The baby
'magandang balita bayan! Ngayong araw ay tuluyan ng lumabas sa pilipinas ang bagyong yulanda, maaasahan parin ang pabugso bugso na pag ambon at ulan, muli ako ang inyong bantay bayan'
"hay mabuti namn at umalis na ang bagyo, nang matuyo rin ang mga sinampay ko" ani ni emelda
Kasalukuyang nag hahanda si emelda para sa baun ng kanyang asawa habang nakikinig ng balita sa radyo.
"garry! Garry! Mananagat kaba?" tanong nya sakanyang asawa.
"oo! Anong oras naba?" tanong ng kagigising lang na si garry
"katitilauk lang ng manok, marahil mga nasa alas tress"
"hnd naba umuulan? Mukhang maganda na ang panahon"
"kakikinig kolng nag balita, wala nadaw bagyo, lumabas na ang bagyong yulanda!" sagot ni emelda
"nakapag saing kanaba?"
"ay kanina pa, naihanda konarin ang maaari mong baunin sa pag dadagat"
"napaka sipag tlga ng asawa ko oh" niyakap ito ni garry " oh sya maliligo muna ako at pag katapos ay kakain bago umalis"
Habang naliligo si garry, nag handa na sya nang kakainin ni garry bago unalis.
napapangiti si emelda, napaka swerte nya sa asawa nya kahit mahirap lng sila, kaya lng bigla sya nalungkot, 15 years na silang kasal pero wala parin silng anak, hnd naman sila makapag patingin sa doctor dahil tama lang ang kita sa pag dadagat sa araw araw na pangangailangan."hayyy!! Naway ang ilang linggo na pag daan ng bagyong yulanda, ay mag dala swerte, hmm hay naku, paano ba naging swerte ang dinaanan ng bagyo, hahahah" natatawang ani ni emelda
"oh bakit tila natatawa ka jan mag isa?" biglang tanong ni garry nang maabutan ang asawa na tumatawa
"may naisip lng, oh tara kumain kana, baka lumamig ang sabaw"
Pagkatapos kumain ni garry, pumanhik na ito papunta sa tabing dagat, hinatid sya ni emelda.
"sana marami akong makuha ngayon, para malaki ang kita" sabi ni garry
"oo nga eh, tutal maayos ayos naman na ang panahon, ilang araw kading hnd naka pag laot ano" sagot ni emelda
Ilang pulgada nalng ang layu nila sa bangka ni garry nang may narinig si emelda na iyak ng sanggol, kaya huminto si emelda.
"garry narinig moba iyon?" tanong nito sa asawa
"ang alin emelda?, wala akong naririnig" sagot nito
"garry! May umiiyak na sanggol! Pakinggan mo!"
Narinig nga ni garry ang iyak, kaya nag katinginan silang mag asawa, at nang mapagtanto na sa banggka nag mumula ang iyak dali dali silang lumapit don, pero wala sa loob ng bangka, kaya umikot si emelda, at don sya natulala.
"unga! Unga! Unga" iyak ng sanggol
"g-ga-garry! M-may b-bata, garry may bata!!!!" hnd makapaniwalang sabi ni emelda, at tila ganon din si garry.
"emelda buhatin mo!" utos ni garry, dahan dahan binuhan ng asawa ang sanggol, pero umiiyak parin ito.
"garry kaninong baby ito? Bakit nakalagay sya sa baskit!? Sinong mga magulang nya?" tanong ni emelda
"hnd ko alam amelda, pero patahanin mona natin ang bata, tika! Basa sya emelda, kaylangan nya mabihisan, baka mag kasakit sya, tara bumalik tayo sa bahay!" yaya ni garry
"iuuwi natin sya? Garry tara!"
Umuwi nga ang mag asawa at hnd na tumuloy si garry mag laot.
Habang binibihisan ni emelda ang bata ay ngumiti ito.
"garry ngumiti sya!" hnd makapaniwalang sabi nito
"marahil natatawa sya dahil ang suot nya ang damit mong malaki haha" sagot ng asawa na nakangiti
"garry hnd kaya sya na ang hulog ng langit sa atin?"
"naisip korin yan, pero sino kaya ang mga magulang nya, bakit nilagay sya sa basket tapos iniwan lng, kawawang bata"
"kung sino man ang magulang nito, marahil may masamang nangyare, oh baka para sa atin tlga si andrea" napatingin si garry sa asawa
"andrea!?"
"oo sya si andrea! Garry atin nalng sya, 15 years garry! 15 years nating nag hintay, garry ito na! Si andrea ang batang para sa atin!" umiiyak na sabi ni emelda
Kaya niyakap sya ng asawa, at mula nga noon kinupkup na ng mag asawa si Andrea, tinuring na tunay na anak, at mahal na mahal nila ito, at tila isa nga itong swerte, dahil mag mula non lagi na marami ang nakukuha ni garry sa pandadagat.
Naging mas masaya ang pag sasama at ang tahanan ni garry at emelda, dahil kay andrea.
BINABASA MO ANG
THE ASSIGN
RandomMaraming na ngangarap maging mayaman, sino ba namng hnd!? Nasayo na lahat, pera, bahay, lahat lahat. Ngunit may dalawang klaseng tao, isang pinanganak na mayaman at isang mahirap. Mabait, matalino, masayahin, mapag mahal, at higit sa lahat kontento...