[ Lexi's POV ]
Nagising ako na nakaunan sa braso ni Trey habang siya nakayakap sakin at mahimbing parin sa pagkakatulog. Tatlong gabi palang kaming magkatabi sa iisang kama pero parang normal nalang 'to sakin. Ni hindi nga ako nagigising pag tinatandayan niya ako.
I stared at his face then found myself smiling a bit... One word that could describe Trey... 'Gorgeous'. No wonder kung bakit marami ang tumitili sa inutil na 'to.
Minabuti kong bumangon ng hindi siya nagigising.
Alas sinco na, kailangan ko ng gawin yung mga ritwal ko sa umaga.
Nag-ayos lang ako saglit bago ako tuluyang lumabas ng Empire building para tumakbo. Sinisiguro ko na every morning ay tatakbo ako, kung hindi man dito sa grounds ng Crossca kahit sa treadmill lang na nasa kwarto ko.
Nililibot ko ang Crossca ng limang ulit sa umaga. May mangilan-ngilan ding estudyante na parehas ko na pagtakbo din sa umaga ang ginagawa pero mas pinipili kong tumakbo ng solo kasama ang earphones na nakasalpak sa tenga ko.
Yung iba babatiin pa ako kapag nakasalubong o napantayan ko sila pero hindi ako nag-aabala para pansinin sila.
Pagkadaan ko sa Dark Empire Building ay nakita kong palabas si Nirvana kaya binilisan ko ang pagtakbo ko.
" Lexi! "
Oh fvck! Pinagpatuloy ko lang ang pagtakbo and pretend that I don't hear him. Sa lakas ng boses ni Nirvana kahit pa may earphones pa sa tenga ko ay rinig na rinig ko parin siya.
Hindi na normal ang naging pagtakbo ko. Para na kong may hinahabol sa bilis wag lang akong maabutan ni Nirvana.
" Lexi! "
Tss! What does he wants?
" Lexi stop! "
Binagalan ko ang pagtakbo ko para maabutan niya ako.
" Lexi! " he said then grabbed my arms.
Agad akong pumiglas sa paghawak niya sa braso ko. " What?! " bulyaw ko sa kanya.
Gilgil kong hinatak yung earphones sa tenga ko at pinukulan siya ng matalim na tingin. Ano ba talagang kailangan niya sakin.
" About last night... Wala akong alam sa gusto nilang mangyari. "
" E di wala ka palang kwenta. " sabi ko at nagsimula ng maglakad. " Sa pagkakaalam ko ikaw ang susunod na ulo ng mga Gueco, e bakit ni katiting na impormasyon tungkol dun hindi mo alam. " Nakakairitang marinig na manggaling sa bibig niya ang mga salitang 'hindi niya alam', magiging pinuno siya tapos wala siyang alam. Inutil na din pala si Nirvana ngayon. Pinapanginig niya ang mga laman loob ko sa inis.
" Look! " muli na naman niya akong hinawakan sa braso but this time dalawang braso ko na ang hinawakan niya para lang maiharap niya ako sa kanya. " I am not living in the mansion... My life is here in Crossca... How am I supposed to get infos? "
" Don't give me senseless reasons Nirvana, 'cause whatever your explanation is... I - don't - even - care! Got it! Just go to hell and explain it all to Satan. " mapangbuska kong sabi saka itinulak siya palayo sakin.
" I like you! "
Napahinto ako sa paglakad na marinig ko yun.
" I like you Lexi... but I don't want to get you in such ways... I don't want my clan to decide for me. "
" But it's clear that they were deciding for you. " mahinahon kong sabi pero hindi na ako nagabala pa para harapin pa siya. " They were deciding for us... and you like me?... Tss! Drop it Nirvana, cause the feeling is not mutual... I don't like you. "