Update 20: Meet The Family Members!
After three days ay umuwi na rin kami para maka celebrate kami ng Christmas with our family and relatives.
Kahit na Christmas vacation ay bumibisita parin ako kanila Maria, okay naman rin yun kanila tito Peter at tita Anna.
"Hijo! Napapansin ko na parati kang bumibisita rito. Christmas vacation na ah? Wala ba kayong reunion o di kaya'y lakad ng pamilya?"
"Wala po nay eh. Pina cancel ko po yung plan nila mom and dad na mag o-out of the country para po mabisita ko si Maria. Atsaka after Christmas na lang daw po ang reunion namin."
"Alam mo hijo? Napakatiyaga mo. Hindi yan ginagawa ni Timothy nung nanliligaw pa siya kay Cassandra. Kaya nga bilib ako sa iyo eh."
"Ay? Ganun po ba? Salamat po. Ewan ko nga po eh kung bakit hindi ako napapagod na gawin ito. Masaya po ako sa ginagawa ko."
"Gawin mo kung anong sinasabi ng puso hindi dahil na sa ngalan na nililigawan mo siya kundi dahil mahal mo siya pero hindi sa lahat ng oras puso ang pinairal kundi ito." Sabi ni Nanay Lydia sabay turo sa ulo.
"Oh siya hijo punta muna ako sa kusina, hitayin mo na lang si Cassandra."
"Opo!"
Tama nga naman si Nanay Lydia, sundin ko kung ano man ang sinasabi ng puso at utak ko. Hindi dahil sa ngalan na nililigawan ko siya o dahil siya si "Maria Cassandra S. Dela Torre" ang pinakamatalino sa batch at kailangang magpapogi points kundi dahil MAHAL ng isang Louie Jan T. Elizarde ang isang Maria Cassandra S. Dela Torre.
Halos araw-araw rin akong bumibisita sa kanila at doon napapasmile na lang sila Tito at Tita.
"Yat. Bukas ng hapon, pupunta ka raw dito sa bahay sabi nila Dad and Mom. May reunion kasi kami. Pupunta ka talaga kasi sila Dad, Mom at Kuya na ang nag request."
"Ha? Eh diba family reunion yun?"
"Okay lang. Welcome naman kahit sino. Sige na."
"Okay. Pupunta na ako."
"My cousins are looking forward to see you there."
"Really? Hm. So, kinukwento mo ako sa kanila noh?"
"NO! hindi kaya, masyado ka kasing showy sa FB, Twitter, Tumblr even Instagram at nacurious ang mga cousins ko."
"Haha. Hindi naman."
Kinabukasan nakatanggap ako nang text from her.
from: Pot. ♥
paYAT! don't forget this afternoon ha? all of them wants to meet you. see you this afternoon! :*
----
Si Maria na talaga! Excited sa lahat ng excited. After kong makapaglunch nag-ayos na ako at nag paalam na kanila Mommy at Daddy. Around 1:30 pm ay nakaalis na rin ako sa amin.
"This is it. Nandito na ako sa kanila." bulong ko sa sarili ko nung nakarating na ako at nasa tapat na ng gate, open ang gate nila at pumasok ako kasi nakita kong may inaayos si Nanay Lydia.
"Hello Nay! Si Maria po?"
"Hi hijo. Kanina ka pa hinihintay nun. Halika pasok ka muna."
"Salamat po."
"Nanay Lydia? Who is that guy?" tanong nung cute na bata pinsan o pamangkin niya ata
"Baby Veronica. He is Tito Louie. Suitor of mommy Cassy."
"Oh. Hi Tito! So, you're the one they are talking about. You're really handsome. Come with me Tito. My Titas and Titos are in the living room. Ahm. Anyway, I'm Veronica Seanna."