Chapter 11.5 - MAG - Unwanted Visitor

548 10 3
                                    


Late greetings, MERRY CHRISTMAS! :*

[ Fantasy’s POV ]

“ Fantasy… Sige na, puntahan na natin si Jastin. “

“ Ang kulit mo! Sinabi ng mamaya na e… Bumalik na muna tayo sa building. “ sabi ko kay Trey.

Ang sarap talagang baliin ng leeg niya sa totoo lang.

“ Fantasy please… “

Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya, “ Pwede ba?! Stop calling out my name! Naiirita yung tenga ko… Sa’yo ko kaya gawin yan… Trey, Trey, Trey, Trey, Trey, Trey… “ sabi ko habang walang tigil ko siyang kinakalabit. Nagbago naman yung reaksyon ng mukha niya at tinapik yung kamay ko paalis sa kanya. “ Oh diba! Nainis ka din, kaya kung pwede lang tigilan mo ko… o baka naman gusto mong patulugin kita! “

“ Fantasy… “

Aaarrggh!  Bakit hindi siya makaintindi? “ Look, ganito nalang… I’ll go upstairs to get some things, then all you need to do is to stand here and wait for me to come back. “ para ko siyang batang kinakausap, ang kulit kasi. Nakakaasar! Ako na yung sumuko sa kakulitan niya. Kung si Lexi kaya yung kulitin niya, ewan ko nalang. Baka hindi lang siya makatulog ng mahimbing kundi matutulog na siya ng walang gisingan. “ Tapos pupuntahan na natin si Jastin. “

Magsasalita pa sana siya ng bigla ko nalang siyang layasan. Ayoko ng marinig yung sasabihin niya. Ayoko ng marinig na tatawagin pa niya ulit yung napakagandang pangalan ko.

Siguro naman hindi siya aalis dun. Kukuha lang ako ng handbook para kay Jastin at Kober, pati narin yung print out ng schedules nila.

Ang balak ko talaga mamaya or tomorrow morning ko nalang sila pupuntahan pero may asong nangungulit sakin.

“ Hi Markie! “ bati ko sa kanya ng makarating na ko sa teritoryo namin.

“ Where’s Lexi’s dog? “

“ Nasa baba… penge ah. “ sabi ko saka humigop sa kape ni Markie.

“ Walang halong marijuana yan. “

“ Okay lang. “ pero mas masarap sana kung meron “ Si Lexi? “

“ San pa ba? “

Okay, nakuha ko. Nasa taas.

Pumasok na ko sa kwarto ko para kumuha ng handbooks at magprint ng schedules. Binago ko yung schedules nila Jastin para hindi sila magsama ni Trey. Matutuwa si Lexi nito.

“ San ka pupunta? “ tanong ni Markie.

Winave ko nalang sa kanya yung hawak ko. Siguro naman hindi siya tanga para hindi malaman kung para saan yung handbooks.

Dali-dali na akong bumaba dahil baka lumayas na dun yung iniwan ko. Mas makulit pa naman yun sa bata.

“ Hoy! “ sigaw ko. Mga walang ‘yang ‘to. Iniwan ko lang saglit si Trey, balak na nilang kuyugin. Bakit ang daming may kursunada sa kanya? Tsk! Dahil sa M.A. “ Ang dami pang espasyo sa kabila, gusto niyo na atang magkaroon ng pwesto dun. “ sabi ko habang nakatingin ng masama sa kanila. Yung tinutukoy kong kabila ay ang stairway to hell. Sementeryo ng Crossca para sa mga estudyanteng dito nalalagutan ng hininga. “ Gusto niyo ng mamatay! “ sigaw ko. Agad naman silang nagsialisan. Mga bwisit!

Marrying a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon