Update 6: Timidity
Louie's POV
ewan ko dito sa mga kaibigan kong ewan. si Sandy na naman ang napagtripan. pasensya na Sandy sa mga Friends ko. alam kong kaya mo yang mga friends ko.
siya nga pala. ipakilala ko rin sa inyo yung mga loko lokong yun.
Let's start with Rom. well, ito yung Playboy sa amin. Romnick Reil Buenaventura. Techie itong lalaking ito kaya parating may bagong gadgets at sabi niya pa sa amin kukuha raw siya ng BS in Information Technology after makagrad ng HS. mabusisi in terms of technology. sinanay kasi nila tito at tita sa mga bagong gadgets eh.
next is Josh. Joshua Perz Calderon. pangarap niyang maging doctor since we were young. kaso, hindi raw sa tao kaya sa hayop na lang daw. at settled na ang mind. Doctor in Veterinary Medicine daw ang kukunin. sabagay, matalino itong lalaking ito, naghahabulan sila ni Sandy sa ranking eh. ang daming pet sa bahay at pinakapaborito niyang pet ay si Patpat na isang Labrador. pinangalan niya sa crush niya nung elementary pa kami.
and last is Russ. hetong si Russel Cayetano naman ang mabait/misteryoso sa barkada. pero medyo loko loko rin. bunso kasi. magaling sa Math mapa Calculus, Trigonometry, Analytical Geometry, Advance Algebra etc. kaya Civil Engineering ang pinapakuha ng parents niya kung mag cocollege na kami. kung nahihirapan kayo sa math eh lumapit ang kayo sa kanya.
at para fair, ipakilala ko na rin ang sarili ko. i am Louie Jan T. Elizarde. dream kong magkaroon ng isang Pharmaceutical Company kaya kukuha ako ng BS in Chemistry. hindi naman sa pagyayabang ako kasi ang may pinakamataas na score o grade in terms of science like Chemistry, Genetics, Physics, Biology, Earth Science, Advance Chemistry, Botany. etc. sa room. pambato rin ako sa mga Competitions mapa quiz bee at investigatory projects. Honor student rin ako kagaya nila Rom, Josh at Russ. kahit loko loko kami eh minimake sure namin na hindi parin kami lalagapak. lagot kasi kami sa mga ate at parents namin eh. HAHA.
"Sandy!"
"oh bakit?"
tumakbo ako palapit sa kanya.
"p-pasensya sa mga friends ko ha? atsaka.."
their you go again Louie. nauutal. waaaa. bakit ba ganito ako?
"okay lang ah. don't worry. i enjoyed their presence. :)) hm. atsaka? naputol?"
"ahh. wala. ingat lang."
mali eh. dapat number niya yung hihingiin at sasabihin ko. kaso, iba lumabas sa bibig ko. FAIL naman. urgh!
"salamat! kayo rin. sige alis na ako. may aasikasuhin pa ako."
at yun, umalis na siya. kakainis naman! sige, kay Trish ko na lang hihingiin.
Maria's POV
papaalis na ako nung tinawag niya ako.
"Sandy!"
"oh bakit?"
tumakbo siya palapit sa akin.
"p-pasensya sa mga friends ko ha? atsaka.."
"paulit ulit ba?" sa isip ko. nauutal pa.
"okay lang ah. don't worry. i enjoyed their presence. :)) hm. atsaka? naputol?"
naguguluhan talaga ako, may sakit ba ito or what?
"ahh. wala. ingat lang."
okay lang ba talaga itong si Lo? ang gulo niya. halata kasi sa mukha eh.
"salamat! kayo rin. sige alis na ako. may aasikasuhin pa ako."
ayun, umalis na ako pero may gusto akong tatanugin kaso, hindi na lang. kakahiya.