A/N: Pasensya na sa matagal na update... Happy reading! Vote and comment po :) Thank you!
[ Lexi’s POV ]
“ Can’t you just sit down! “ bulyaw ni Markie kay Fantasy.
Nakakapikon yung ginagawang paglakad ng pabalik-balik ni Fantasy sa harap naming dalawa ni Markie. Nahihilo na ako sa pagtingin sa kanya.
“ I can’t believe this! I almost… Fvck! I almost got the most important information that we need! “ inis na sigaw niya sabay dapo ng sigarilyo sa kanyang bibig. “ Sinong pumatay?... Sinong pumatay?... “ she keep on whispering those words while still walking back and forth.
Hindi talaga siya mapakali sa kalalakad. Ganyan si Fantasy sa tuwing dumudulas sa mga kamay niya ang kailangan niya. She almost got the info that would end up her task, the info that will enlighten us who is the real enemy, the info that will answer all the mysteries that’s happening here in Crossca, but unfortunately in just a blink of an eye the person who has the info’s is now in deep sleep and has the body as cold as ice.
“ Fantasy sit down. “ I commanded.
Umupo siya at idinutdot ang hawak na sigarilyo sa ashtray.
Napapangisi ako sa kinikilos ni Fantasy… Nakaupo na siya pero halatang hindi parin siya mapakali… Kung kanina wala siyang tigil sa kalalakad sa harap namin, ngayon naman wala siyang tigil sa pagkuyakoy at pagkuyom ng kanyang kamay.
Muli siyang nagsindi ng sigarilyo at nagsimula na namang humithit at bumuga ng usok. I know how hard for her to control herself. Actually, hinihintay ko nga siyang magwala sa harap ko gaya ng ginagawa niya dati sa tuwing malalagay siya sa sitwasyon na katulad nito.
“ Markie… “ nanlilisik ang mga mata ni Fantasy ng tignan niya si Markie “ Si Ms. Hayly ba?... Siya ba?... She’s the last person we know na kasama ni Sir Thomas… Did she killed him?! “ naiinis na tanong niya.
Markie sighed and shake his head. “ No, she’s in her room nung mabaril si Sir Thomas. “
“ Bullshit! “ sigaw ni Fantasy sabay sipa sa glass table na nasa harap naming tatlo. Kasabay ng sigaw niya ay ang ingay na nagmula sa nagkapira-pirasong parte ng mesa. Nagkalat ang bubog sa sahig na tinignan lang namin. “ E sinong pumatay?! “ sigaw niya at muling tumayo.
Nagsimula na namang siyang magpabalik-balik ng lakad sa harap namin ni Markie… Napipikon na talaga ako sa kanya.
“ I told you to sit down Fantasy. “ I said but it seems like she doesn’t hear me. “ You’re going to manage yourself or I’ll do it for you just to make you calm. “
Bigla siyang napatingin sakin dahil may pagbabanta na sa tono ko.
Hindi ako nagbibiro sa sinabi ko… The last time na nagkaganyan siya, dalawang araw siyang natulog ng dahil sakin.
Muli na siyang naupo at nanahimik.
Patuloy ko siyang tinititigan… Wala parin siya sa huwisyo niya, she’s not the normal Fantasy na nakakasama ko. Not the jolly and the smart Fantasy I know, nang dahil sa sariling kapalpakan nawawala siya agad sa sarili.
Hindi ko alam kung anong sinabi ni Thomas sa kanya para kagatin niya ang alok nito… Hindi ko akalain na gagawa si Fantasy ng napakabobong paraan para lang makakuha ng impormasyon.
If I were Fantasy, I’m going to break Thomas neck kung hindi niya ibibigay sakin ang lahat ng nalalaman niya. Hindi ako makikipag kasundo sa itinuturing kong kalaban, mga tanga lang ang gumagawa nun.