Kabanata XVII: Sagupaan - Laban sa pagitang ng kabutihan at kasamaan.

627 20 2
                                    

Muli ay nagkaharap sina Eucy at Kenneth at sa pagkakataong ito ay binabalak na nilang tapusin ang hidwaan sa pagitan nilang dalawa.

"*Fufufu.. Sa wakas. Nagkita muli tayo, Baal!" Sambit ni Eucy.

"*Fufufu.. Masaya akong makita kang muli, Eucy." Sambit ni Kenneth.

Ilang sandali pa ay mabilis na tumalon papalayo si Eucy. Batid kasi niya ang lakas ng kaniyang kalaban, kaya sa pagkakataong ito ay kinakailangan niyang mag-iingat.

"Kenneth, tulungan mo ang mga magulang ko.." Sambit ni Andrew.

Agad napatingin si Kenneth sa kaibigan, matapos niya itong marinig. Sa pagkakataong ito ay makikita ang pagkadismaya sa kaniyang mukha, dahil hindi nagawa ni Andrew ang kaniyang inaasahan.

"Ang totoo nyan, nagsisisi ako at binigyan pa kita ng kapangyarihan. Dahil hindi mo man lang nagawa ang trabaho mo, kaya ngayon ay hindi na kita kailangan!" Tugon ni Kenneth.

Matapos magsalita ay mabilis nilapitan ni Kenneth si Andrew at matapos nito ay agad niya itong sinakal. Samantala, kahit labis na nagtamo ng pinsala si Andrew ay nagawa pa nitong pumiglas, subalit wala na rin siyang nagawa matapos higupin ni Kenneth ang kapangyarihang ibinigay sa kaniya.

Ilang sandali pa ay nawalan na ng malay si Andrew. At dahil tapos na si Kenneth dito ay malakas niya itong inihagis patungo sa lugar kung nasaan ang mga magulang nito.

"Katulad ng inaasahan ko, isa ka talagang dimonyo." Sambit ni Eucy.

"*Gurahahaha! Matagal ko nang hinintay ang pagkakataong makaganti sayo, Eucy!" Sambit ni Kenneth.

Matapos magsalita ay mabilis na sumugod si Kenneth. Samantala, mabilis na nilabas ni Eucy ang kaniyang fallen wing at mabilis niya itong ipinang-atake sa palusob na kalaban.

*** SFX: *Slaaaaash! ***

Biglang naalerto si Kenneth at dahil dito ay nagawa niyang maiwasan ang mabilis na pag-atake ni Eucy sa kaniya. Subalit hindi niya ito lubusang naiwasan, kaya bahagya siyang nasugatan sa kaniyang balikat. Matapos nito ay agad siyang napatalon paatras at kalaunan ay nakangiting nagsalita.

"*Fufufufu! Binabawi ko na ang mga sinabi ko sayo, Andrew! Nagawa mo ng mabuti ang iyong trabaho! *Fuwahahaha! Ang Fallen wing! *Kukuku.. Hindi ko aakalain ikaw pala ang may hawak ngayon nito, Eucy!" Sambit muli ni Kenneth.

"Pasensya ka na kung itinago ko man ito sayo, medyo lumaki kasi ang ulo ko dahil akala ko ay makakaya ko kayong taluning lahat, kahit 15% lang ng fallen wing ang gamitin ko." Sambit ni Eucy.

Hindi naman nagsayang ng sandali si Eucy at ilang sandali pa ay mabilis na siyang gumawa ng portal sa kaniyang harapan at kalaunan ay mabilis na pumasok dito. Lumabas siya sa harapan ni Kenneth at halos kasabay nito ay ang pagpapakawala niya ng malakas na pag-atake.

*** SFX: Psssssssssstt BOOOOOOOOOOOM! ***

Nakagawa nang makapal na usok ang ginawag pag-atake ni Eucy, subalit mabilis ding itong nawala matapos bumwelo ni Kenneth para sa isang pag-atake. Agad naalerto si Eucy, kaya dali-dali siyang gumawa ng portal sa kaniyang likuran at kalaunan ay mabilis siyang tumalon paatras.

*** SFX: Psssssssssstt BOOOOOOOOOOOM! ***

Muli ay lumikha at kumalat ang makapal na usok at dahil ito sa pinakawalang pag-atake ni Kenneth. Sa ngayon ay may ilang hakbang lang ang layo niya sa lugar kung nasaan si Kenneth. Batid niya na tinamaan niya ito, subalit labis siyang nagtataka dahil tila hindi man lang ito naapektuhan sa ginawa niyang pag-atake.

Fallen Wing: Ang makasalanang sandata [REMAKE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon