A/N: Idk po kung paano mag apply ang mga culinary course, and if mali ang mga sinulat ko rito sabihin nyo lang sakin. Thank you <3
It's been two weeks and i started applying in different restaurants.
Naisipan ko kasi muna na mag trabaho bilang assistant sa kusina. Naisip ko rin kasi na kailangan kong kilalanin ang mga costumers, like kung paano sila tumrato ng trabahador sa kusina.
And after that, yung mga ma-iipon kong sweldo ay iyon ang gagawin kong allowance sa lahat at sa pag bili ng property.
Naka suot ako ng puting long-sleeves at puting slocks, naka itim din akong flat shoes. May cap din ako sa ulo at ang buhok ko ay naka paikot sa may puyo ko.
Assistant, means lahat ng tao sa loob ng kusina ay tutulungan ko. Maliban sa mga cashier's at waiter's.
Nag liligpit ako ngayon at silang lahat sa may likuran ko ay abala. Pangalawang araw ko rito ngayon at masasabi kong mahirap. Dahil unang beses ko palang.
"Hillary, paki abot naman ng isang tasa at tinidor." rinig kong utos ni Jacob, ang chef dito sa Italian Restaurant.
"Here, chef." i said and smiled a bit to him.
Inabot kami ng tanghali ng walang meryenda. Dagsa ang mga tao ngayon dahil mag sa-summer. Ang kagandahan din kasi rito sa restaurant na 'to ay ilang minuto lang ang byahe sa resort na sikat rito.
Kaya feeling ko, araw-araw bugbog ang katawan namin. Dahil may mga turista na umaabot rito. Pero ayos lang sulit naman.
Ako naman ay ba-byahe ng dalawang oras bago maka-uwi at maka-pag trabaho.
Si Jacob rin ang may ari ng restaurant na ito at nakita lang rin ito sa social media na hiring sila, kaya pinatos ko na. Na reach naman nila ang sweldo na natural para sa aming mga assistant. Dalawa lang kaming natanggap rito, kaya minsan mahirap dahil sa iba't ibang gawain.
"Chef, kain po." tawag ko kay Sir Jacob na lalampas sana sa amin kung hindi ko lang tinawag.
"Sige lang, kakain na rin kami nila Allen roon." he said pointing Allen and Mike laughing, their table is near at the door.
Tumango lang ako at nag patuloy ng kumain. Ang iba ko namang ka trabaho ay kanya-kanyang pwesto at ang iba naman ay kasama ko ngayon na walang imik katulad ko, gutom talaga kami.
Ala-una na ngayon at kumakain palang kaming lahat, and thank God because some costumers are taking out their orders.
Mga bandang alas-tres ng hapon ay nag simula na namang dumami ang tao kaya hindi ko namalayang alas-diyes na pala, karaniwan kasing umwian ng lahat ng trabahador rito ay seven.
"Good job guys!" Sir Jacob cheered and clapping.
"Mukhang may dalang swerte ang dalawa nating bago rito ah," biro pa niya at tumingin sa'min ni Ayna. Kaya natawa nalang kami pareho. "pero seryoso, tumataas ang bilang ng taong kumakain dito." he sincerely said before smiling widely.
Narito kami ngayon sa may counter at nag pupulong-pulungan, ewan ang gulo lang ni Jacob.
"Keep up the good work guys! Fighting!"
"Hillary pauwi ka na ba?" biglang tanong ng isa sa ka trabaho ko.
"Oo, bakit?" nag palit na ako ng isang simpleng itim na t-shirt at leggings. Pinawisan kasi yung isang t-shirt na suot ko kanina.
"Kasi naka limutan kong linisin ang kalan, eh baka maabutan pa ni Chef bukas mapagalitan pa ako." he laughed at Ibinigay sa'kin ang plastic ng basura. "paki suyo naman, okay lang ba?"
"Oo naman magaan lang naman eh, tsaka malapit lang din naman sa basurahan ang sasakyan ko." I said and nod at him.
Ipinasok ko muna sa sasakyan ang dala ko bago dinampot ang plastic para i shoot sa basurahan ng restaurant na 'to.
Dalawang plastic 'yon na itim at isang paper bag.
Habang hinu-huho ko iyon ay may naramdaman akong tao sa likod ko. Pag lingon ko ay agad kong naramdaman ang hapdi sa pisngi ko.
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko at ang lalaking iyon ay naka suot ng purong itim, naka mask at cap rin ito.
