CHAPTER 16 - MAG - Their move
[ A/N ] Hi! Sobrang tagal ng UD? Sobrang busy kasi. Well, more comments sana pampagana .. Haha! Vote and comment guys :* Thank you sa pagsasayang ng oras sa pag babasa kila Lexi at Trey :P
[ Trey's POV ]
Tss! Nakakaasar naman!
Bakit wala siyang social accounts?!
Hindi ba uso sa kanya ang facebook, twitter at instagram?! Hindi ko tuloy siya ma-stalk!
Puro mukha nila Sheena, Kira at iba pa ang nakikita ko sa internet... Pero si Lexi... Wala!
Sa inis ko nilog-out ko na yung mga social accounts kong nakabukas.
Badtrip!
" Done searching somebody's account on facebook, twitter and instagram? "
Bigla akong napalingon ng may magsalita sa likuran ko.
Si Ms. Nimfa, nakacross-arms , nakataas ang kaliwang kilay at ang sama ng tingin niya sakin.
Wag niyang sabihin na kanina pa siya nakatambay sa likuran ko ng hindi ko namamalayan.
I took a quick look on everybody and they are all glaring at me as if I've done something stupid.
Oh fvck! I really did something stupid!
" Lexi Jane Ditture is a very private person, for sure she doesn't want to waste her time for those fvcking social accounts! " bulyaw sakin ni Ms. Nimfa na halos ikalubog ko na sa kinauupuan ko.
*********
" Seriously?! You're checking kung may social accounts si Lexi? " tanong ni Jastin nang makaupo na kami dito sa cafeteria.
Kanina pa niya sakin tinatanong yan, pero hindi ko parin masagot. Napapraning na ako... Bakit ba kasi naisipan kong isearch si Lexi sa mga social accounts ko? Sobrang napahiya tuloy ako sa klase kanina.
" Actually... I don't know why, siguro sobrang board lang ako kanina. " palusot ko nalang pero ang totoo... Araw-araw ng sumasanggi si Lexi sa isip ko.
I admit it, gusto ko na talaga si Lexi... I liked her for being her... Ibang-iba talaga yung palo sakin pag dating kay Lexi, ako mismo hindi ko maipaliwanag.
Kanina, nakasalubong namin siya, napatulala nalang ako at tanging pangalan nalang niya ang nasambit ko.
Suot-suot niya yung dress na binigay ko and she's God damn gorgeous! Kaso, palpak na naman ako sa kanya kanina... Nagalit siya samin ni Jastin dahil lang sa lintek na hindi namin pag-yuko sa harapan niya.
Hay! Lexi! Wala ka namang ginagawa para mapansin ko, pero bakit napapraning ako sayo.
" Hoy Trey! " sigaw ni Jastin kasama ang malakas na sampal sa mukha ko.
" Masakit yun ah! " inis kong sabi habang sapo-sapo yung pisngi ko.
" You want more?... This time I assure you this will going to be painful! " Jastin hissed then roll her eyes on me.
" Bakit ba kasi? " iritado kong sabi. Pwede naman kasi niya akong hampasin sa braso... Bakit sa mukha pa? Lagi na nga akong nababangasan dito, pati ba naman siya mukha ko parin ang puntirya.
" What's happening to you?! Kanina pa kita kinakausap pero wala kang kibo... Don't tell me, si Ditture ang dahil kung bakit ka lutang... May gusto ka ba sa kanya? ... Kasi tayo... Kahit ilang beses ka nang pumatong sakin... Kahit three times every night tayong nagse-sex before hindi ka-"