Prologue

8.1K 142 19
                                    

Ang Fallen wing ay isang sandatang nilikha gamit ang isang kaluluwa. Ito ay may kakayahang kumain ng kahit anung klaseng kaluluwa o elemento. May kakayahan din itong gumawa ng mga portal patungo sa ibang lugar o dereksyon at kaya rin nitong bumasa ng kaisipan ng isang nilalang. At ang mga nabanggit na abilidad ay karaniwang tinataglay ng mga mensahero ng dimonyo. Sila ay walang kakayanang makipaglaban ngunit naging malaking banta sila sa panig ng mga anghel at mga dimonyo. At nangyari ito dahil sa kagagawan ng taong may likha sa naturang sandata.

Nagtataglay ng samo’t-saring mga kapangyarihan ang Fallen wing at ito ay dahil sa nakain nitong mga anghel at mga dimonyo sa nakaraan. Ang mga bagong kaluluwang nakain nito ay nagiging panibago nitong lakas, ngunit mas malakas ang makukuha ng sandata kung makagagawa ito ng kontrata sa isang tao. Magtataglay kasi ng malaking kasalanan sa panginoon ang sinumang gagawa ng kontrata sa dimonyo. Ngunit may isang taong nakagawa ng isang kakaibang kontrata at dahil sa kontratang iyon ay nalikha niya ang nasabing sandata.

Sa ngayon ay walang nagtataglay ng makasalanang sandatang ito. At kung sinuman ang makakakuha sa sandatang ito ay ang siyang magpapatuloy ng mga naumpisaang tungkulin ng tunay na nagmamay-ari nito. At dito magsisimula ang kwento sa pagitan ng hidwaan ng mabuti at masama.

Fallen Wing: Ang makasalanang sandata [REMAKE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon