Chapter 14 - MAG - Almost

714 15 7
                                    

[ Fantasy’s POV ]

Hay! Ang sarap talaga ng kape sa umaga lalo na kapag may halong marijuana.

Inamoy ko muna yung kape and oh my… Amoy palang nakakaadik na.

“ Aahh! Ang saraaaap! “ tuwang-tuwa kong sabi ng makahigop ako. “ Markie, gusto mo? “ alok ko sa kanya.

Tumingin naman siya sakin na may paniningkit sa kanyang mga mata. “ Ang aga-aga, nag-aadik ka na! “ bulyaw niya sakin saka ibinaling muli ang atensyon niya sa pinapanuod na morning news.

Tss! Siya na nga ‘tong inaalok, siya pa choosy.

“ Markie! “

Napatingin kaming dalawa sa tumawag sa kanya.

“ Boss! “ bati ko kay Lexi na kabababa lang.

Tumango lang siya sakin at tumingin kay Markie.

Alam ko ang ibig sabihin ng tinginan nilang yan.

“ Kukunin ko, saglit lang. “ sabi ni Markie at nagtungo na sa kwarto niya.

Naupo si Lexi sa couch na katapat ko at agad na nagsindi ng sigarilyo. Yan na ang agahan niya ngayon.

“ What? “ tanong ko ng bigla niya akong titigan.

Sinagot niya lang ako ng ngisi at binuga yung usok ng yosi sa bibig niya. Tss! Sira ulo.

‘ So here’s the hot showbiz topic for this morning! ‘

‘ Ahuh! At ise-serve namin ‘to sa inyo ng mainit-init pa! ‘

- bibong sabi ng dalawang magandang host sa morning news/talk show.

‘ And I am very much sure na maraming matutuwang fans sa ibabalita natin! ‘

‘ Hindi lang matutuwa girl… Magwawala sila, ‘cause the gorgeous singer/actor TREY HARDEY, WAS IN SUPER MALL’s PARKING LOT YESTERDAY! ‘

Napatingin agad ako sa TV screen ng patiling sabihin nung host yung pangalan ni Trey. Tss! Ang landi niya.

Ano bang meron kay Trey bukod sa magandang lalaki siya?... Bakit madaming nababaliw sa kanya sa labas?... Kinukuyog siya kapag may nakakakita sa kanya. Yung iba nga halos himatayin na sa katitili mahawakan lang siya.

Trey isn’t a saint para himas-himasin nila at kulang nalang sambahin. Tss! May mga sayad siguro yung mga nababaliw sa kanya.

‘ Yes! You it heard it right mga kamornings! Nasa Super Mall si Trey Hardey kahapon! ‘

‘ At nagtrending kani-kanina lang ang #TreyHardeyIsDamnGorgeous worldwide on twitter and instagram ng ipost ni @IamNinaHardey ang group photos nila with her friends na kasama si Trey Hardey. ‘

Sinulyapan ko si Lexi, tutok na tutok siya sa panunuod at biglang napapailing habang nakikita niyang napa-flash sa TV screen yung mukha ni Trey na kasama ang grupo ng kabataan sa pictures.

‘ Hindi halata na fan ni Trey ang batang ito dahil pati surname inangkin. ‘

‘ We tried to contact Nina Caldin para maishare naman niya satin kung ano nga ba ang tunay na nangyari kahapon, but unfortunately hindi siya macontact ng Morning staff natin. ‘

‘ But! Hindi matatapos dyan dahil mangungulit at mangugulit talaga tayo hanggang wala tayong nakukuhang infos… Our staff sent Nina a personal message asking about the photos she had posted on her social accounts… ‘

Marrying a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon