Update 11. Informal Exclusive Date
palabas na ako sa SBO Office ng nadatnan ko si Lo na nakasandig sa door.
"AY! Lalaki! oh? anong ginagawa mo dito?" muntikan nang matapon yung dala dala kong mga papel. bakit kasi kailangang tumambay sa door. waaa. sadya ba talagang magugulatin ako?
"Labas tayo?"
"HA?! Ano?" ayaw mag process sa utak ko.
"Labas tayo. treat kita. total naman wala nang klase. may meeting lahat ng faculty diba? sige na."
"ah. eh. okay ka lang? naka uniform pa tayo oh?"
"okay lang. bibili tayo ng damit mo with footwear pa."
"seryoso ka? uuwi na lang kaya muna ako then magkikita na lang tayo. s-saglit lang, saan pala tayo pupunta?" lagot ka talaga sa akin Lo. eeeeh. pasalamat ka.
"huwag na kasi. tama na yan. sige na. samahan mo na lang ako ngayon."
at ayun. hindi pa ako nakakapagsalita hinila niya na yung kamay ko. pinagtitinginan na kami ng mga students. nagtataka ako kung bakit pero nung napansin ko magkahawak kamay na pala kami. Holding Hands kumbaga. hindi niya rin binibitawan ang kamay ko. kung pwede lang sumigaw "LOUIE JAN T. ELIZARDE. bitawan mo kamay ko."
"Lo?"
"oh ano?"
"pwede naman sigurong dahan dahan ano? sasama naman ako sa iyo ah. pinagtitinginan na tayo oh?"
"and so? i care not. bilisan mo kasi. ang kupad naman neto."
"ang yabang mo!"
"si Louie na at Mar?"
"waaaa. bagay silang dalawa noh? what do you think girls?"
"yeah. kinikilig ako."
"oh em geee. this can't be happening. si Louie ko."
"paano ba yan tol. naunahan ka na."
"si kuya Louie with ate Maria?"
"sila kuya at ate na ba?"
"cute couple."
all we heard is the reactions of some of the students. Louie Jan. ikaw lalaki ka. naaaaaaaah.
"pinag-uusapan na tayo Lo. bitawan mo na kasi ako."
"i just said that i don't care. i really don't care. hm. kung pumayag ka na kasi kanina eh di sana hindi na kita hinila."
"ewan ko sa iyo."
"let's go." sabi niya sabay open ng door ng car. waaa. wag kang pasaway pisngi ka. utang na loob naman. bakit kasi nagpapakagentleman ka ngayon Louie.
"salamat Lo!"
umalis na kami at dinala ako ni Louie sa mall bumili muna siya ng damit at shoes for me, tinotoo niya yung sinabi niya sa akin kanina. infairness, the dress and shoes fit me. after that, nag arcade kami then nanood ng sine.
"oh nagustuhan mo yung movie?"
"oo. nice naman siya."
"akala ko hindi mo magugustuhan. pang lalaki kasi siya actually."
"ok lang. nasanay na ako. kasabay kong nanonood sila daddy at kuya."
"aahh. buti naman. oh Sandy! dahan dahan."
"ay, pasensya. madilim kasi. waaa. salamat." careless again! ang dilim kasi talaga, kasalanan ko bang matumba ako?
"ang bigat mo pala? joke lang."
