Kabanata XX: Plano - Tagumpay.

585 25 2
                                    

Tatlong araw ang lumipas matapos maganap ang laban sa pagitan ng pinaghihinalaang anghel at dimonyo sa isang saradong open-pit mine. Halos dalawang araw ng hindi umuuwi si Ren, matapos niyang makuha ang Fallen wing kay Balan.

Labis na ang pag-aalala ni Lisa para sa kaniyang anak, dahil hindi niya ito matawagan sa telepono. Nag-aalala na rin siya para kay Eucy, dahil wala ito sa kanilang bahay at pati na rin ang mga kamag-anak nito. Maka-ilang beses na rin siyang nagpabalik-balik sa bahay ng mga Gonzales, ngunit bigo siyang may makausap. Ngayon ay naglalakad na siya patungong istasyon ng pulis, upang humingi nang tulong sa paghahanap sa kaniyang anak.

"Ren anak! Nasaan ka na ba at sana naman nasa ligtas kang kalagayan!" Sambit ni Lisa derekta sa kaniyang isipan.

Balot ng takot si Lisa dahil sa nabalita nitong nakaraang dalawang araw. Ilang kalalakihan kasi ang brutal na pinatay, hindi kalayuan sa kanilang lugar. At dahil dito ay hindi mapalagay ang kaniyang kalooban, lalo na ngayong hindi pa umuuwi ang kaniyang anak.

Samantala, patuloy si Ren sa paghahanap sa dimonyong pumatay sa kaniyang kaibigan, si Astaroth. Maraming sementeryo na rin ang kaniyang napuntahan, para lang mahanap ito. Ayon kasi kay Balan ay mahahanap niya ito sa isang malaking sementeryo.

"*Tsk! Nasaan ka na, Astaroth?!" Sigaw ni Ren.

Marami ang lumabas upang tingnan kung sino ang sumigaw, dahil kahit nasa loob si Ren nang sementeryo ay maraming naninirahan dito.

"Hoy adik! Hindi ka naman taga dito ah?! Ano bang hanap mo?! Sakit ng katawan?!" Sigaw ng isang lalaki.

Agad napalingon dito si Ren at ilang sandali pa ay mabilis niya itong nilapitan.

"Ikaw! Nakita mo ba ang dimonyong si Astaroth?!" Tanong ni Ren.

Labis na nagtaka ang lalaki, ngunit ilang sandali pa ay napangiti siya matapos makita ang ilan sa kaniyang mga kaibigan na papalapit sa kanila.

"*Fufu.. Astaroth?! Ako si Astaroth pre! Bakit?! Papalag ka ba?" Sambit ng isang lalaki.

Agad napalingon si Ren sa kaniyang likuran dahil dito nagmula ang boses na kaniyang narinig.

"Mukhang may saltik yata ang batang ito eh! Ano kaya kung bigyan na'tin siya ng leksyon?!" Sambit ng isa pang lalaki.

"Mabuti pa nga.. Hoy bata! Alam mo ba kung nasaan ka?! Teritoryo na'min ang lugar na ito!" Sambit muli ng lalaki.

Ngunit sa mga sandaling ito ay napayuko na lang si Ren.

"*Wahahaha! Mukhang natakot mo na yung bata, brad!" Sambit ng isang lalaki.

"*Hahaha! Hoy bata! Ano ba ang kailangan mo?!" Sambit muli ng lalaki.

"*Fufufu.. Ikaw si Astaroth diba?!" Tanong ni Ren.

Sandaling natahimik ang mga lalaki at kalaunan ay nagkatinginan.

"*Fuwahaha.. Oo nga pala! Ako nga pala si Astaroth! At ano naman ang kailangan mo?! Pulis asset ka ba?" Sambit muli ng lalaki.

Sa mga sandaling ito ay napangiti si Ren, subalit nananatili siyang nakayuko. Ngunit ilang sandali pa ay mabilis na niyang itinarak ang kaniyang kanang kamay sa kaniyang dibdib na labis na ikinagulat ng lahat.

"Hoy! Hoy! Hoy! Adik yata ang isang 'to brad!" Sambit ng isang lalaki.

Ngunit sa pagkakataong ito ay bigla silang natahimik, matapos hugutin ni Ren ang kaniyang kamay.

"Whoa!! Sa..sa..san nanggaling ang ispadang yon?!" Gulat na pagkakasambit ng lalaki.

*** SFX: WOOOOOOOOOOOOOOOOSH! SHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAK! ***

Fallen Wing: Ang makasalanang sandata [REMAKE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon