Kabanata XXII: Nalalapit - Pagkawasak. Part 2

522 24 4
                                    

Isang linggo pa ang lumipas buhat ng nangyari sa bansang Nepal. Sa ngayon ay napagtagumpayan nang mga anghel na mai-sarado ang nasirang lagusan sa pilipinas. Samantala, nananatili pa ring bukas ang nasirang lagusan sa may Nepal. Hindi pa rin humuhupa ang labanan sa naturang lugar, dahil patuloy sa paglabas ang mga dimonyo. Wala ring balita sina Patrick tungkol sa kinaroroonan ni Ren ngayon at batid niyang patuloy itong ginagamit ng mga dimonyo, upang maisakatuparan nila ang kanilang mga plano.

Mapunta tayo sa imperyo sa impyerno. Kasalukuyang nag-uusap sina Baal sa kaniyang pandemonium, kasama ang mga matataas na dimonyo na kaniyang nasasakupan.

"Halos dalawang linggo na, ngunit wala pa ring balita tungkol kay Astaroth." Sambit ni Oriax.

"Hindi kaya natalo na siya ng mga anghel?" Tanong ni Raum.

"Malakas si Astaroth at hindi siya basta-basta matatalo. At isa pa ay malalaman na'tin kung may nakalaban siyang mga anghel, dahil agad niyang ipapadala ang kaniyang familiar dito." Sambit ni Abigor.

"Papaano kung sa isang iglap lang ay natapos na ang kaniyang buhay at dahil don ay hindi na niya nagawa pang magpadala ng mensahe?" Sambit ni Balan.

Sandaling natahimik ang lahat at kalaunan ay napatingin kay Balan.

"Imposible! At sino naman ay may kakayahang gawin ang bagay na yon? Ang katawan ni Chris?" Sambit ni Aguares.

"Imposibleng magawa ng katawan ni Chris ang bagay na yon at isa pa ay malubha siyang napinsala nung magharap sila ni Astaroth." Sambit ni Malphas.

"Kung ganon ay isa lang ang posibilidad na naiisip ko." Sambit ni Baal.

Sa pagkakataong ito ay agad napalingon ang lahat kay Baal.

"Ano po ang bagay na yon, panginoon?" Tanong ni Alocer.

"Isang dimonyo na higit ang lakas kay Astaroth ang tumapos sa kaniya. Ito lang ang posibilidad na nangyari sa kaniya ngayon, dahil patuloy siyang nawawala." Sambit muli ni Baal.

"*Tsk! Kung ganon ay nasisimula ng kumilos si Abaddon?" Tanong ni Oriax.

"Malaki din ang posibilidad na si Buer ang may gawa nito." Sambit ni Paymon.

"Hindi ito maganda, dapat gumawa na tayo na mga hakbang upang tayo ang maghari." Sambit ni Raum.

"*Fufufu.. Wag kayong mabahala, ako na ang bahala sa kanila." Sambit ni Baal.

Samantala, minabuti ni Patrick na magsanay habang nananatili siya sa Vatican. Katuwang niya dito ang mga anghel na sina Dave at Michael.

"Masasabi kong naibalik mo na ang senses mo pagdating sa pakikipaglaban." Sambit ni Michael.

"Pero hindi pa rin sapat ang kapangyarihan ko para talunin sila." Sambit ni Patrick.

"Wag mo munang isipin ang bagay na yan. Matagumpay nang naisara ang nasirang lagusan sa iyong bansa at hindi rin magtatagal ay maisasara din ang nasirang lagusan sa bansang Nepal." Sambit ni Dave.

"Sang-ayon ako kay Dave. Mas makakabuti kung manatili ka dito, kasama ng mga mahal mo sa buhay." Sambit muli ni Michael.

Sandaling natahimik si Patrick kasabay ng kaniyang pag-yuko.

"Ang batang si Ren? May balita na ba kayo kung nasaan siya?" Tanong ni Patrick.

"Sa ngayon ay wala pa, pero ginagawa na'min ang lahat para malaman kung nasaan sila." Tugon ni Michael.

"*Tsk! Dapat mahanap na agad ang batang yon, bago pa niya mabuksan ang ibang mga lagusan." Sambit muli ni Dave.

"May mga nagbabantay naman na bawat lagusan, diba?" Tanong muli ni Patrick.

Fallen Wing: Ang makasalanang sandata [REMAKE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon