[ Trey's POV ]
Nagising ako sa loob ng isang malaking kwarto.
Nakahiga sa malaking kama at may nakaturok na suwero sa kamay ko.
Where am I? Anhg tanging natatandaan ko lang ay nagmamadali akong lumabas sa isang building at hinabol ng isang babaeng hindi ko naman kilala.
Yung katawan ko, Pakiramdam ko binugbog ako ng malalaking tao.
Yung kanang binti ko makirot pero kaya ko namang igalaw.
Pinilit kong bumangon para makaupo.
Para kasing ang tagal ko ng nakahiga.
Iginala ko ang mga mata ko sa buong kwarto.
Nasaan ba talaga ako?
Bigla nalang may pumasok na babae dito at nilock ang pinto.
Babaeng may straight at kulay blonde ang buhok. Matangkad, sexy at maputi, maganda pero ang kapal ng makeup lalo na yung nakalagay sa mata niya. Lalong tumapang ang aura niya dahil dun. Matapang yet seductive ang dating.
Ngayon ko lang siya nakita at hindi ko siya kilala.
Sino ang babaeng 'to?
Lumapit siya sakin at biglang sumampa sa kama. " Trey Hardey... Why are you here in Crossca? " sabi niya habang hinahalik-halikan ang leeg, mukha at labi ko.
" Wa-wait! " sabi ko saka hinawakan siya sa balikat at inilayo siya ng bahagya sakin. Hindi ko siya kilala tapos bigla nalang niya akong hahalikan. " Hindi kita kilala Miss "
Bigla nalang niya akong pwersahang inihiga.
She's now on top of me. Yung mahabang buhok niya sumasayad na sa mukha ko. Tinignan niya ako sa mga mata. Yung kamay niya parang nakapako sa magkabilang balikat ko.
Hindi ako makagalaw.
Parang lahat ng bigat niya ay nasa balikat ko na.
" Yun lang ba ang problema? " yumukod siya sa may gilid ng tenga ko, " E di magpapakilala ako " bulong niya " I-am Mi-ner-va... oh yan kilala mo na ko. " mapang-akit na sabi niya then she gently bite my earlobe and start kissing me again.
" Mi-Miss! A-ano ba?! Hi- " naputol na ang sasabihin ko ng bigla na naman niya akong halikan sa labi.
* BLAAAAAAGGG! *
Gusto kong tignan kung sino yung pumasok pero hindi ako makagalaw dahil sa babaeng 'to.
kahit na alam niyang may taong pumasok ay aktibo parin ang labi niya sa paghalik sa labi ko.
Naramdaman kong may ngiting gumuhit sa labi niya.
Bigla nalang siyang kumalas sa pagkakahalik sakin.
Agad akong napabangon dahil ang babaeng nasa ibabaw ko kanina lang ay nakasalampak na ngayon sa sahig at may dugo sa kanyang labi.
Sinapak lang naman siya ni...
Argh! Ni Lexi!
May babae ding nakatayo lang sa may gilid ng pinto. Natatandaan ko ang mukha niya. Siya yung babaeng humabol sakin.
Nasaan ba talaga ako?
" Hindi ka ba ginagalaw ni Nirvana kaya naghahanap ka ng mapaparausan mo?! " gigil na sabi ni Lexi. Bigla niyang dinakma yung buhok nung babaeng nakasalampak sa sahig para itayo. " Pag tinatanong ka matuto kang sumagot! "