Kabanata XXVIII: Karimlan - Sa pagunaw ng pag-asa. Part 2

499 26 6
                                    

Sa mga sandaling ito ay patuloy ang paglabas ng mga dimonyo sa buong panig ng mundo. At halos tatlumpong porsyento ng buong populasyon ng mga tao ang nasawi, dahil na rin sa patuloy na pagsalakay ng mga ito sa bawat bansa. Ngunit sandaling nahinto ang pagsalakay ng mga ito at hindi matukoy ng mga tao ang dahilan kung bakit. Kasabay nito ay nakita ng mga anghel at ilang mga tao ang iregularidad na nangyayari sa mga dimonyo. Ang karamihan kasi sa mga ito ay naglalaban at halos hindi na binibigyang pansin ang mga tao, hanggang sa tuluyang makatakas ang mga ito. Ipinagpasalamat nila ito sa kanilang mga diyos, dahil inisip nilang nakarating na dito ang kanilang mga panalangin. Sa pagkakataong ito ay mas nadagdagan ang lakas ng mga anghel na nagmumula sa mga panalangin ng mga tao.

Samantala, mabilis na lumapit sina Dave at Hadriel kay Patrick, upang alalayan ito. Batid kasi nilang pinipilit lang nito ang kaniyang sarili, ngunit ang totoo ay halos hirap itong makatayo.

"Hindi maganda ang kondisyon mo ngayon, Patrick! Mabuti kung tumakas ka na at hayaan mo kaming makipaglaban sa kanila." Sambit ni Dave.

"Wag kang mag-alala, kaya kong lumaban. Kailangan ko lang ng ilang minuto para makapagpahinga." Sambit ni Patrick.

"Hindi ito maganda, papasugod na sila!" Sambit ni Hadriel.

"*Tsk!" Sambit muli ni Dave.

Sa pagkakataong ito ay wala ng pagpipilian pa sina Dave, kundi ang lumaban hanggang sa kanilang makakaya. Batid nilang maliit lang ang tyansa nilang mabuhay, ngunit sa kabila nito ay mas pinili nilang makipaglaban. Ilang sandali pa ay mabilis nilang hinarap ang mga papasugod na dimonyo, ngunit sa kanilang pag-atake ay may kakaiba silang naramdaman. Agad silang nagkatinginan ni Hadriel, dahil parehas silang nagtataka dito.

"Hindi ko alam ang nangyayari, pero lumalakas ang ispirituwal kong kapangyarihan." Sambit ni Dave.

"Gayun din ako!" Sambit ni Hadriel.

Napansin din ng mga anghel ang pagbabago sa kanilang mga lakas at ang kaninang sandatahan nilang unti-unti ng nauubos ay kasalukuyan na ngayong nakakalaban ng patas sa mga kalaban, kahit hindi na nadadagan ang kanilang bilang. Napansin na rin ng mga dimonyo ang pagbabagong ito sa mga anghel, kaya sandali silang huminto sa kanilang pagsugod.

"*Fufufu.. Mukhang nagkamali ako ng kalkulasyon. Ang inaasahan kong mababalot ng takot ay kasalukuyan pa ring buo ang pananampalataya. Ang mga tao talaga, hindi ko maunawaan ang takbo ng kanilang personalidad." Sambit ni Abaddon.

"*Fufufu.. Wag mong maliitin ang kakahayan ng mga tao, dahil sa tulong nila ay uubusin na'min kayong lahat." Sambit ni Patrick.

Matapos magsalita ay agad nang naghanda para sa pag-atake si Patrick. Agad nabalutan ng pulang liwanag ang kaniyang katawan, hanggang sa tuluyang bumalot ito sa kaniyang fallen wing.

"*Fufufu.. Kung ganon ay natutunan mo ng gamitin ang mga negatibong kapangyarihang nakakain mo." Sambit ni Abaddon.

Hindi tumugon si Patrick, bagkus ay ngumiti lang siya. Ilang sandali pa ay mabilis na siyang tumakbo, subalit sa kalagitnaan nito ay bigla na lang siyang nawala at kalaunan ay lumabas sa likuran ng mga dimonyo.

"** SOUL-BREAKER! **" Sigaw ni Patrick.

*** SFX: *Slash! VOOOOOOOOOOOOOOOOOSH! ***

Isang malakas na pag-atake ang pinakawalan ni Patrick, dahilan upang maubos ang mga mababang uri ng dimonyo. Labis namang nagulat sina Dave sa kanilang nasaksihan, dahil higit ang lakas ni Patrick, kumpara sa nakaraan. Subalit patuloy pa rin ang pagdating ng mga dimonyo, kaya hindi matatapos ang kanilang pakikipaglaban kung hindi nila maisasara ang nasirang lagusang nagko-kontekta sa mundo ng mga mortal at sa impyerno.

Fallen Wing: Ang makasalanang sandata [REMAKE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon