Update 3: Friends or NOT?
nakakainis talaga. kung bakit kasi isinama ni Trish si Louie. alaskador talaga yang kinakapatid niya!
"hi mar! tapos mo na ba yung programme?"
"aah. oo. heto oh. nandun na ba sila?"
"5 pa lang kami. maaga pa naman eh wala pa namang 5:00 pm."
"kung sabagay. eh ang mga participants ng mga iba't ibang team nandiyan na rin ba?"
"4 pa lang eh. wala pa ang anim."
"ok. sige. tara."
papunta na kami sa debating club office at nag uusap kami ni Clara ng makita ko sa loob yung lalaking mayabang at alaskador na nakilala ko nung nakaraang gabi.
"ok Clara, make sure na okay na lahat and then gather all of the participants. ikaw na bahala sa kanila ha? aasikasuhin ko muna ang venue."
"wait lng Mar. eh, pumunta na ako sa venue kanina. wala yung janitor at hindi open ang hall. total bago lang daw dumating ang lahat ng participants ikaw na dito ang mag bribriefing at hahanapin ko na lang yung janitor."
"pagkakataon nga naman ano? urgh!" bulong ko na lang. "ah ganun ba? okay. paki check na lang ulit yun ha? susunod ako if i'm through with this."
"okidoks ms. Prexy. alis na muna ako, Ayanna! halika na?"
"sige." sagot ko at nag start na. "okay. roll call muna ha?" isa-isa ko nang tinawag ang mga teams at nung tinawag ko na ang team nung lalaking alaskador na yun. "Louie Jan T. Elizarde"
"i'm here Ms. President!" urgh! sarcastic na pagkakasagot
hindi na lang ako umimik at para hindi maka halata ang iba.
nag simula na akong nag salita at napaka awkward lang ng feeling kasi habang nag sasalita ako ay titig ng titig ang Louie na alaskador na iyon.
"nakikinig ka ba Mr. Elizarde?"
"yeah. you want to hear what you said a while ago?"
"whatever." at nag continue na ako. "okay. yun na lahat ng mga guidelines. remember, every mwf po ang elimination. mag ready na po ang 1st batch. thank you sa pag attend and God Bless sa ating lahat this coming monday."
umalis na ang lahat except sa Louie na alaskador na iyon.
"oh? Mr. Elizarde? the meeting is through and over and why are you still here. are you waiting for someone?" sarcastic kong pagkakatanong.
"why? are you the owner of this office Ms. dela Torre? and all i know, anyone can stay here anytime they want. am i right?"
"urgh! sumusobra na tong lalaki na ito ha?! isa pa talaga?" inis na bulong
"are you saying anything Ms. dela Torre?"
"nothing. aalis na ako. i need to locked the office wala kasing maiiwan dito na mapagkakatiwalaan. so, kung may hinihintay ka man pwede doon na lang sa bench oh. ayun oh? pwede?"
"ah. oo nga at may hinihintay ako. kaso paalis na rin siya eh."
"ha? eh ano pang ginagawa mo dito? habulin mo na. aalis naman kaya siya? hay naku. tsk."
"eh paano ako aalis eh hindi pa nga nakakalabas ng office eh."
palingon lingon ako. ako at yung mokong na iyon lang ang nandito sa office ah?
"what do you mean?"
"hay naku. mahirap ba intindihin yun? nasa honor list ka diba?"
"okay okay. teka nga? may usapan ba tayo? sa pagkakaalam ko po mr. Louie. nung isang gabi lang kita nakilala ni hindi nga kita kaibigan eh."
