Kabanata XXV: Paghaharap - Sa nalalapit na pagkawasak

470 24 9
                                    

Palaki ng palaki ang lugar na nasisira ng mga dimonyo at sobra na itong nakakaalarma. At dahil sa mga kaganapang ito ay personal na ring tumutulong ang mga tao sa pagbabantay ng iba pang mga lagusan sa kani-kanilang mga bansa. Gagawin nila ito hanggang sa tuluyang mai-sara ang mga nasirang lagusan at makasiguro na tapos na ang lahat.

Samantala, binuksan na ng ilang mga bansa ang kanilang lupain sa mga gustong lumikas sa mga bansang kasalukuyang sinasalakay ng mga dimonyo. Halos ang ilang mga bayan ay ghost town na, dahil nilisan na ito ng mga naninirahan dito. At ang mga simbahan, kombento at mga lugar na may kinalaman sa diyos ay puno na ng mga residente. At halos walang tigil rin ang mga misa at pagdarasal ng mga tao. Gayumpaman ay hindi nito napipigilan o napapahina ang mga dimonyo at patuloy pa rin ang paglabas ng mga ito sa mga nasirang lagusan.

Samantala, sa chaos sanctuary sa impyerno. Kasalukuyang nag-uusap sina Rimmon, Buer, Bael at Stolas. At patungkol ito sa kasalukuyang hakbang nina Baal at Abaddon.

"Kamusta ang naging pag-uusap nyo ni Baal?" Tanong ni Buer.

"Mabuti naman at ayon sa kaniya ay nalalapit na ang kaniyang tagumpay. Ngunit wala na siyang balita kay Astaroth at Aguares." Tugon ni Rimmon.

"Tungkol naman kay Abaddon. Ayon sa aking pagmamatyag sa kaniyang mga kinikilos ay wala pa siyang ginagawa. Tanging ilang mga pag-uusap lang ang napansin ko sa kaniya." Sambit ni Bael.

"*Hmm.. Hindi kaya may pinaplano si Abaddon?" Tanong ni Stolas.

"Natitiyak kong nakahanda na ang kaniyang mga plano at malaki ang hinala ko na may kinalaman ito sa pagkawala nina Astaroth at Aguares." Sambit muli ni Buer.

"Yun din ang aking kutob, subalit ayon kay Baal ay nagawa ni Astaroth ang ibinigay niyang tungkulin dito. At kung masusunod ang kanilang plano ay ilang araw na lang at masisira na ang lahat ng lagusan." Sambit muli ni Rimmon.

"*Hmm.. Pakiramdam ko ay may mali dito, ngunit nalalapit na ang araw na pinakahihintay na'tin." Sambit muli ni Stolas.

"At salamat ito sa dati na'ting panginoon at kay Zagan, dahil nagawa nilang isama sa kanilang pagkamatay ang diyos." Sambit muli ni Rimmon.

Narinig nina Beelzebub, Proserpine at Gaap ang pinag-uusapan ng apat. Walang pag-aaksaya ay agad nilang pinuntahan ang iba pang mga prinsipe at prisesa at sinabi sa mga ito ang kanilang mga narinig.

Samantala, isang masamang balita ang nakarating kay Patrick at ayon sa isang liham na kaniyang natanggap ay bihag ngayon ang dati niyang mga mag-aaral.

"*Tsk! Mga dimonyo talaga sila! Hinding-hindi ko sila mapapatawad sa oras na may gawin silang masama sa mga batang yon!" Sambit ni Patrick.

"Huminahon ka muna Patrick. Isa lang itong patibong para lumabas ka! Patunay na ito ang kanilang pakay, dahil kinailangan pa nilang gawin ang bagay na ito para lang lumabas ka." Sambit ni Maria.

"Pero kung mananatili ako dito ay mamamatay sila! At hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa oras na mangyari ang bagay na yon." Sambit muli ni Patrick.

"Kung ganon ay ipaubaya mo na ito sa'min. Uutusan ko sina Dave na sila na ang magligtas sa'yong mga mag-aaral." Sambit muli ni Maria.

"*Tsk! Kung ganon ay makakaasa po ba ako na maililigtas nila ang mga batang yon?" Sambit muli ni Patrick.

"Wala ka bang tiwala sa kakayahan nina Dave?" Tanong ni Maria.

Sa pagkakataong ito ay sandaling natahimik si Patrick.

Fallen Wing: Ang makasalanang sandata [REMAKE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon