang damit ko.

"Ipagluto mo 'ko, dito ako hanggang dinner." aniya at hinila pa ako papasok.

"What?"

"Gusto ko matikman ang luto mo eh." nakangiting aniya.

Bumuntong hininga lang ako at pinapasok siya sa opisina ko.

Ang totoo niyan ay niluluto ko na ang pagkaing gusto kong i-serve at ipagmalaki sa buong Mundo.

Kinuha ko ang tasa na may laman ng adobo at inilapag sa harap nya.

"Wag mong pipintasan ha." pinanlakihan ko siya ng mata at umupo sa harapan niya.

"Natikman mo na ba 'to?" he asked.

Umiling ako, kasi kinakabahan ako sa lasa nya. Baka mamaya niyan masarap para sa'kin pero sa kanila hindi.

"Tikman mo," inusod niya papunta sa akin ang tasa bago kumuha ng hita at hiniwa iyon tumitig sa akin. "maniwala ka sa kakayahan mo." tumango lang ako at kumuha ng tinidor at tinusok ang laman ng manok.

Pag kagat ko ay napa pikit ako dahil kaya ko na nang i-perfect ang sarap.

"Masarap?" tanong nya,nakatitig parin sa'kin.

"Hmm." tumango ako at sumubo muli.

"Sabi sa iyo eh, tiwala lang." naka ngiting aniya, dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.

"Pwede patikim?" tumango ulit ako at ngumuya.

Pero halos malagutan ako ng hininga ng inilapit nya ang labi n'ya sa labi ko.

"Masarap nga...lalo na't galing sa labi mo." he smirked before licking the side of my lips.

_____
Thursday ko po ito sinulat<3

Don't forget to Vote, Comment, and Pray always❤️

Make Her Smile [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon