Chapter 9 - MAG - The Mansion

602 20 16
                                    

[ Trey's POV ]

" Get in! " Lexi said.

Pumasok naman ako sa kotse gaya ng sabi niya. Hindi man lang niya ako pinagpalit ng damit.

Siya ang nagmaneho. Nakalabas na kami ng Crossca pero hindi ko alam kung saan kami pupunta.

" Where are we going? " I asked.

" Ssshh! Shut up for a while. I need to speak to someone. " She put one of the earphones on and pause for a while. May kinontact siya, kung sino? hindi ko alam. " Yo... Lexi... I need a Beretta M9... No,no, not to me... Send it to Dra. Delmendo... Yes... I'll deposit it to your account... Much better if ASAP... Good! "

Nakatingin lang ako sa kanya simula nung magsalita siya hanggang sa matapos yung tawag.

Nakakamangha siyang tignan habang nagsasalita. The way she speak, her tone and gestures, napakaprofessional.

Ang sabi niya kailangan niya ng Beretta M9. Baril yun ah.

" Now talk! " she said without breaking her eyes off the road.

" Where are we going? "

" We're going to my place. I told you, I'm going to teach you how to shoot. "

Tuturuan niya akong bumaril... Nakaramdam na naman ako ng excitement at the same time may kasama paring kaba.

Kinakabahan ako hindi dahil makakahawak na naman ako ng baril at baka magmintis na naman ako sa ikalawang pagkakataon. Hindi yun ang dahilan ko.

Kinakabahan ako dahil si Lexi ang magtuturo sakin. Baka kapag nawalan siya ng pasensya sakin ay mabaril niya ako.

Kinabig ni Lexi yung manibela at pumasok kami sa lugar na hindi ko alam kung saan papunta.

Maya-maya lang ay parang wala na kami sa sibilisasyon ng syudad.

Hindi na high-way yung dinadaanan namin.

Wala akong ibang makita sa lugar na to kundi puro puno lang. Parang pumasok kami sa isang gubat at simula ng lumiko siya dito, wala na kaming ibang kotse na nasasalubong.

" What place is this? " I asked. Gala ako at kung saan-saan ako nakakarating, but this place... is very new to me.

May ganitong lugar pa palang nageexist. Parang masyado na kasing tago kumpara sa ibang lugar na ganito ang itsura at parang wala ding tao na nakatira dito.

" This place is mine. " I looked at her and frowned. What does she mean it's her place? " Believe it or not, this place is mine! "

Itong parang gubat na 'to? Sa kanya?

Pagkabalik ko ng tingin ko sa daan napakunot na naman ako noo ko. May kulay itim at malaking gate akong nakita.

May gate sa gubat?

My eyes gets wider ng automatic na bumukas yung gate na para bang alam nito na dadating kami.

As we pass through it, e nilingon ko pa yung gate at unti-unti na 'tong sumasara.

What kind of place is this? Simula nung pumasok kami sa gate na yun, mas lumawak yung lugar at mas lalong dumami yung punong nakikita ko.

Lumingon akong muli para tignan yung gate pero wala na akong natatanaw. Malayo na kami pero wala parin akong nakikitang bahay.

" Malayo pa ba? " tanong ko.

Marrying a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon