Chapter 13.5 - MAG - Attracted (Part 2)

647 15 9
                                    

[ Lexi’s POV ]

Hindi ka magagaya sa kasama mo kung sasagutin mo ko ng maayos. “ sabi ko at dahan-dahang ipinuwesto sa ilalim ng baba niya yung baril na hawak ko. “ Bakit ang daming Mobo dito? “

“ Na-nagkaron na ng tu-tuldok ang a-alitan namin sa mga Gallardo. “ utal-utal niyang sabi.

Napakunot naman ako sa sinabi niya. Nagkaron ng tuldok? Pano? “ How come na nagkaron ng tuldok e pinatay niyo si Jacob! “

Bigla naman niya akong tinignan ng may pagtataka. “ Hi-hindi namin pinatay si Jacob. “

Idiniin ko ang pagkakatutok ng baril sa ilalim ng baba niya. “ E sinong pumatay? “ tanong ko.

“ Si—si Jeda. Si Jeda ang pumatay. “

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Si Jeda? Bakit niya papatayin ang sarili niyang ama? “ Sabihin mo sakin ang lahat ng nalalaman mo! “

“ Nu—nung nalaman ni Jacob na- nakikipagrelasyon si Jeda kay Ran… Bi—binalak ni Jacob na patayin si Jeda pe—pero naunahan ni Jeda yung ama niya… Siya ang nakapatay kay Jacob hindi kami. “

Sinasabi ko na nga ba’t may mali dito.

Yung lalaking nakasalubong ko kanina… Si Ran Mobo. Ang panganay na anak ng pinuno ng mga Mobo… Karelasyon ni Jeda?

Ang walang hiya… Pinagkalulo ang sariling ama para sa sariling kaligayahan. Tss! Hindi alam ni Jastin ang tungkol dito. Tyak na manlulumo yun sa ginawa ng kapatid niya…

Ititikom ko ang bibig ko, hindi malalaman ni Jastin sakin yung tungkol sa nalaman ko. Ayokong makialam sa kanila lalo pa’t parehas ko silang mga kliyente. Ang away nila ay away nila, hindi dapat ako makisali.

“ Wa-wag mo kong papatayin. “ nagmamakaawa niyang sabi.

Ngumisi ako sa kanya at tinanggal yung pagkakatutok ko ng baril sa baba niya. Bubuhayin ko sana dahil sa ibinigay niyang impormasyon sakin kaso nag-bago yung isip ko.

Tinuhod ko yung sperm factory niya… Agad naman siyang napaluhod at namilipit sa sakit. Dinakma ko yung buhok niya at itiningala sakin “ Welcome to hell! “ sabi ko at tinuhod ng malakas yung leeg niya.

Magkatabi na sila ngayon ng kamyembro niya. Parehas na silang tulog at hindi na muling gigising.

Akala niya bubuhayin ko siya matapos niyang kumanta sa harap ko. Hindi ako tanga, sigurado akong kusa siyang lalapit kay Ran para ipaalam yung ginawa ko.

Pagkapasok ko sa kotse, siya namang tunog ng telepono ko.

Alfa calling…

Bakit tumatawag ang mensaherang ‘to?

Sinagot ko yung tawag. “ Alfa! “ sabi ko at pinatakbo na yung kotse.

“ Senyorita Lexi you are needed here in the Ditture mansion for the council forum. ” Bigla akong napangisi. Mukhang sinabi nga ni Joseia yung mga pinapasabi ko sa council.    

“ When? “ tanong ko.

“ Right now… Don Alexander and the Consigliere are asking for your confirmation. “

“ Tell them I will come. “ I said then hang up the call.

Kailangan daw nila ako.  Tss! Alam ko naman kaya na nila kahit na wala ako. Pero sige, pakikinggan ko sila. Yung mga nalalaman ko, hindi ko sasabihin… Paninindigan ko yung sinabi kong hindi sila makakatanggap ni isang salita mula sakin.

Marrying a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon