Kabanata XXIV: Gyera - labanan sa pagitan ng mga anghel at dimonyo. Part 2

493 27 0
                                    

Tatlong araw ang lumipas matapos mawala ni Gabriel sa bansang Nepal. Halos walang pahinga ang mga anghel, dahil na rin sa dami ng bilang ng mga dimonyo na lumalabas sa bawat nasirang mga lagusan. Halos hindi na ito mapigilan ng mga anghel, subalit maraming salamat sa mga tao dahil lakas loob silang tumulong upang makipaglaban. Ngunit gayumpaman ay mahirap para sa kanila na pigilan ang lahat ng mga dimonyo, kaya sa tulong ng mga matataas na anghel ay nagagawa nilang makatagal.

Sa ngayon ay gumawa ng hakbang ang mga archbishop at mabilis silang gumawa ng mga barrier na pansamantalang pipigil sa mga dimonyo na mapasok ang ilang mga bayan. Ang mga nagaganap na ito ay sensyales lang sa nalalapit na pagkawasak ng mundo. Halos lahat tuloy ng tao ay nagdarasal, para sa sarili nilang kapakanan. Halos punong-puno na din ng mga residente ang bawat simbahan, dahil batid nilang dito sila ligtas. Labis namang nagdiriwang ang mga tao na sinasamba ang mga dimonyo, dahil papalapit na ang araw na kanilang pinakahihintay.

Samantala, nananatili pa rin si Patrick sa Vatican at kahit gustuhin man niyang tumulong ay hindi niya ito magawa, dahil mismong si Maria na ang nagbabantay sa kaniya.

"*Tsk! Hanggang kailan mo ba ako ikukulong dito, saint Maria?" Tanong ni Patrick.

"Hindi kita kinukulong dito, Patrick. At tulad ng paulit-ulit kong sinasabi sayo, hindi pa ito ang tamang oras upang ikaw ay lumaban." Tugon ni Maria.

"At kailan naman ang tamang oras na yon?! Hanggang sa ngayon ay wala pa ring balita tungkol kay Gabriel!" Sambit muli ni Patrick.

"Ikinalulungkot ko, pero iniisip na'ming wala na siya at ang kaniyang hukbo." Sambit muli ni Maria.

Sa pagkakataong ito ay napadakot na lang si Patrick sa kaniyang kamao.

"Naisip ko na rin ang tungkol sa bagay na yan, pero umaasa pa rin akong buhay siya at nagtatago lang kung saan." Sambit muli ni Patrick.

"Sa ngayon ay ginagawa na na'min ang malawakang barrier na pipigil sa mga dimonyo na makatapak sa ilang mga bayan." Sambit muli ni Maria.

"Nabalitaan ko na rin ang tungkol dyan, pero alam kong hindi yon magtatagal. Sa oras na masira ang ilan pa sa mga lagusan ay natitiyak kong malaya ng magagawa nina Baal ang kanilang mga balak. At hindi lang sila, natitiyak kong gagawa na rin ng hakbang ang ilang mga kaagaw niya sa trono." Sambit muli ni Patrick.

"At yun ang bagay na hinihintay na'ming mangyari. At wag kang mag-alala sa mga lagusan. Kasalukuyan ng pinag-aaralan nina Arthur ang mabilisang pagsasara sa mga ito." Sambit muli ni Maria.

"*Tsk! Pero maraming masasawi sa oras na mangyari ang bagay na yon!" Sambit muli ni Patrick.

"Ngunit yun lang ang magandang pagkakataon upang matalo na'tin sila. Kung hindi lang sana humina ang aming taglay na kapangyarihan, hindi tayo mahihirapang labanan ang mga dimonyo." Sambit muli ni Maria.

"Humina?" Tanong ni Patrick.

"Hindi pa ito ang tamang oras upang malaman mo ang dahilan, kaya wag ka na sanang magtanong pa." Tugon ni Maria.

Sa mga sandaling ito ay napansin ni Patrick ang malungkot na ekspresyon sa mukha ni Maria, kaya hindi na siya muli pang nagsalita. Samantala, kasalukuyang naglalakad ang mga dating mag-aaral ni Patrick at patungo sila sa paborito nilang tambayan.

"Wala na tayong balita kay sir Pat." Sambit ni Jerome.

"Hindi na rin siya pumapasok at sabi ni miss. Grace ay nag-resign na daw siya." Sambit ni Larence.

Fallen Wing: Ang makasalanang sandata [REMAKE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon