Kabanata X : Ang taong walang kaluluwa - Patrick Lacas. Part II

1.6K 38 3
                                    

Matapos maayos ni Patrick ang lahat ay naghanda na ito upang umalis. Samantala, hindi kalayuan sa kaniyang tinutuluyan ay may isang tao ang lihim na nag mamasid sa kaniya.

 

"*Fufufu.. Hindi man lang ako mahihirapan nito." Sambit ng isang lalaki.

*** SFX : Wooooooooooooooooooooosh! ***

Matapos magsalita ay mabilis naglaho ang lalaki at ang pangyayaring ito ay tila naramdaman ng dimonyong kasalukuyang nasa katawan ni Patrick.

"Huh?"

"Bakit Zeon?" Sambit ni Patrick.

 

"Parang may naramdaman akong kakaiba hindi kalayuan sa'tin, pero nawala na agad ito."

 

"Parang lang naman eh, kaya wag ka ng mag-isip ng kung ano-ano." Sambit muli ni Patrick.

 

"Pero mag-iingat ka pa rin. Hindi na'tin tiyak kung kailan susugod ang mga kalaban."

 

"Alam ko na ang tungkol dyan kaya hindi mo na ako kailangan pang paalalahan." Sambit muli ni Patrick.

 

"Mabuti naman kung ganon."

Ilang sandali pa ay lumikha na ng isang portal si Patrick at kalaunan ay pumasok siya dito.

 

*** SFX : Wooooooooooooot ***

Sa ngayon ay nakarating na siya sa baclaran. Wala namang nakapansin sa kaniya dahil sa dami ng taong naroroon. Agad siyang sumabay sa daloy ng mga tao at naglakad patungo sa sakayan patungong tagaytay. Subalit labis namang nagtataka ang dimonyo sa loob niya, dahil hindi pa sila dumiretso sa bahay nito sa tagaytay.

 

"Bakit hindi ka pa dumiretso sa mismong bahay nyo sa tagaytay?"

"Syempre, magtataka ang misis ko kapag maaga akong nakauwi. Alam mo namang ayaw na ayaw nun na ginagamit ko pa ang kapangyarihan mo dahil nga masyado itong mapanganib para sa'kin." Sambit ni Patrick.

 

"Ikaw ang bahala."

Nagpatuloy lang sa paglalakad si Patrick, ngunit ilang mga minuto pa ang lumipas ay bigla siyang napahinto matapos siyang balaan ng dimonyong nasa loob niya.

 

"Maging alisto ka, Patrick. May nararamdaman akong malakas na aura sa paligid. Mukhang hindi nga guni-guni ang naramdaman ko kanina."

"*Tsk! Mukhang tama ka nga. Nararamdaman ko din siya, pero hindi siya ganun kalakas katulad ng nakasagupa ni Luke sa bora." Sambit ni Patrick derekta sa kaniyang isipan.

 

"Natitiyak kong ikaw talaga ang pakay niya, kaya mag-iingat ka."

 

Fallen Wing: Ang makasalanang sandata [REMAKE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon