Kabanata XXX: Bughaw na kalangitan - Ang panibagong araw.

533 17 5
                                    

Disyembre 19, 2021. Sa mga sandaling ito ay kasalukuyang nag-aayos ng kaniyang mga gamit si Patrick sa kaniyang pansalamantalang tinutuluyan sa Malolos, Bulacan. Ngayon kasi siya uuwi sa tagaytay para makasama ang kaniyang pamilya.

"Yari ako nito kay Elaine sa oras na gabihin ako ng uwi! Miss na miss ko na din si Eucy." Sambit ni Patrick.

Patuloy lang sa kaniyang pag-aayos si Patrick, hanggang sa ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas na siya ng bahay, dala ang kaniyang mga gamit. Matapos nito ay agad niyang kininandado ang pinto at kalaunan ay nagtungo sa kalasda upang dito na mag-abang ng masasakyan. Halos malapit ng mag-alas kwatro at tinatayang mula malolos ay aabutin ng apat hanggang limang oras, bago siya makauwi sa tagaytay.

Ilang sandali pa ay sumakay na siya sa isang jeep at kalaunan ay bumama sa may kapitolyo, upang dito naman mag-abang ng bus patungong QC. Ngunit sa kaniyang pag-aabang ay may hindi inaasahang tao siyang nakita. Agad din naman siyang napansin nito at kalaunan ay mabilis siyang nilapitan.

"Sir Pat!" Sambit ni Ericka.

"Ikaw pala, Ericka! Ang tagal nating hindi nagkita ah. Kamusta? Nagkikita-kita pa ba kayong magkakaibigan?" Sambit ni Patrick.

"*Uhm! Siguro po ay twice a month ay gumigimik kami. By the way sir, malapit ng ikasal si Larence. At ang akala po naming ay umalis na kayo sa BulSU, dito pa rin po pala kayo?" Sambit muli ni Ericka.

"Oo eh.. Sa totoo lang ay malapit sa puso ko itong bulacan. Siguro ay dahil dito sa bulacan ipinanganak si Chris." Sambit muli ni Patrick.

"Uy sir! Akin na po ang number mo! Tyak matutuwa si Larence kung bigla ka na lang magpapakita sa kasal niya. Sa totoo lang ay matagal na kaming naghahanap ng info tungkol sa inyo, pero hindi ko akalain na dito pa rin po pala kayo sa BulSU nagta-trabaho." Sambit muli ni Ericka.

"Mukhang gagawin mo pa akong gate crasher ah! Pero masaya akong makita kayong nasa magandang kalagayan." Sambit muli ni Patrick.

"3 years ago na po 'yun sir! At isa pa ay maayos na ang lahat ngayon, kaya wag na po kayong mag-alala pa." Sambit muli ni Ericka.

Napangiti na lang si Patrick at ilang sandali pa ay nagpalitan na sila ng number. Matapos nito ay sandali pa silang nag-usap, hanggang sa may dumaan ng bus patungong QC. Maayos naman silang nagpaalam sa isa't-isa at nangakong magkikitang muli.

Sa muling pag-usad ng bus ay agad siyang nakinig ng music, gamit ang kaniyang smart phone. At sa mga sandaling ito ay bigla niyang naalala ang nangyari, tatlong taon na ang nakakaraan.

"Sir Hadriel! Sa tindi po ng nangyayaring paglalaban ng dalawang 'yon! Posible pong masira nila ang buong Vatican!" Sambit ng isang anghel.

Batid naman nina Hadriel ang bagay na ito, subalit sa ngayon ay wala pa silang kakahayang pigilan ang nagaganap na paglalaban sa pagitan nina Baal at Abbadon.

"*Tsk! Matagal pa ba bago maisara ang lagusan?" Tanong ni Hadriel.

"Tinatayang ilang minuto na lang ay tuluyan na naming maisasara ang lagusan." Tugon ng isa sa mga Inquisitor.

"Kung ganon ay i-alerto nyo ang inyong mga sarili, dahil prioridad natin ang pagsara sa lagusan. Matapos nito ay haharapin na natin ang mga kalaban." Sambit muli ni Hadriel.

Mabilis na tumugon ang mga anghel at kalaunan ay hindi na muli pang nagsalita. Sa ngayon ay pataas ng pataas ang kanilang kapangyarihan at hindi nila alam ang dahilan kung bakit. Samantala, tila bagot na si Chris sa panonood sa nagaganap na laban sa pagitan nina Abaddon at Baal. Pansin naman ito ni Jude, kaya agad na itong nagsalita.

Fallen Wing: Ang makasalanang sandata [REMAKE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon