Chapter 27

147 13 15
                                    

Hinatid ako ni Danver sa bahay ng mga bandang alas-siyete dahil kumain pa kami sa may kanto ng balot, isaw, paa ng manok at marami pang iba. For short street foods, na miss ko rin kasing kumain noon. Tumambay rin kami sa plaza para maka kain ng ayos. Nag kwentuhan kami at kung ano-anong mga banat ang mga sinasabi niya sa 'kin.

Ang pag kakatanda ko ay noong college pa ako huling kumain noon.

"Salamat po." aniko kay Nanay Selya ng iabot niya sa akin ang hot chocolate.

Naka ngiti naman itong tumango at lumabas na ng kwarto ko.

Minsan hindi ko rin maintindihan ang sarili ko dahil kahit alas-nueve na ng gabi ay umiinom ako nito.

Dapat ay ako na ang mag titimpla pero naabutan ko si Nanay sa kusina na nag iimis ng mga ginamit na plato para ibalik sa tamang lagayan.

Kaya wala akong choice kundi bumalik rito sa kwarto at hintayin ang chocolate.

"Pa, sorry po kung hindi ko kayo madalaw ha. Marami lang po kasi talagang nangyari no'ng mga nakaraan." bulong ko habang ang tingin ay nasa langit. Bukas kasi ang terrace at ang malamig na simoy ng hangin ay pumapasok, ayokong tumambay sa terrace dahil mahamog na.

"Pa, please take care of us." aniko at inubos ang natitirang hot chocolate. Bumaba ako at hinugasan iyon bago bumalik ulit sa kwarto.

Nag laro muna ako ng COD para palipasin ang ininom ko. Naka tatlong game ako ng mag chat si Danver.

Him:
Matulog kana, kanina pa kita binabantayan.

Ha?

Mag titipa na sana ako ng mensahe ko sa kanya ng mag chat ulit siya.

Him:
Huwag ka nang mag laro, bukas na lang. Huwag ka din mag puyat maaga tayong aalis bukas.

Me:
Anong mayro'n bukas?

Him:
Basta, matulog kana at matutulog na rin ako.

Sa di malamang dahilan ay may sumupil na ngiti sa labi ko na agad ko pinigilan at nag patuloy sa pag tipa ng mensahe sa kaniya.

Me:
Asawa ba kita? Tatay ba kita?

Him:
Hillary! Just go to bed and sleep! Or else...

Kumunot ang noo ko dahil sa pag papabitin niya.

Me:
What?

Him:
Ako mismo ang pupunta diyan para patulugin ka...

Nanlaki ang mata ko dahil sa mensahe niya.

Him:
Hindi ako nag bibiro Bambina...

Omg! Alam ko iyon dahil naka punta na siya rito ng gabi at sa terrace ko pa dumaan!

Agad kong sinara ang terrace pati ang kurtina at tumakbo pabalik sa kama at nag talukbong ng kumot.

Kinapa ko ang cell phone ko sa gilid at inayos ang buhok na naka harang sa mukha ko at nag tipa ng mensahe sa kaniya.

Me:
Good night!!

Ipinaramdam ko talaga ang inis ko sa chat at inilagay ang phone ko sa may lampshade at natulog na.

Yawa ka Danver!

Kinabukasan ay sunod-sunod na katok ang narinig ko, kaya napa baligwas ako ng bangon at agad na lumapit sa pinto.

Damn! It's already eight in the morning!napuyat rin kasi ako kagabi.

"Good morni-" napa kujot ang noo ko dahil hindi niya naituloy ang sasabihin niya.

"Ang aga mo mang bulabog." inis kong saad at sinamaan siya ng tingin.

"Uhh..." kunot noo ko siyang at nakita kong Pulang-pula na ng tainga, pisngi at ang paakyat ng leeg niya.

"May sakit ka ba?" tanong ko at ng akmang hahawakan ko ang leeg niya ay lumayo siya.

"H-hey..." lumayo siya at umiwas ng tingin.

"Ano bang problema mo?" na'ndito kami sa hallway ng bahay namin at kahit hindi pa ako nakaka mumog at suklay ay nilabas ko siya.

Wala akong pakialam, ma turn-off man siya wala akong pakialam.

He cleared his throat before spoke again. "P-pumasok na muna...b-baka pag sisihan mong n-nilabas mo 'ko.

Anong sinasabi nito?

"Huh?" nag tataka kong tanong at akmang lalapitan ulit siya ng lumayo na naman siya at tumingala. "Hoy ano ba? Anong nangyayari sayo?"

He sighed and quickly held my shoulder and turned me around. Itinulak niya ako sa may pinto at hindi ako hinahayaang humarap sa kaniya.

"Ano ba." aniko at himawakan ang kamay niya upang tanggalin ang kamay niya sa balikat ko ngunit hindi niya ako hinayaan.

"W-wala kang...b-bra." aniya sa mahinang boses.

Nanlaki ang mata ko at agad na iniangat ang kamay ko para sanggahan ang dibdib ko.

Putang ina Hillary!

Naka talikod parin ako sa kaniya dahil ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko at halos gusto ko nalang mag pakain sa lupa dahil sa kahihiyan!

"Go, change. I...i will wait to you downstairs. A-and aalis tayo." itinulak pa niya ako papasok at kita ko sa gilid ng mga mata kong naka iwas siya ng tingin habang hawak ang doorknob at siya mismo ang nag sara ng pinto.

"Aaaaa!!" tili ko at dali-daling kinuha ang bra ko sa ilalim ng unan at mabilis na isinuot.

"Anong mukha ang ihaharap ko sa kaniya? Tangina naman kasi!" bulong ko at wala sa sariling binatukan ang sarili.

Ang aga-aga nakakapag mura ako, takte!

Bumaba ako at naka bihis na ako ng simpleng pantalon at baby blue crop-top at naka sandals rin ako.

Nakita ko siyang busy sa pag kakalikot sa cellphone niya habang naka kunot ang noo. May dalawang platito rin sa lamesita sa harap niya at isang baso. Halatang binigyan ni Nanay Selya ng pag kain.

Naka suot siya ng puting polo na naka tupi hanggang sa kaniyang siko. Naka pantalon rin siya at naka rubber shoes.

Tumikhim ako para makuha ko ang tingin niya.

Tumingin siya sa 'kin at agad na ngumiti. Ngiti na parang wala siyang nakita kanina.

"Let's go? Nag paalam na rin ako kay Tita and she agreed."

Umiwas ang tingin ko sa kaniya at tumikhim muli, pati ang pisngi ko ay nararamdaman ko na namang umiinit.

"Where a-are we going?" kanina lang ay nag iisip ako kung sasama ba ako o hindi dahil nga sa hiya ko. Pero nilabanan ko iyon at umaasta ngayon na wala siyang nakita kanina.

"Tagaytay." aniya at mas nilawakan pa muli ang ngiti at ang mga mata niya ay halos maningkit na.

Ang mga mata na naman! Shuta naman kasi eh!

_____
A/N: So ayon itinuro lang din sa akin ng Nanay ko na tanggalin ang bra bago matulog, pero yung akin di literal na aalisin sa katawan parang aalisin lang yung hook hahaha. Pati din sa ate ko nakikita ko na ginagawa niya yorrrnnn, mwehehehe. Parang sa cancer ata yon?  Para di mag ka cancer?? Idk basta nasunod ako whahaha.

Ingat kayo aking mga baVie! Always wear anti-radiation eye glasses para proteksyon sa ating mga mata, muah!!

Make Her Smile [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon