Vote and Comment :) Happy Reading!
Chapter 23 – MAG – Invitation
[ Lexi's POV ]
Agad na umikot ang mga mata ko nang bigla nalang dumating ang buong Security Team dito sa lugar ko na armado. " Will you fvcking put your weapons down! " iritado kong sambit and for the second time I rolled my eyes again nang makita ko naman si Riri. Her eyes meet mine at nang makalapit na siya sakin ay agad na bumaba ang tingin niya kay Joseia na nakahandusay ngayon sa sahig.
" What the hell is this Ms. Ditture?! " sabi niya sa mataas na tono.
" Tss! " tanging reaksyon ko sa tanong niya. Naupo ako sa couch at nag-simulang manigarilyo. " Will you God damn order them to leave, I don't need them here. " Pvta! Pag hindi kailangan ang mga hinayupak na Security Team e ang bibilis, kung kailan mo naman sila kailangan dun naman sila walang kwenta. " And you too! " ibinaling ko ang matalim kong tingin sa kanya " Leave! "
Hindi ko inaalis sa kanya ang tingin ko at ganun din siya sakin.
Inangat niya ang kanyang kamay upang senyasan ang Security Team para umalis dito sa teritoryo ko.
Mula kay Riri ay agad na dumapo ang matalim kong tingin kay Trey. Halata ang pagka – gulat niya dahil sa tingin ko pero ang istupidong 'to mukhang hindi niya nakukuha ang gusto ko sabihin.
Tinaasan ko siya ng kilay and I want to praise hell right now dahil pumasok siya sa kwarto.
" What the hell happened to your face? "
" It's none of your fvcking business. " sagot ko at pinadapong muli ang sigarilyo sa'king bibig.
" Huh! " I saw her rolled her eyes in disbelief. I can talk back to her any time I want. I respect this bitch in front of me but respecting her doesn't mean that I will bow my head for her. It will never happen. " Why did you killed Joseia? I won't accept the 'none of your business' answer Ms. Ditture dahil ang aga mong binulabog ang Crossca! " she almost yelled at me nang sabihin niya sakin yan. Nararamdaman ko ang gigil niya sakin pero hindi ako natitinag sa ganyan lang.
Idinutdot ko ang hawak kong sigarilyo sa ashtray bago ako tumayo para muling titigan ang mga mata niya " Hanapin mo yan utak mo Riri, mukhang nawawala. " sabi ko na ikinasama nang pag mumukha niya. Ayaw niyang masabihan na walang utak pwes mag-isip muna siya bago niya ibuka yang nakakairita niyang bibig. " I didn't kill her. " sabi ko at ibinaba naman niyang muli ang tingin kay Joseia. " There is no blood flow, you can see she's still breathing at ngayon... Ikaw ang lalagutan ko ng hininga kapag hindi ka pa lumayas dito sa teritoryo ko! " mapanindak kong sabi at kapag sinabi ko, gagawin ko... Hindi ako marunong mag – biro.
" Palalampasin ko 'to sa ngayon, pero sa susunod na gumawa ka na naman ng eksena na ikabubulabog ng Crossca... marked my words may kalalagyan ka. "
Tinaasan ko lang siya ng kilay. May kalalagyan pala ha. Tignan lang natin.
Nabaling ang tingin ko kay Joseia nang tuluyang umalis dito si Riri.
Killing her is not my plan. Gusto ko lang turuan ng leksyon ang babaeng 'to na hind lahat ng tao dito sa Crossca ay kaya niya. At lalong hindi ko mapapalampas yung ginawa niya sa dalawa kong Underboss.
Alam kong mas angat ang kakayahan ni Joseia sa pakikipag laban at hinog na hinog na siya kumpara kay Fantasy at Markie pero hindi naman tama na pag laruan niya ang mga Underboss ko lalo pa't nakatungtong ang mga paa niya sa Crossca.