Parang...parang yung tao sa mall!
"Arggh!!" irit ko ng marinig ko ang pag kapunit ng damit ko sa may baywang.
Umiwas ako at sinipa ang pag kalalaki nya bago nag hanap ng puwedeng ibato sa kanya. Siya naman ay namimilipit sa sakit at napa luhod pa sa semento habang pa ulit-ulit akong minumura.
Inabot ko ang bato sa may gilid ng basurahan at mariing pumikit.
"Lord sorry." bulong ko at ibinato sa kanya ang bato na hawak ko.
Tumama iyon sa kanya at halos manginig ako ng may makita akong patak ng dugo sa kalsada.
Tumayo ito at mabilis na tumakbo habang sapo-sapo ang pag kalalaki at ang ulo nya.
Na tauhan lang ako ng maramdaman ko ang pag tulo ng dugo mula sa pisngi ko. Pati ang hapdi nito ay hindi ko na ininda at dali-daling nag tungo sa sasakyan ko at pinaharurot pauwi.
Pag labas ko ng sasakyan ay Nagulat ang guwardiya sa bahay dahil sa ayos ko.
"Jusko, Ma'am Hillary!" ani kuya Kipoy, guard sa bahay. "Ano po bang nangyari sa inyo?! Ang daming mong dugo sa damit Ma'am!" nag aalala nitong saad.
Inakay nya ako papuntang living room at tinawag si Mommy.
Napa haplos ako sa may tagiliran ko at tama nga ako, sira ang damit ko roon. Tinangka akong saksakin sa tagiliran, buti nalang naka iwas ako.
Napatingin ako sa hagdan at nakita ko roon si Mommy na humahangos na lumapit sa akin at niyakap agad ako.
"Jusko anak! Ano bang nangyari sa'yo?!"
Hindi ako naka sagot ng makita kong pababa ng hagdan si Danver, galing sa office ni Mommy kasama ang secretary nya.
Nang mag tama ang tingin namin at nakita ko kung paanong nag igting ang panga nito. Pati ang kilay ay naka salubong rin, galit.
Lumapit siya sa amin ni Mommy pero umupo lang sya sa tabi ko, tahimik at naka yukom ang kamao.
"What happened to you?" he asked seriously.
Hindi ako sumagot ako pumikit lang, naramdaman ko ang pag punas ni Mommy sa pisngi ko kaya napa daing ako ng kaunti dahil mahapdi.
"Nak, paki sabi naman kung anong nangyari oh. Nag aalala na ako sa iyo." nag sususmamong aniya.
Ikinuwento ko simula ng mag tapon ako ng basura hanggang sa binato ko ng bato ang lalaki at naka kita ng dugo sa ulo nito.
Kita ko ang galit sa mata ni Mommy at ang kaniyang panginginig.
"Kailangan kong malaman kung sino ito." aniya at nag paalam muna sa'kin bago nag tungo sa kanyang opisina.
Naiwan kami ni Danver rito sa living room, nauna na sa sasakyan nya ang secretary nya, ang gwardiya naman ay nag punta na ulit sa may gate, at ang mga katulong naman ay nasa kitchen.
Naka sandal ako sa sandalan ng upuan at naka pikit. Ang sakit ng katawan ko.
"Anong ginagawa mo rito? I mean gabi na." basag ko sa katahimikan.
Hindi siya sumagot kaya hindi nalang ako nag salita ulit.
"Self defense ang tawag roon," mariing ani Danver. "huwag mong sisihin ang sarili mo." aniya at hinaplos ang kamay ko na nasa hita ko.
Kanina kasi na-gi-guilty ako sa pag bato roon sa lalaki, pero a part of me thankful dahil nilubayan ako no'ng lalaki.
Nag mulat ako at tinitigan ang mga asul niyang mata. Bahagya pa akong Nagulat ng maingat niya akong hilahin para yakapin.
He buried his face on my shoulder. "Fvck, nag alala ako...sobra."
_____
Tumatanggap po ako ng correction baVies!Don't forget to vote and comments! Also pray always!
Ily all! Muah!
BINABASA MO ANG
Make Her Smile [COMPLETED]
RomanceBabaeng magiging mailap sa tao lalo na sa mga lalaki. Ayaw niya rin makipag relasyon dahil natatakot sya na mag pa ulit-ulit ang sakit na naramdaman nya sa una niyang inibig. Highest Rank #4 Hillary #4 Danver #7 Sorry Started: 8/10/2021 Finished: 1...