Kabanata XXVI: Paghaharap - Sa nalalapit na pagkawasak. Part 2

458 20 0
                                    

Dalawang linggo ang mabilis na lumipas at hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay si Patrick na nasa pangangalaga muli ng Vatican. Sa mga sandaling ito ay kasalukuyang nagpupulong sa Sistine Chapel sina Maria, mga archanghel at ilang may mataas na katungkulan sa hanay ng katoliko.

"Wala pa rin po bang pagbabago kay Patrick, saint Maria?" Tanong ni Dave.

"Sa ngayon ay wala pa ring senyales na magkakamalay siya, ngunit nanatili pa ring lumalaban ang kaniyang kaluluwa sa kapangyarihang bumabalot sa buo niyang pagkatao." Tugon ni Maria.

"*Tsk! Dahil maraming dimonyo ang nakain niya ay wala tayong magawa upang siya ay tulungan. Pero mabuti na lang at nagawa siyang iligtas ni Gabriel." Sambit ni Arthur.

"Mapalad tayo, dahil nagbalik sa'tin si Gabriel ng ligtas. Higit pa rito ay nagawa niyang mailigtas si Patrick sa kamay ng mga kalaban. Sa ngayon ay medyo na panatag ang aking kalooban, dahil hindi nagtagumpay ang mga dimonyo sa binabalak nila." Sambit muli ni Maria.

"Patawad po saint Maria kung hindi ko mang nagawang mag-ulat. Alam kong naging makasarili ang aking naging pasya. Subalit ginawa ko ito upang isipin ng mga kalaban na tuluyan na akong napaslang ni Aguares. Ginamit ko na rin ang pagkakataong ito upang mabantayan ang mga kilos ni Balan na hindi ko sinasadyang makita sa bayan ng bulacan sa bansang pilipinas." Sambit ni Gabriel.

"Pero ang mga batang pilit iniligtas ni Patrick? Dadalin na rin ba na'tin sila dito, upang hindi na muling maulit pa ang ganong klaseng pangyayari?" Tanong ni Hadriel.

"Sa ngayon ay palihim silang binabantayan ng ilan sa'ting mga anghel at may barrier na ring pumapalibot sa buong ospital kung saan sila kasalukuyang nagpapagaling." Sambit ni Michael.

"Kung ganon ay natitiyak kong hindi na sila muling gagamitin pa ni Balan, dahil binabatayan na na'tin sila." Sambit muli ni Maria.

"Subalit patuloy pa rin ang pagsalakay ng mga dimonyo na lumalabas sa mga nasirang lagusan. Hindi pa rin tayo nagkakaroon ng pagkakataong maisara ang mga nasirang lagusan." Sambit ni Dave.

"Tungkol sa bagay na yan ay malapit na na'ming matapos ang bagong dasal na magsasara sa mga lagusan. Subalit nangangamba ako na baka mahuli na ang lahat, dahil nasa kamay pa rin ng mga dimonyo ang fallen wing." Sambit ni Arthur.

"Lahat tayo ay nangangamba, subalit patuloy tayong lalaban para sa mga tao. Nakataya sa'tin ang kanilang kaligtasan, kaya hindi dapat tayo panghinaan ng loob." Sambit ni Maria.

"Patawad po, saint Maria." Sambit muli ni Arthur.

Sandali pa silang nag-usap at halos patungkol ito sa gagawin nilang hakbang laban sa mga dimonyo. Samantala, kasalukuyan ngayon binabantayan nina Elaine si Patrick sa pansamantala nilang tinutuluyan na sakop din ng simbahan ng Vatican.

"Almost 2 weeks na ng magkaganito si kuya, pero hanggang sa ngayon ay hindi pa rin siya nagigising." Sambit ni Ellyse.

"Magdasal na lang tayo na sana ay magising na siya." Sambit ni Claire.

"Kailan kaya matatapos ang labang ito! Sana naman po ay matalo na nila ang mga demons, para makabalik na tayo sa dati na'ting buhay!" Sambit muli ni Ellyse.

"Narinig mo ba ang sinabi ni Ellyse? Gumising ka na dyan Papa at tapusin mo na ang labang ito!" Sambit ni Elaine.

Samantala, sa City of damned kung saan nananatili si Abaddon at ang kaniyang mga tapat na alagad. Isang familiar ang nagdala ng mensahe kay Abaddon.

Fallen Wing: Ang makasalanang sandata [REMAKE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon