Update 22: Timidity Part 2!

10 0 0
                                        

Update 22: Timidity Part 2!

Ako yung huling natulog pero ako pa yung naunang nagising. Mga loko talaga tong barkada.

"Ma'am Ria, kai...." halatang gulat yung nurse

"Hmm. Nakakatawa naman itong position niyo."

"Yun na nga po eh, yan ang napala nila ang hilig kasi sa surprises. Maingay ba kami kaninang madaling araw?"

"Hindi naman po masyado. Salamat po pala sa food ayun busog kami kaninang madaling araw."

"Okay lang po yun. Siyanga po pala, ano nga po ang sasabihin niyo?"

"Kailangan niyo na raw pong mag ready, pupunta raw po kasi siya dito later. Pwede na raw po kasi kayong lalabas anytime sabi ni doc Nico."

"Ah. Okay. Salamat po" yes!

Nakalabas na rin ako ng hospital at ang sabi lang ni Tito Nico na huwag raw akong gagawa ng mga bagay na ikakapagod ko kasi nga diba weak ang lungs ko.

Pagdating na pagdating namin sa bahay ay may kunting handaan. Welcome party raw at birthday party ko. Nandito sa bahay ang mga relatives ko, co-officers, some classmates at ang barkada.

Nagkakasiyahan sila sa loob at ako lumabas muna, namiss ko kasi ang garden namin eh.

"Oh, mag-isa?"

"Gusto ko lang magpahangin. Muni muni na rin."

"Maganda yan para relaxed lang at makapahinga ka na rin."

"Yun na nga eh. Thank you ha?"

"Para saan?"

"Sa mga efforts mo, sa time at sa love."

"Hindi kasi kita matiis eh."

"Salamat!"

"Wag ka munang mag pasalamat! Hindi pa naman ito ang last eh."

"Sige."

"Hm. Pasok na muna ako, kukuha ng maiinom." naglakad na siya papasok

"Wait!"

"Oh bakit?"

"Eh, kasi.. ano.. yang.."

"Ha?"

Nilapitan ko siya at may binulong

"Thank you ulit. I love you." sabay halik sa pisngi

Yun ang unang beses na sinabihan ko siya ng i love you at grabe ang ngiti ng mokong ganito oh. ^________________________^

"I love you too Bheb!"

"Bheb?" waaaa. Kinikilig ako. Gosh!

"Oo, ayaw na kitang tawagin na Pot. Pang-asar ko na lang yun."

"Okay ah! Astig! Hahaha."

"Umandar na naman ang pagiging lalaki mo. Nahawa ka na kanila Romnick. Ano ba yan!"

"Cool naman talaga nun ah?"

"Wag ka na kasing umasta ng ganyan at wag ka na rin lumapit kasi nakukuha mo na yung mga ugali nun. Ang PANGIT!"

"Seloso! Waaaa. Nag seselos ang boyfriend ko oh? uuuuy."

"NO!" Louie

"YES!" Maria

"Hindi!" Louie

"Oo!" Maria

"Kulet mo!" Louie

"Seloso ka!" Maria

"Hindi nga eh." Louie

"Oo na yan" Maria

I Hate to Love this GuyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon