Kabanata II: Ang pagtatagpo - Si Eucy at ang makasalanang sandata.

2.6K 72 7
                                    

Kinabukasan, nag-apila na ng reklamo si Matilda sa pinakamalapit na istasyon ng pulis sa kanilang lugar at laban ito sa kaniyang pamangkin, si Eucy. Ngunit wala silang kaalam-alam na si Eucy ay kasalukuyan ng nakalipad patungong boracay. Hindi naman nagtagal ang pag-aapila ni Matilda ng kaso, kaya ilang minuto lang ang kaniyang itinagal sa loob ng istasyon. Sa paglabas ay nakita niya ang kaibigan ng pamangkin, si Ren. Hinila niya ito papalayo sa istasyon at dinala sa isang sulok upang doon kausapin.

“Hoy! Na saan ang magaling mong kaibigan? Siguro magsusumbong ka sa mga pulis, kaya papunta ka doon no? Sabihin mo kung na saan ang magaling mong kaibigan! SABIHIN MO!!” Malakas na pagkakasambit ni Matilda.

Nabigla si Ren sa kaniyang mga narinig, ngunit ilang sandali pa ay ipinaliwanag niya ang dahilan kung bakit siya patungo sa istasyon ng pulis.

“Hindi ko po alam kung na saan si Eucy. At hindi ko po balak mag sumbong sa mga pulis. Ang totoo nga po ay magpapatulong ako sa kanila na hanapin si Eucy, dahil kahapon ko pa po siya hinahanap.” Tugon ni Ren.

“Siguraduhin mo lang na nagsasabi ka sa akin ng totoo, dahil kapag nalaman kong nagsisinungaling ka at itinatago mo lang ‘tong si Eucy. Humanda ka't malilintikan ka sa’kin. Pati mga magulang mo ay idadamay ko, kaya sige at umuwi kana dahil nag file na ko ng kaso sa mga pulis para hanapin ang magaling mong kaibigan.” Sambit muli ni Matilda.

Gustuhin mang magalit ni Ren kay Matilda ay hindi niya magawa, bagkus ay tiniis na lang niya ito. Batid kasi niya ang piligrong idudulot ng anumang hindi magandang hakbang na gagawin niya laban dito. At baka ito ay magdulot ng kapahamakan sa kaniyang pamilya, kaya tahimik na lang itong naglakad pabalik at hiniling na lang sa panginoon ang kaligtasan ng kaibigan.

Samantala, kahapon ay gabi ng nakarating si Eucy sa airport ng caticlan sa boracay, kaya minabuti nitong dito na magpalipas ng gabi at sa umaga na lang gawin ang mga plano.

“Eucy! Sandaling panahon na lang at magkikita na tayo! Sandaling panahon na lang, Eucy.”

“Miss! Miss! Gising na po! Umaga na!” Sambit ng isang lalaki.

Umaga na ng imulat ni Eucy ang kaniyang mga mata at salamat sa Janitor dahil ginising siya nito. Muli ay narinig na naman niya ang tinig na yon sa kaniyang panaginip. Ilang sandali pa ay bumangon na siya at matapos noon ay sandali siyang nagmasid sa kaniyang paligid.

Sa ngayon ay inalam muna niya kung hindi siya napagnakawan, dahil wala naman siyang dalang mga bagahe at tanging ilang mga bagay lang ang kaniyang dala na nasa loob ngayon ng isang maliit na bag. Laking pasasalamat niya, dahil mukhang walang nagsamantala sa kaniya habang siya ay natutulog. Ilang sandali pa ay tumayo na siya at kalaunan ay nagsimulang maglakad. Sa ngayon ay naghahanap siya ng maaaring makainan at matapos niyang kumain ay agad na siyang magtutungo sa lugar kung saan niya makikita ang naiwang sandata ng nasawing anghel.

Sa kaniyang paglalakad ay nakakita siya ng isang Pay phone both. Agad sumagi sa kaniyang isipan ang kaibigan, dahil posibleng alam na noon ang nangyari at nag-alala na ito para sa kaniyang kalagayan. Matapos maalala si Ren ay nagdisisyon siyang sa oras na siya ay makakain ay tatawagan na niya ito upang ipaalam ang kaniyang mga binabalak na gawin.

Fallen Wing: Ang makasalanang sandata [REMAKE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon