[Fantasy's POV]
Na flash report ang pagsabog ng abandonadong building. Tatanga-tangang Markie taniman daw ba ng bomba.
E kung pinalinis nalang niya ang lugar sa mga alipores niya, e di sana hindi naibalita pa yun. Pero okay na din dahil walang ebidensya na natagpuan. Lahat naabo at yung mismong building gumuho. Hindi narin masama para kay Markie kaso hindi siya malinis gumawa.
Si Lexi naman hanggang ngayon hindi parin bumabalik sa Crossca. Nawala yung pag-aalala ko ng tumawag siya para sabihing maayos siya. Pero binabaan naman kami agad. Sira-ulo talaga. Mas kinamusta pa nga niya yung lagay ng aso niya dito.
Tinitigan ko si Trey na hanggang ngayon ay mahimbing parin ang tulog. Bente kwatro oras na siyang walang malay. Maswerte siya dahil hindi siya namatay. Nasobrahan siya ng turok ng droga, hindi namin alam kung anong klase ng droga ang itinurok sa kanya. Grabe yung itsura niya ng dalhin siya rito ni Markie. Bangag, ang putla ng balat, hindi makapagsalita, tuyot ang mga labi, mapupula ang mga mata. Yung mga kamay at braso niya may mga kulay ube nang pasa. Nanlaban siguro siya habang tinuturukan ng droga. May nakuha pa nga si Markie na putol na karayom na nakaturok pa sa kamay niya.
May ininject na antidote for drugs si Markie sa kanya, nilagyan din siya ng swero. Sa ngayon nakakakita naman kami ng pagbabago. Medyo sumigla na yung kulay niya. Pag nagising 'to for sure pagkain agad ang hahanapin nito.
Biglang bumukas yung pinto.
" Lexi's here. " sabi ni Markie.
Lumabas ako sa kwarto at natanaw mula sa ikatlong palapag ng Hell Empire ang papasok na Expedition ni Lexi sa gate ng Crossca.
Huminto ang kotse sa tapat ng Hell Empire. Bumaba si Lexi mula sa kotse at hinagis ang susi sa isa sa mga myembro namin. Sa tindig niya mukhang hindi siya nabaril.
Nakadikwatro akong nakaupo sa may bintana at si Markie naman prenteng-prenteng nakaupo sa puting couch. Parehas kaming nakatingin sa pinto at hinihintay na kumalabog ito pabukas.
* BOOOGSSHHHH *
Here she is. Ang babaeng hindi marunong magbukas ng maayos ng pinto.
" I guess we need a new door knob " sabi ko.
" You're right " sabi ni Markie.
Nilapitan ko siya upang yakapin ng mahigpit ng bigla siyang napaaray. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.
" Tsk! " sabi niya sabay patong ng kaliwang kamay niya sa kanang balikat niya. Nasa kanang balikat niya ang tama ng baril.
" I'm sorry! " sabi ko.
" It's ok " sabi niya at umupo sa puting couch sa tapat ni Markie, ako naman bumalik sa pagkakaupo sa bintana.
" I like your dress. Green checkered dress, I know that's not your color pero bagay sayo. San ka ba talaga nagpunta? " Bago pa niya sagutin ang tanong ko natuon ang atensyon namin ng may kumatok sa sirang pinto at pumasok ang isang babae na myembro namin, may dala siyang tray at inilapag iyon sa maliit na mesa sa tapat ni Lexi. Tsk! Black Coffee. Umatras ng dalawang hakbang yung babae sa gilid ni Lexi at yumuko.
" Your Black Coffe Miss. Anything you like Miss? " sabi nung babae. Winave lang ni Lexi ang kanang kamay niya. Tumingin sakin at kay Markie yung babae at yumukong muli. " Miss Fantasy, Sir Markie. Anything you like? " sabi niya
" We're fine " sagot ni Markie at umalis na yung babae. Myembro namin siya pero hindi ko siya kilala. Tss! Isa lang ang ibig sabihin nun hindi siya importante.