Kabanata XXXI: Bughaw na kalangitan - Ang panibagong araw. Part 2

954 27 27
                                    

Samantala, mapunta naman tayo kay Jude. Sa ngayon ay patuloy lang siya sa pag paslang ng mga dimonyong nasa pamumuno ni Paymon. Tinatayang may ilang minuto na niya itong ginagawa, ngunit tila wala itong katapusan, dahil binubuo ng dalawang daang hukbo ang pinamumunuan nito.

Hindi naman nag-aalala si Paymon tungkol kay Jude o sa pakay nito sa kaniya. At kahit batid niyang malakas ito ay iniisip niyang wala itong magagawa laban sa kaniya, dahil isa lamang itong hamak na fallen angel na naging susi, upang magbalik si Chris. Subalit ang hindi niya alam ay higit ang taglay nitong kapangyarihan kay Chris sa ngayon.

Sa mga sandaling ito ay patuloy lang siya sa paglakad at hinayaan ang kaniyang sandatahan ang humarap sa hindi inaasahang bisita. Ngunit ilang sandali pa ay napahinto siya at kalaunan ay napalingon sa lugar kung saan may nangyayaring paglalaban.

"*Hmm.. Mukhang walang pag-asa ang mga alagad ko laban sa kaniya." Sambit ni Paymon.

Matapos magsalita ay napangiti si Paymon at halos kasabay nito ay ang mabilis niyang pagtakbo patungo sa hindi imbitadong bisita, si Jude. Agad namang naramdaman ni Jude ang presensya ni Paymon at ang bagay na ito ay ang kanina pa niya hinihintay.

"Sa wakas!" Sambit ni Jude.

Sa pagkakataong ito ay mabilis na sumugod si Jude sa pasugod ding si Paymon. Ngunit hindi tulad kanina ay mas malakas na ang presensya na kaniyang pinakakawalan at ang bagay na ito ay labis na gumulat kay Paymon.

*** SFX: BOOOOOOOOOOOM! ***

Isang malakas na pagsabog ang yumanig, matapos magkasalubong ang dalawa. At sa tindi ng lakas nito ay mabilis nabura ang mga dimonyo sa paligid. Samantala, mabilis na tumalsik si Paymon at kalaunan ay sunod-sunod siyang tumagos sa mga gusali kung saan siya malakas na tumama. Hindi inaasahan ni Paymon ang taglay na lakas at kapangyarihan ng fallen angel na labis niyang minaliit. Hindi niya lubos akalain na magtataglay ito ng higit na kapangyarihan, kumpara sa kaniya.

"*Fufu.. Kung ganon ay itinatago lang pala niya ang kaniyang lakas. Hindi ko nakita ang plano mong ito, Chris. Pero papaano nagkamit ng ganitong kalakas na kapangyarihan ang taksil na anghel na 'yon?" Sambit ni Paymon.

Sa pagkakataong ito ay marahang bumangon si Paymon, ngunit kapansin-pansin ang malaking pinsalang kaniyang natamo sa natanggap na pag-atake. Hindi naman nagtagal ay napagtagumpayan niya ang kaniyang pagtayo, subalit hindi niya ito kayang mapanatili, kaya napasandal siya sa malaking pader kung saan siya huling tumama. At mula dito ay pinanood niya ang mabagal na paglapit ni Jude sa kaniya, habang pinapaslang ang kaniyang hukbo na nakaharang sa dinadaanan nito. Samantala, mabilis namang sinalakay ng iba pang dimonyo si Jude, ngunit ang bawat isa sa mga ito ay mabilis lang na nasusunog, bago pa tuluyang makalapit sa kaninya.

Ilang minuto pa ang lumipas ay tuluyan ng narating ni Jude si Paymon. Sa pagkakataong ito ay ilang hakbang na lang ang layo nila sa isa't-isa, ngunit kapansin-pansin na hindi pa rin nakakabawi ng kaniyang lakas si Paymon.

"*Fufu.. Hindi ko inaasahan na magiging ganito kalakas ang isang fallen angel." Sambit ni Paymon.

"Nagkakamali ka, dahil sa simula pa lang ay ganito na ako kalakas." Tugon ni Jude.

Mapunta naman tayo kay Ren. Sa ngayon ay halos naubos na niya ang mga dimonyo at ang mga namumuno sa mga ito sa lahat ng bansang may nasirang lagusan. Hindi naman maunawaan ng mga anghel at mga tao ang tunay na pakay nito, dahil inakala nila na sila na ang isusunod, matapos nitong maubos ang mga dimonyo. Subalit hindi ito nangyari, dahil mabilis itong naglaho matapos mawala ang bumababalot ditong pulang liwanag. At kahit hindi maunawaan ng mga archangel ang tunay na motibo ni Chris ay hindi nila sinayang ang pagkakataong ito at dali-dali na nilang isinara ang lagusan.

Fallen Wing: Ang makasalanang sandata [REMAKE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon