Kabanata XXI: Nalalapit - Pagkawasak.

598 24 0
                                    

Mabilis dumaan ang mga araw at halos may dalawang linggo na ang lumipas. Hanggang sa ngayon ay wala pa rin balita tungkol sa kinaroroonan ni Ren. Pinaghahanap na rin siya ng alagad ng mga batas at ng simbahan. Labis na ang pag-aalala ng kaniyang ina at hindi niya alam ang tungkol dito, dahil balot pa rin ng mga negatibong emosyong kaniyang puso.

Samantala, patuloy pa rin si Patrick sa paghahanap sa kaniyang kaluluwa, batid niyang mahirap itong gawin dahil wala naman siya nito sa simula pa lang. Ngunit ito lang ang nakikita niyang paraan upang makalaban sa mga duke na siyang namumuno sa mga hukbo ng mga dimonyong nagbabanta na sumalakay sa kanilang mundo. Sa ngayon ay mag-isang siyang nakatayo sa puntod ni Eucy.

"Wag kang mag-alala Eucy, gagawa ako ng paraan upang mailigtas ko ang kaibigan mo. Dito man lang ay makabawi ako sayo." Sambit ni Patrick.

Matapos magsalita ay mabilis ng nilisan ni Patrick ang lugar at agad nang naglakad pabalik sa lugar kung saan sila pansamantalang ninirahan.

Makalipas ang ilang mga oras ay isang masamang balita ang dumating. Ang ikalawang lagusan ay nasira na at ang mga dimonyo ay mabilis na naglabasan dito. Mabilis ding naubos ang hukbong sandatahan ng simbahan, dahil isa sa mga duke ang namumuno sa kasalukuyang paglabas ng mga dimonyo.

"*Tsk! Masama ito!" Sambit ni Patrick derekta sa kaniyang isipan.

Ilang sandali pa ay mabilis nang naglaho si Patrick. Hindi naman ito inaasahan ng anghel na nag-ulat sa kaniya, kaya mabilis na rin itong umalis upang ipaalam ang nangyari sa mga nakakataas. Samantala, kasalukuyan na ngayong kumakalap ng impormasyon si Patrick, dahil hindi niya tukoy ang eksaktong lugar kung saan makikita ang ikalawang nasirang lagusan. Batid niyang hindi pa sapat ang kaniyang lakas sa ngayon, subalit malaki ang posibilidad na malaki ang makain niyang kapangyarihan, dahil na rin sa mga mahihinang dimonyo.

Hindi naman nagtagal ay agad niyang nalaman ang naturang lugar sa pamamagitan ng telebisyon. Tulad kasi ng kaniyang inaasahan ay agad itong ibabalita, kahit sa ibang bansa pa ito naganap.

"Nepal? *Tsk! Hindi na mahalaga kung saan pa ito! Ang mahalaga sa ngayon ay pigilan ang mga dimonyong yon!" Sambit ni Patrick.

Matapos magsalita ay agad nang umalis si Patrick gamit ang kaniyang kapangyarihan. At sa kaniyang pagdating ay kakila-kilabot na tanawin ang kaniyang nakita. Nagkalat kasi ang mga bangkay at halos lahat ng katawan ay hindi na kumpleto at wala na sa tama nitong itsura. Agad napadakot si Patrick sa kaniyang mga kamao at ilang sandali pa ay mabilis na niyang inilabas ang kaniyang fallen wing sa anyo ng kaluluwa ni Zeon. Ilang sandali pa ay mabilis niyang nilipon ang mga dimonyo na kaniyang nakita at kasabay na rin nito ang pagliligtas niya sa iba pang mga tao.

Tulad ng kaniyang inaasahan ay marami ang dimonyo ang naghahasik ng kasamaan at ramdam niya ngayon ang mabilis na pagtaas ng kaniyang ispirituwal na lakas, dahil na rin sa dami ng mga nakain niyang kaluluwa.

"Mag-iingat ka Patrick! Hindi maganda na kumain nang kumain ng mga dimonyo! Tandaan mo, ang nakukuha mong kapangyarihan mula sa kanila ay negatibo! Malaki ang posibilidad na ma-corrupt ka nila!"

"*Fufufu.. Wala kang dapat ikatakot Zeon! Nakalimutan mo na ba? Wala akong kaluluwa!" Nakangiting pagkakasambit ni Patrick.

Hindi na muli pang nagsalita si Zeon, ngunit labis pa rin siyang nababagabag. Batid niyang totoo ang mga sinabi ni Patrick, ngunit may bagay na hindi napapansin si Patrick tungkol sa kaniyang sarili.

Samantala, sa imperyo ng impyerno. Kasalukuyang pinanonood ng mga nakakataas ang kasalukuyang nangyayari sa bansa ng Nepal.

"*Fufufu.. Umaayon sa'ting mga plano ang lahat." Sambit ni Baal.

Fallen Wing: Ang makasalanang sandata [REMAKE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon