Kabanata VII: Possessed One - Ang pagdating ng mga kalaban. Part II

1.8K 47 8
                                    

Abril 10, 2018. Araw ng martes at sa mga sandaling ito ay kasalukuyang naglalakad si Eucy papalabas ng kaniyang bahay. Kasabay ng pagbukas niya ng pinto ay ang paglikha niya ng isang portal, kaya ng tuluyang makalabas ay mabilis na siyang naglaho.

Sa isang tagong eskineta lumabas si Eucy, dahil dito ang exit point ng portal na ginawa niya. Sandali siyang nagmasid sa paligid at ilang sandali pa ay marahang naglakad papalabas.

“Ito na ba ang lugar kung saan na’tin makikita ang kaibigan mo?” Tanong ni Eucy.

“Oo. Yang building sa tapat mo, pagmamay-ari niya yan at isa ako sa tumulong upang hindi mawala sa kaniya ang kaniyang kompanya, kaya malaki ang utang na loob niya sa’kin.”

“Wow! Kung ganon sobrang yaman pala ng kaibigan mo. Ang daya kasi eh, kulang yung info na nasilip ko sa nakaraan mo.” Sambit muli ni Eucy.

“Lahat lang ng mga importanteng impormasyon ang nasilip mo sa’kin. Ganon din naman ako sayo, kaya patas lang tayo.”

 

“Kung ganon ano na nga pala ang binabalak mo? Hindi ba ayaw mong ipakilala na ako ang new owner mo?” Sambit muli ni Eucy.

“Ako na ang bahala, kaya ako muna ang gagamit ng katawan mo pansamantala.”

*Hmm.. Pero ano naman ang mangyayari sa’kin pag ginawa ko yon?” Tanong ni Eucy.

“Magpapalit lang tayo ng pwesto, kaya wala kang dapat ipag-alala.”

*Hmm.. Tutal para sa pag-aaral ko to, kaya ipapaubaya ko na sayo ang lahat.” Sambit muli ni Eucy.

“Wag kang mag-alala, ako na ang bahala.”

Samantala, sa isang opisina na makikita sa gusaling binabalak puntahan nina Eucy. Kasalukuyan ngayong nag-uusap ang may-ari nito at ang kaniyang anak.

“Papa! Wala pa rin po ba kayong balita kay Luke? Mahigit tatlong buwan na po siyang hindi nagpapakita sa'tin. I'm so worried about him.” Sambit ni Anne.

“Anak, ilang beses ko bang sasabihin sayong wala na si Luke? Hindi ba't sinabi na sa’tin ni Patrick na patay na siya. Nandon siya mismo sa bora, siya mismo ang nakasaksi ng lahat kaya anak, wag ka ng umasa pang makikita mo si Luke.” Tugon ni Tony.

Sa mga sandaling ito ay pilit pinipigilan ni Anne ang kaniyang mga luha, kahit paulit-ulit ng ipinaliwanag ng kaniyang ama ang lahat.

*Sob! *Sob! *Sob! Hindi ako naniniwala sa inyong dalawa. Lalong-lalo na sa Patrick na yon dahil hindi naman siya si Chris! At ang lakas ng loob niyang sabihin sa’tin na wala na si Luke! At kung totoong wala na si Luke, sino ang kumuha kay Chris? Si Luke lang naman ang napili niya para tumupad sa mga misyon niya. At sinabi din mismo ni Patrick sa’tin na si Luke lang ang pwedeng humawak kay Chris! Hindi po ba Pa?!” Sambit muli ni Anne.

Fallen Wing: Ang makasalanang sandata [REMAKE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon