Kabanata XVI: Baal - ang muling pagtatagpo.

617 23 0
                                    

Sa mga sandaling ito ay nananatili sa kaniyang kinatatayuan si Andrew, pati na rin ang kaniyang mga magulang na kasalukuyan ngayong nanunuod. Napalunok na lang siya dahil unti-unti na siyang kinakain ng takot. Isa-isa na ding nagbabalikan sa kaniyang mga alala ang mapapait na sinapit nila sa kamay ni Eucy na posibleng mauulit na naman ngayon.

 

"Bakit bigla kang natahimik? Nasaan na yung tapang mo kanina?" Nakangiting pagkakasambit ni Eucy.

Napaatras nang ilang mga hakbang si Andrew matapos marinig ang mga sinabi ni Eucy. Subalit ilang sandali pa ay agad nabasag ang takot na ito, matapos magsalita ang kaniyang mga magulang.

 

"Anak! Wag kang matakot sa dimonyong yan! Alam kong kaya mo siyang talunin." Sigaw ni Matilda.

 

"Ipaghiganti mo kami at bawiin mo ang ating mga kaluluwa sa dimonyong babaeng yan!" Sigaw ni Gardo.

Sa pagkakataong ito ay lumakas ang loob ni Andrew na agad namang napansin ni Eucy.

 

"Mukha yatang nakakuha ka nang tapang sa mga sinabi ng mga magulang mo? *Fufufu.. Ngayon naaalala ko tuloy kung gaano ako naging kasama ng mga oras na yon at pakiramdam ko ay parang ganito ang nararamdaman ko noon!" Nakangiting pagkakasambit ni Eucy.

Biglang natahimik ang mag-asawa matapos marinig ang sinabi ni Eucy. Hindi naman ito napansin ng kanilang anak, dahil nakatuon ang atensyon nito sa pinsan.

 

"*Tsk! Hinding-hindi ko na hahayaan pang maulit ang ginawa mo sa'min dati, kaya tatapusin ko na ang kasamaan mo ngayon!" Sigaw ni Andrew.

Matapos magsalita ay mabilis nang sumugod si Andrew, habang si Eucy ay nananantili sa kaniyang pwesto at nakangiting pinanonood ang pasugod ng pinsan sa kaniya.

 

"Tanggapin mo 'tong kamao ko!" Sigaw muli ni Andrew.

Halos ilang pulgada na lang ay tatama na ang kamao ni Andrew kay Eucy, subalit laking gulat niya matapos biglang mawala ito sa kaniyang harapan.

*** SFX: WOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOSH ***

 

"Nawala siya?!" Sambit ni Andrew derekta sa kaniyang isipan.

Matapos ng ginawang pag-atake ay napatalon siya paatras at sandaling napahinto. Batid niyang dapat tumama ang kaniyang suntok, subalit batid rin niya ang dahilan sa biglaang pagkawala ni Eucy.

"Sayang at hindi umabot sa kaniya ang suntok ko!" Sambit ni Andrew derekta sa kaniyang isipang.

 

""Sayang at hindi umabot sa kaniya ang suntok ko!" *Hahaha! Nakakatawa ang sinabi mo sa sarili mo. *Hmm.. Siguro oras na para muli kong ipaalala sa inyo kung sino na ako ngayon." Nakangiting pagkakasambit ni Eucy.

Napadakot na lang ng kaniyang mga kamao si Andrew at ilang sandali pa ay muling sumugod. Ngunit sa kalagitnaan ng kaniyang pagsugod ay biglang nagsalita si Eucy, dahilan upang mapahinto siya.

Fallen Wing: Ang makasalanang sandata [REMAKE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon