Chapter 9

165 11 0
                                    

"Woo!" sigaw nila Rica at Nia pag pasok palang namin ng bar.

Oo bar, and its been a months since i stepped in here. Nakaka miss, tanda ko pa nung nag 18 ako niyakag agad nila ako dito Kinabukasan pag ka tapos ng party. Gusto daw nila akong makita kung mataas ba o mababa ang alcohol tolerance ko, pero ang ending ako pa ang nag hatid isa-isa sa kinila pauwi.

Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan ang stage na may mga nag sasayaw, pang Instagram ko.

Pag-uwi manin kanina galing sementeryo ay nag paalam agad ako kay Mommy na lalabas kami, luckily pumuyag sya.

Basta daw kasama yung asungot, pero tinakasan ko lang yon. Ang ingay eh.

Tsaka medyo nahiya din ako sa kanya dahil pumayag na naman akong yakapin ako.

'pero 'di ba ako ang naunang yumakap sa kanya nung nakaraang gabi?'

"Tsk." bulong ko at ibinaling nalang ang pansin sa mga kasama ko.

"Ano ba yan, di'pa nag uumpisa feeling ko talo na agad ako." naka ngusong maktol ni Nia.

Naka suot sya ng black skirt and light blue off shoulder, naka sandals din ito. Bagay sa kanya at nag apply din sya ng kaunting make up para matakpan ang mga tagihawat nya.

Si Rica naman ay naka suot ng fitted maroon dress, backless ito sa likod at kita ang kaunti nyang cleavage. Ang sexy nya. Nag high heels din ito na color black.

Ako naman ay naka suot ng black dress na hanggang tuhod at red high heels. Nag lagay lang ako ng polbo at liptint, ayos na yun di naman lalandi eh.

Nag order si Nia ng tatlong wine. Ok na to sa'min dahil baka hindi ko kayanin na ihatid ang dalawang to. Kotse ko kasi ang gamit namin.

Pag inom ko ay agad itong humagod ang lasa nito sa lalamunan ko, para syang coke dahil pag unang lagok mo palang ay hahagod na sa lalamunan. Grapes ang flavor nito.

Hindi ko naman first time uminom, pero ito ang unang alak na matindi ang hagod sa lalamunan.

"Nanay Hillary, sasayaw lang kami huh? Nandun kami sa bandang gilid hahanap kami ng Sugar Daddy." ani Rica at humalakhak pa. Inirapan ko lang ang mga ito at tumango.

Ganyan sila lagi pag mag iinom kami, dahil ako nga ang hindi madaling malasing ako ang umaalalay sa kanila. Ayos lang naman sa'kin, tsaka hindi naman nila ako pinapahirapan dahil kahit ge-gewang-gewang kaya panilang mag lakad ng ayos kahit pa-paano. Minsan din naman ay nag papatulong ako sa mga bouncers dito.

Pag subo ko ng Pulutan ay may nahagip ang mata ko. It's Kio, with his woman.

Nag iwas ako ng tingin at ipinag patuloy ang pag inom. Wala nang epekto sakin, i mean diba dapat masaktan ako? Pero wala eh, ok na'ko.

"Uy ex na'ndito ka pala." lasing na sabi ni Kio at tumabi sa'kin.

"What do you want?" walang buhay kong tanong at muling sumubo ng pulutan.

"I want you." bulong nya kaya na patayo ako at dahil sa gulat ay nasampal ko sya.

"Bastos!" sigaw ko at akmang lalapit sya nang bigla syang nawala sa paningin ko.

Agad na nanuot sa ilong ko ay pamilyar na amoy ng lalaking nasa harapan ko.

"Bro, mali naman yatang binabastos mo ang 'girlfriend ko'." he emphasise the word 'girlfriend ko' before grab my waist.

"Leave us alone Stronda." mariing saad ni Danver.

Hindi pa nakaka sagot si Kio nang hilahin na sya ng kasama nyang babae.

Make Her Smile [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon